tools e-mail

aTY 1st Anniversary

Happy  1st Anniversary ang Tanging Yaman!

namamasko po!

namamasko po!

Magandang araw po sa inyong lahat! Masayang masaya ako sa araw na ito, dahil ito ang unang araw na isinilang “ang tanging yaman”. Lubos ang aking pasasalamat kay Big Bro. na isinilang niya ito para makapag bigay ng liwanag at inspirasyon sa mga taong naglalakbay sa madilim na daan ng buhay, makatulong ng simple at maipadama ang Kanyang presensya sa mga taong may kakaibang sakit at sa mga taong nakakaramdam na sila ay nag-iisa sa kanilang pinadaraanan sa buhay.

Sa kabila ng napakarami kong pagkukulang, sa aking pagtalikod sa Kanyang tawag noon ay hindi Siya nagsasawang ako ay gabayan at kalingain. Kaya naman lubos ang aking pasasalamat kay Big Bro. at kay Ina’y Maria. Nagpapasalamat rin ako na binigyan ako ng pagkakataon na kahit dito at sa pamamagitan ng pagtulong ko sa aking kapwa ay mapaglingkuran ko Siya. Salamat at kahit papaano ay nakapag sponsor ako ngayong taon ng tatlong simpleng soup kitchen at makapagbigay ng konti sa mga taong nasa “hands of friendship”.  Kulang pa siguro ang aking ginawa kumpara sa pangangailangan ng aking kapwa at sa kabutihang pinapakita ni Big Bro. sa akin.

At syempre, Sa inyong lahat na aking mambabasa na naging mga kaibigan, maraming maraming salamat po sa inyong pagsuporta at walang sawang pagsubay-subay sa “ang Tanging Yaman”. Sa iba’t ibang blogger at blogsite na nagbigay ng pagkilala at parangal sa akin at sa aTY…maraming salamat po! Ang pinaka magandang regalong aking natanggap ay nadagdagan ang aking mga kaibigan.

Marami pa akong pangarap sa aty, gusto ko pang lumawak ang sakop nito at naaabot pero hindi sapat at limitado lang ang aking pondo kaya ipahintulot nyo po sanang makapaglagay ako ng donations button para sa page na “Hands of Friendship para mas marami pang matulungan at ang matitira ay para sa maintenance ng aty. Sa tuwing aking nakikita at nababalitaang nadagdagan ang mga may sakit, walang makain, walang matitirhan, mga taong naghahanap ng pang-unawa sa kanilang pinagdaraanan. Kailangan kong kumilos at sila ay abutin at tulungan para maiwasang sila at kanilang mahal sa buhay ay tuluyang lumayo at malimutan na mayroong Diyos na nakikinig sa kanilang panalangin at hinaing.

Anuman tulong ay labis naming ikatutuwa at bahala na po si Big Bro na gumanti sa inyong kagandahang loob.

Ipagpaumanhin nyo kung minsanan lang ako makadalaw sa inyong blog, hindi makareply sa inyong comment. Sa ngayon ang inyong lingkod ay dumadaan sa isang krisis at kailangan magtipid…sarling sikap ang trabaho ko ngayon..minsan meron,minsan wala. Umaasa lamang sa Kanyang dakilang awa at grasya. Salamat na lang andyan Siya palagi ang aking Tanging Yaman para ibigay ang aming pang araw-araw na pangangailangan.

God bless us all more this coming year 2010!

In prayer with Mary,

sandi

signature sandi
jobs

Forwarded Message #8

forwarded message 8

signature sandi
trademarks

Huwag Kang Mangamba Aking Kaibigan

Natatakot ka ba? Walang masama kung ikaw ay may pangambang dinadala sa iyong kalooban. Ayon sa mga relihiyoso, normal lang sa atin na makaramdam ng pangamba sa ating mga pinagdadaanan. Katulad na rin ng nangyari sa mga disipulo habang sila ay nakasakay sa isang bangka, kasama si Hesus. ( Lukas 8:22-25)

Huwag lang nating kalilimutan na kasama natin Siya sa ating bangkang sinasakyan. Hindi tayo nag-iisa at wala tayong dapat ipangamba. Ang paglalakbay ay magpapatuloy at ang maalong dagat ay kakalma dahil sa Kanya.

