Madalas, Si Rebecca at ang kanyang mga anak ay gustong-gustong pakinggan ang tunog ng kulog at pagmasdan ang gumuguhit na liwanag ng kidlat sa kanilang bintana. Nagkakatuwaan silang hulaan kung gaano kalayo ang kidlat sa pamamagitan ng pagbilang, sa pagitan ng pagkidlat at pagkulog. Ang pagpatak ng ulan sa kanilang bintana ay parang isang pangingiliti ng Diyos na nagbibigay ng sigla at kaginhawaan sa kanilang munting tahanan. Ngunit sa pagkakataon ito, ang bagyo ay hindi kasiya-siya sa mag-iina dahil sa lakas ng patak ng ulan at nakakatakot na ingay ng kulog.
Ang malakas na bagyo ay dumaan sa kanila sa kalagitnaan ng gabi, walang tigil ang pagkidlat at pagkulog. Ang malalaking patak ng ulan ay binabayo ang kanilang bintana. Hindi katagalan bago mag-umpisa ang malakas na ulan, ang kanyang mga anak at kanilang aso ay naglipatan sa kanyang kuwarto, at kahit si Rebecca ay nakakaramdam ng takot sa dumaraang bagyo.
Nasa kama ang mag-iina ng biglang mamatay ang ilaw, lalong natakot ang mga bata at pati si Rebecca ay hindi malaman ang gagawin. Hanggang sa maalala niyang may flashlight pala siya sa kanyang drawer. Kinuha niya ito at binuksan. Ang munting liwanag dulot ng flashlight ay nagbigay kaagad ng kaginhawaan at katiwasayan sa mag-iina. Naramdaman ni Rebecca ang presensiya ng Diyos sa liwanag at kasiguruhang ang lahat ay magiging maayos.
Hindi nagtagal, Si Rebecca, ang mga bata, at ang aso ay natulog. Kina-umagahan, ng ibabalik na ni Rebecca ang flashlight kung saan niya ito kinuha, napansin niyang ito ay magaan. Kaya, binuksan niya ang pinakadulo, at siya ay namangha sa kanyang nakita sa loob nito, ito ay walang lamang baterya.
Hindi man natin napapansin ang mga himalang ginagawa ng Diyos sa ating buhay, hanggang sa may bagyong dumating. Kapag ang takot ay nangibabaw sa atin, tayo ay may pagkakataong iunat ang ating pagtitiwala sa Kanya. Sa oras ng pagsubok, ang mapag-himalang kapangyarihan ng Diyos ay nanatiling walang pagbabago at totoo, binibigay sa atin ang ating pangangailangan sa oras na ito ay ating kailanganin. Magtiwala tayo dito.
Lord, ang Iyong salita ay nagsisilbing liwanag sa aking mga paa at aking daraanan.. Salamat po sa pagiging Liwanag mo sa aking buhay sa lahat ng pagkakataon, mabuti man o hindi. Huwag ko sanang kalilimutang laging purihin ang Iyong pangalan at ihayag ng walang kapaguran ang Iyong kabutihan.

May isang istorya ng isang “acorn nut” na nahulog sa loob ng isang lata at natabunan ng lupa. Dumaang ang mga araw, isang maliit na talbos ang sumibol at tumulak papalabas ng lupa. Ang bagong sibol na talbos ay kumuha ng tamang-tama sustansiya para siya ay lumago at mabuhay. Maraming taon ang dumaan, ang maliit na acorn na binalewala ang tigas ng lata ay naging isang malaking puno kung tawagin ay
nating namamalayan. Tayo ay nabubuhay dahil sa Kanyang dakilang pagmamahal at pagkalinga sa ating lahat. Hindi Niya pinangako na palaging bughaw ang kalangitan at hindi rin Niya pinangako na palaging sisikat ang araw, bagkus Kanyang pinangako na tayo ay Kanyang palaging sasamahan at kakalingain sa oras ng kadiliman at unos na sasapit sa ating buhay.