Kahit ako, ay nakakaramdam ng pangamba sa aking mga pinagdadaan. Kaya minsan, nagdadalawang isip akong ituloy ang aking paglalakabay. Ngunit ang daan aking iniiwasan ang sadyang nais ng Kaibigan kong lakaran ko, dahil kahit anong iwas ko, dito pa rin ako lalabas.  Kahit sinong makilala ko,  dito at dito pa rin ako ituturo.

Parang ang Panginoon ay nakikipag-usap sa akin, Dahil sa mga pangyayari nitong nakaraang linggo na magkakatugma, ang mga pagbasa sa ebanghelyo, ang kaibigang hindi ko naman pinili at nito ko lang nalaman na may kaugnayan pala sa “tawag” na aking tinutugon, ang siyang nagbigay sa akin ng inspirasyon na ituloy na ang gawaing ito.

Kaya, Gumawa po ako ng isang video na inahahandog ko po para sa inyong lahat na aking mga kaibigan, sa tunay na mundo, sa blogosperyo…. at sa aking mga espesyal na mga kaibigang may karamdaman at sa kanilang pamilya, sa mga batang kalye, sa mga dukha ng mga dukha, sa iba pa.

Alam kong ang iba sa inyo ay hindi ito mapapakinggan dahil sa inyong karamdaman, ngunit umaasa ako na maramdaman nyo lagi ang presensiya ng ating Panginoon sa inyong buhay at umaasa ako na darating  din ang araw na ito ay inyong mapapakinggan.

artist: Himig Heswita
Album: Your Dwelling Place

Huwag Kang Mangamba



(lyrics)

Chorus:
Huwag kang mangamba.
Di ka nagiisa.
Sasamahan kita.
Saan man magpunta.
Ika’y mahalaga.
Sa aking mga mata.
Minamahal kita.
Minamahal kita.

Tinawag kita sa iyong pangalan.
Ikaw ay Akin magpakailanman.
Ako ang Panginoon mo at Diyos.
Tagapagligtas mo at tagatubos.

(repeat chorus)

Sa tubig kita sasagipin.
Sa apoy ililigtas man din.
Ako ang Panginoon mo at Diyos.
Tagapagligtas mo at tagatubos.

(repeat chorus)


Pagpalain nawa kayo lagi ng ating Panginoong Diyos at lagi nyo sanang damahin ang presensiya ng ating Panginoon Diyos.

Maraming Salamat po sa Inyo! Mahal ko po kayong lahat ;)

search
tools

Nais Ko

Bohol Beach Club 3

Nagbalik sa isipan ni Andoy ang nangyari noong taong 1992..

“Nais mo rin bang makarating doon?” wika ni Toni,habang naka-upo sa buhanginan katabi ng kanyang kaibigan. Isang banayad na hangin ang dumaan sa kanilang paligid.

“Sa mga bituin? Parang ayokong isipin” wika ni Andoy.

“Pero ito ay kamangha-mangha at napakalawak. Ayaw mo bang naisin na tayo lang dalawa ang naroroon?” sabi ni Toni.

Umusod ng konti si Andoy at nilagay ang kanyang kamay sa ilalim ng kanyang baba at nagtanong, “Bakit mo ba palaging tinatanong ito sa akin?”

“Wala lang, malaking tulong din ang magkaroon ng pananaw sa lahat ng bagay at masarap mag-isip ng malahiganteng pangarap.” wika ni Toni

“Mali,” wika ni Andoy, “masakit minsan mag-isip ng malalaking pangarap.”
Gugustuhin ko pang sumabay na lang sa agos na darating sa aking buhay”

Tumingin si Toni sa mukha ng kaibigan. “Wala ka bang pangarap sa’yong buhay, sa ating dalawa?” Wala bang pumapasok sa’yong isipan para magpursige ka sa iyong buhay para ng sa ganon ay umasenso ka?” isang mabigat na tanong na iniwan ni Toni kay Andoy.

Ang hindi alam ni Toni at ng karamihan ay may mala-higanteng pangarap din siyang nais matupad. Nais niyang matupad ito pagdating ng araw.

Nagdasal si Andoy “Panginoon, bigyan mo rin po ako ng pangarap, isang pangarap, na makakatulong sa aking kapwa.”

e-mail

Ano ang Silbi?

Isa pong paalala para sa mga nais maglingkod sa ating bayan:

Ano ang silbi ng kapangyarihan
kung ito’y gagamitin lang sa mga malilit, mahihina at walang kalaban-laban.
Ang kapangyarihan ay regalo mula sa Itaas,
hindi para gamitin sa mga mahihina at walang kalaban-laban,
kundi para magsilbi sa mga ito ng walang hinihintay na anumang kapalit.

Ano ang silbi ng karunungan,
kung ito’y gagamitin para manloko ng ating kapwa.
Ang karunungan ay regalo mula sa Itaas,
hindi para manloko ng ating kapwa,
kundi para turuan at gabayan sila.

Ano ang silbi ng pagiging mayaman,
kung lalo pang pahihirapan ang mga mga dukha.
Ang kayamanan ay regalo mula sa Itaas,
hindi para itambak sa baul at magpahirap ng kanyang kapwa
kundi para ibahagi sa mga dukha, maysakit, walang tirahan at nangangailangan.

Ang Kapangyarihan, Karunungan at Kayamanan ay regalo mula sa Panginoon na siyang ating Tanging Yaman,
kaya dapat lang na ingatan at gamtin sa tamang paraan.

Dios Mabalos(God will repay)

jobs

Otso-Otso Tag

Eto ay Tag na pinasa sa akin ni ms. enjoy ng life is a piece of keyk, dahil palakaibigan adik daw ako.. huh, eto ang adiksyon na di na kailangan ipa rehab :)

Komersyal muna:

butterfly-81Eighty-Eight butterfly(Diaethria neglecta), mula sa bansang Brazil, dahil sa tuldok at linya sa kanyang pakpak kung bakit siya may ganitong pangalan. (photos are from National Geographics photo archives/Joel Sartore).

Balik sa programa..

Ang rule ng “Eight Tag” ay maglista lamang ng walong mga bagay patungkol sa mga kategorya na mababanggit sa ibaba.  Eto ang aking mga sagot…Simulan ko na…

8 things I’m looking forward to..

1. Mawala na ang kumakalat na swine flu virus at lahat ng sakit na nakakamatay para hindi na ito kumitil pa ng maraming buhay.

2. Mapalitan na ang lumang kong PC.. pag pray nyo ha?

3.Umaasa ako na gaganda ang ekonomiya ng bansa…

4. Ang mag bayad na ngayong linggo ito  ang aking customer sa kanilang utang, para matapos na ang araw araw na pangungulit sa akin ng accounting..

5. magtagal pa ako dito sa blogosperyo at marami pa akong maibahagi sa inyo..

6.  Umaasa ako na masisimulan ko na ang aking sariling negosyo..

7.  Umaasa ako na palagi kayong nasa mabuting kalagayan, palaging na- aapreciate ang buhay na binigay ng Diyos.. malungkot man o masaya.

8. Umaasa ako na ang lahat ng ito ay matupad ayon sa Kanyang kalooban at sa tulong ng inyong mga panalangin.

8 things I did yesterday (may 1 ‘09)

1. Pumunta sa pabrika kahit walang pasok..
2. Naki Soup Kitchen..
3. Nakigulo sa SM megamall..sale kasi.. wala naman akong binili dahil wala naman akong perass..
4. Dinalaw ko ang aking Kaibigan..hindi buo ang araw ko kapag hindi ko Siya nakikita..
5. Dumalaw sa mga bilangguan..libre kasi tsibug dun :)
6.Nanood ng sine.. “wolverine”.. ang mahal na pala ng sine.. tagal na kasi ang huling kong panood sa sine :)
7. Pag-uwi ko sa bahay.. bisikleta to the max.
8. Pagkatapos kong magbisikleta.. ginala ko sa aming lugar ang aking mga aso..

8 things I wish I could do (nose bleed ako dito)

1. Ang  pakainin lahat ng nagugutom
2. Ang lunasan ang sakit ng taong may karamdaman lalo na ang mga walang pangpagamot
3. Ang bigyan ng tahanan, ang lahat ng walang tahanan, mga batang kalsada, mga nakatira sa bangketa..
4. Ang sagipin lahat ang mga hayop na minamaltrato..
5. Ang mabigyan ng hustisya ang mga bilanggong walang kasalanan..
6. Ang mabigyan ng trabaho ang mga mangagawang natatanggal sa kanilang trabaho.. lalo na sa amin.
7. Ang sagipin ang nasisirang kalikasan..
8. Ang magkaroon ako ng sapat na oras para samahan araw-araw ang lahat ng mga dukha at nangangailangan sa kanilang kalungkutan, pag-iisa at pag-hihirap.

8 shows I watch

1. Jessica Soho
2. May Bukas pa
3. Supernatural
4. ABS CBN News
5. GMA News
6. Kyle XY
7. CSI
8. Goin’ Bulilit

8 People/ Tag

1. Senorita Kengkay
2. Kuya Blu
3. Dhyoy
4. Azul
5. Lovely
6. Fula

Anim lang po ang kaya kong itag :)

blogger_friendship_award_2009
1. Place the logo / banner on your blog.
2.Add a link to the blog who gave the award.
3.Nominate at least 7 other blogs. (It says at least! If you’ve got more friends, go ahead)
4.Add links to the blogs that you have nominated.
5.Let them know by leaving a message (shout) on their blogs

Ang award sa itaas ay ibinibigay ko sa anim na magsasayaw ng otso otso tag at sa lahat ng nasa ibabang pangalan.. At sa lahat ng girls sa aking listahan..kunin nya na po ang inyong award! MARAMING SALAMAT PO SA INYONG LAHAT!

1. Alimbukad
2. Coolwaterworks
3. Eli
4. Dencios
5. Otep
6. flamindevil
7. Bro. Utoy
8. Rev. Siopao
9. Boni
10.Foobarp
11. Hibang
12. Bluepanjeet
13. DFish
14. Honeybrisketbabyfat

Woh! Natapos din… nose bleed ako dito sa tag na ito! Salamat Ms. Enjoy.. nag enjoy ako dito.. hanggang sa muling pagtagtag. :)

Dios mabalos!

trademarks

Labing-isang Regalo

Eto ay karugtong ng naunang kong post na may pamagat na “unang regalo”. Minumungkahi ko na basahin nyo muna ang naunang post bago ituloy ang pagbabasa nitong post na ito.

2. Matiisin- isang babae rin ang nagturo sa akin ng pagiging matiisin, kung paano mabuhay araw araw ng may kasamang pagtitiis. Ang maghintay kasama ang kanyang pamilya sa isang napakahabang pila bago sila mabigyan ng pangangalaga, iba ay naiinis na at kung anu ano na lumalabas na masasamang salita sa kanilang bibig dahil sa tagal ng kanilang paghihintay ngunit siya ay tahimik lang na naroroon at hinihintay na sila ay mabigyan ng pansin. Ang kwento nya:

Pagkatapos ng ilang taong pagsasama,hiniwalayan niya ang kanyang asawang mahilig manakit. Mayroon siyang isang anak na lalaki na maysakit sa pag-iisip at kailangan ng lunas. May katiyagaan nya itong inaalagaan at binibigay kung ano man ang pangangailangan nito.

3. Matiyaga- isang batang lalaki naman ang nagturo sa akin nito.. sa kabila ng sila ay mahirap lang at kapos sa panggastos, siya ay matiyagang gumagawa ng paraan para magkaroon ng kanilang makakain at ipambabaon sa eskwela. Ang kanyang kwento:

Napansin ko ang batang ito na araw araw na matiyagang nagbebenta ng kalamansi sa palengke at minsan ay plastic bag, minsan ay tumpok tumpok na sibuyas para lang sila ng kanyang mga kapatid ay may mabaon sa eskwela. Minsan nakiki angkas na lamang sila sa mga pampasaherong jeep, sumasabit sa likod ng mga trak at kung walang mag-sakay sila ay maglalakad na lamang.. sa pagpasok at sa pag-uwi.

4. Mapag-bigay- isang lalaking hindi katandaan ang nagturo sa akin nito. Kahit na nakaranas ng krisis sa buhay at sakit ng kalooban, hindi pa rin niya nakalimutang tumulong sa mga nangangailangan.  ang kanyang kwento:

Ng nagtatrabaho siya sa ibang bansa, Iniwan siya ng kanyang asawa at inubos ang lahat ng kanyang pera, binenta ang kotse at bahay..kaya pag-uwi niya rito ay wala siyang bahay at wala ang pera niyang pinagpaguran. Buti na lang may binigay pa sa kanyang sahod bago sya umuwi at mayroon siyang magulang na matutuluyan. Sa kabila ng nangyari sa kanya, palagi siyang nakahandang mag boluntaryo kapag may proyektong paglingap na magaganap. ” marami akong natutunan kapag narito ako, natutunan kong harapin ang sarili kong problema. Handa lagi akong pagaanin ang pasanin ng iba.” wika niya.

5. Mababang Loob/Simple- Natutunan kong maging simple katulad ng mga bata, Isang dalagita ang ang nagturo sa akin nito. Isa siyang dating prostitute, naghanap ng ibang marangal na trabaho, Iniwan niya ang kanyang kinakasamang boyfriend dahil sa pananakit.  sa kabila ng mga panunukso sa kanya dahil sa kanyang nakaraan, nakukuhang pa rin niyang hindi lumaban at maging mababang loob lamang. May ibang taong naging maramot sa kanya, may iba naman na binigyan siya ng pagkakataong magbago at magsimula muli. Noong huli kong kita sa kanya sa kanilang bahay, eto lang nasabi niya ” sa buong buhay ko parang ang pakiramdam ko ay bata ulit ako.” wika niya.

6.  Matatag- sa kabila ng hirap sa buhay gumagawa sila ng paraan para mabuhay. Minsan nasa kalsada sila para magbenta at kumita ng konting pera. Minsan kailangan din nilang maging ma utak para hindi maloko ng kanilang kapwa.  Tinuruan nilang akong maging matatag anuman ang mangyari.

Isang binatilyo naturo sa akin, sa edad desisyete(17), siya naging ulila. Nalulong sa droga, pagnanakaw. Nakulong..

pag-labas niya galing sa kulungan- naghanap siya kaagad ng mapapasukan trabaho.. maraming nagdamot ngunit may nagbigay din ng pagkakataon na siya ay makapag simula muli sa kanyang bagong buhay. Sa kabila ng pasakit na kanyang naranasan ipinakita niya ang kanyang katatagan huwag na muling bumalik sa dating buhay.

7. Pagtanggap- Natutunan ko ito sa mga taong nagbigay ng pagkakataong magsimula muli ang isang dating prostitute at pusher ng ipinagbabawal na gamot. Sa kabila ng kanilang nakaraan tinanggap nila sila at binigyan ng bagong buhay at pag-asa.

8. Pagpapasalamat- tinuro nila sa akin lahat ito, sa kabila na sila ay nahihiya dahil sa estado nila sa buhay at itsura  madalas silang magpa salamat kahit na maliit lang ang iyong naibigay sa kanila.

Isang matandang babae na may dalawang anak, nasunog ang kanilang bahay na tinutuluyan. Binigyan namin siya ng konting damit at konting makakain, umiiyak siyang nagpasalamat sa kabutihang loob na binigay sa kanya..hanggang sa umuwi kami ay iyon lang ang nasasabi niya.

9. Pag-alala- Marami sa kanila ang hindi malimutan ang kanilang mga nakaraan, pangit man o maganda. Eto rin naman ang nagiging dahilan para damayan din nila ang kapwa nila lalo na ang mga taong dumadaan din sa kanilang pinagdaanan. Marami sa kanila ang hindi makakalimot sa kabutihang iyong ibinigay… habang sila ay nabubuhay ito ay palagi nilang tatandaan at minsan sa abot ng kanilang makakaya ay susuklian nila ito ng isang kabutihan din.

10. Magbigay Buhay- Alam nila kung kailan makikinig, magpapayo at magsasalita. Tinuruan nila akong kung paano bigyan ng halaga ang buhay..lalo na ang buhay ng aking kapwa.

May isang babae na minaltrato ng kanyang asawa, nilapitan siya ng akin kasama at sila ay nag-usap. Nagpalitan sila ng kanilang mga mapapait na nakaraan.. umiyak ang dalawa.

” dumaan din ako sa ganyang problema kaya kailangan kong tulungan kung sino man ang nangangailangan.Malaki rin ang naitulong sa akin ng pakikinig sa kanyang problema. Hindi pala ako nag-iisa. Dati binabalingan ko ng sisi ang aking sarili ngunit ng marinig ko ang problema ng iba..may mas matindi pa pala sa aking nararanasan.” wika ng aking kasama ng siya ay aking kausapin.

11.  Pagiging Masayahin- sa kabila ng lahat, ng hirap na kanilang nararanasan nakukuhang pa nilang makipagtawanan at makipagbiruan. Minsan ay napapasaya nila ako.

may isang nagwika sa kanila: “mahirap talaga ang buhay, pero sino ba naman ang may gustong magmukmok sa sulok at umiyak ng nag-iisa, mas maganda na siguro ang makihalubilo ka sa iyong mga kabarkada at makipagtawanan.”

12. ang mga salitang ito ang hindi ko makakalimutan.. “ang magmahal sa kabila ng lahat”. Dukha man ang paningin sa kanila ngunit napaka ginto naman ng kanilang mga puso dahil sa kanilang pinapakitang pagmamahal.

Sa kabila ng lahat na ikaw ay may pangit na nakaraan, matigas ang ulo at pasaway ikaw ay Kanyang mamahalin.

Sa kabila ng lahat na ikaw ay dating bilango, prostitute, dating sugapa sa droga ikaw ay Kanyang mamahalin.

Mamahalin ka Niya hindi dahil sa kung ano meron ka at kung ano ang maibibigay mo, kungdi mamahalin ka Niya sa kabila ng lahat..


Huwag po nating kalimutang tumulong sa PENS OF HOPE ni nortehanon. Sa inyong konting tulong ay maraming mapapasayang mga bata.

salamat :)

P.s.

Hapi 1st yr. anniversary sa blog ni bro. utoy!

search
tools

Unang Regalo

Ang maglingkod sa mga dukha, batang lansangan, sa mga walang tirahan, sa mga preso ay nagbigay sa akin ng isang buhay na ganap. Noong una, naisip ko lang na masarap lang ang pakiramdam na makatulong sa nangangailangan. Ngunit sa haba ng taon ng aking pagsisilbi, ay naisip ko na ako ay ako ngayon dahil sa mga natutunan ko sa kanila. Nabigyan nila ako ng higit pa sa aking ibinibigay na oras sa kanila..

dsc06795

May labindalawang regalo silang binigay sa akin  na kailanman ay hindi kayang pantayan ng anumang materyal na bagay. Ito ay mahahalagang aral sa buhay na aking pinag-isipan, pinag-aralan at itinaas sa Panginoon. Hindi ko natutunan  mula sa kanilang mga bibig kungdi sa ipanakita nilang  halimbawa kung paano nila nairaraos ang araw araw na buhay.

1. Magtiwala sa Panginoon- Itinuro nila sa akin na gaano man kahirap ang buhay, Huwag akong mawalan ng pag-asa at magtiwala lagi sa Kanya, magdasal palagi sa Kanya para baguhin ang aking sariling buhay..eto ang kwento:

Isang araw mayroon akong nakilalang isang matandang babae na may kasamang dalawang anak. Siya ay tinanong ng aking kasama kung paano sila nakakaraos sa kanilang buhay sa ganitong panahon na napakahirap. Sumagot ang babae: “palagi lang akong nagdadasal sa Panginoon, at hindi ako nawawalan ng pag-asa dahil alam kong nasa kamay Nya ito, at umaasa ako sa Kanya na ako ay Kanyang gagabayan palagi at ibigay ang aming pang araw araw na pangangailangan. Hindi kung ano ang kailangan ko kungdi kung ano ang alam Niyang kailangan namin, Alam kong, uubra na ‘yon sa amin.”

Paumanhin po sa inyo..Medyo gumagabi na pala..kailangan ko na munang mag pahinga! Huwag kayong mag-alala isusulat ko kaagad ang natitira pang labing-isang aking natutunan sa kanila.

salamat..hanggang sa muli!

P.S.

HaPPy Christening kay Baby Blu.. :)

e-mail