international

Sino ang Iyong Inspirasyon?

“Brothers and sisters, none of us lives for oneself, and no one dies for oneself. For if we live, we live for the Lord, and we if we die, we die for the Lord. So then, whether we live or die we are for the Lord.” -Romans 14

May mga taong nagbibigay inspirasyon sa napakaraming tao sa pamamagitan ng kanilang mga gawa. Tayo ay pwedeng humanga sa mga leader, athletes, scientist, geniuses, authors, actor and actress, artists.
Sinuman taong sinusubukang lagpasan ang kakayahan ng kanyang sarili ay nakakapukaw sa ating pansin at mapa-isip. Pinaparamdam sa atin na ang limitasyong binibigay natin sa ating mga sarili ay maari din nating malagpasan.

I admire people from all walks of life, Ang pagka-kawanggawa ni Mother Teresa na maraming hinipong mga tao, ang kadakilaan ni St. Francis of Assisi, ang mga relihiyosong nagbuwis ng kanilang mga buhay para ikalat ang Kristyanismo sa buong mundo. Ang mga taong iniisip muna ang kapakanan ng iba kaysa sa kanyang sarili, tulad na lang ng mga taong sinuong ang panganib, naglaan ng panahon at oras nitong mga nakaraang kalamidad para lang makapag salba ng buhay, makapagdala ng gamot at pagkain. Ang mga taong ipinaglalaban ang pagpapahalaga sa buhay, kalayaan at karapatan ng bawat nilikha, si Nelson Mandela, sina Mahatma at Indira Gandhi, sina Ninoy at Cory Aquino at ang ating mga bayani.

Ang aking pinaka-mamahal na nanay at tatay ay nagsisilbing inspirasyon sa akin. Ang kanilang kasipagan, katapangan at walang hanggang pang-unawa ang siyang nagbibigay sa akin na magtiwala sa aking sarili at kakayahan. Ako rin ay humahanga sa ibat-ibang tao, sa aking mga kaibigan, kapwa blogger na sa pamamagitan ng kanilang pagsusulat at iba’t ibang sariling paraan ay unti-unting tinataas ang antas ng pagpapahalaga at pag-kalinga sa lahat ng buhay na binigay ng Diyos.

Sino ang nagbibigay inspirasyon sa iyong buhay? Nawa’y ang mga hinahangaan natin ay hindi lang magsilbing ating idolong tinitingala kungdi magsilbing paalala sa ating kakayahan. Hindi nating kailangan gumawa ng extra ordinaryo para makapa mamuhay ng extra ordinaryo, hindi natin kailangan ang iba’t ibang pananaw ng mundo sa lahat ng ating ginagawa para ito ay maging mahalaga. Ang ating pagpapahalaga sa paglago at pagbabago bilang indibidwal ang siyang importante.

Sino ang iyong inspirasyon?

Para sa mga hindi pa nakikita ang videong ito: you are the light

signature sandimail
search

Ang Tanging Yaman

Dalawang dekada ang lumipas, Pumasok sa aking isipan ang salitang “Tanging Yaman” ng ako ay isang aktibong choir member pa lamang sa aming simbahan. Isang kantang sinulat ni Fr. Manoling Francisco,heswita. Nagbigay  inspirasyon sa akin ang kantang ito, para sa aking araw-araw na pakikipagsapalaran sa mundong aking ginagalawan. Ang mga salitang ito ay nagsilbing paalala sa akin na huwag akong maghangad ng labis, ang huwag maiingit. Umasa lagi at magtiwala sa Kanyang kalooban at pagpapala, dahil Siya ang mas nakakahigit, sa Kanya lahat nagmumula ang lahat dahil Siya ang ating Panginoon, ang ating Tanging Yaman.

Matagal ko na rin pinangarap na makapagtayo ng isang sariling negosyo na ang pangalan ay “Tanging yaman” bilang pasasalamat sa lahat ng biyayang Kanyang binibigay. Dumaan ang maraming taon wala akong negosyong napundar dahil walang sapat na kapital. Ngunit may iba palang plano ang ating Diyos, ang plano pala Niya ay magbigay ako ng inspirasyon sa mga kagaya kong minsan ay hinahanap Siya, sa mga taong nabibigatan sa kanilang dalahin, sa mga nag-iisa, sa mga taong maysakit at walang sapat na pampapagamot at sa mga taong nagugutom.

Labis akong natutuwa na nagamit ko ang salitang “Tanging Yaman” para Siya ay aking parangalan at magbigay ng inspirasyon sa inyo at sa ibang tao. Ito ay isang katuparan ng aking mga pangarap. Nawa’y ang pagpapala ng ating Panginoon ay palagi nating madama.

God bless us all!

careers
feedback

Puwang

Madalas akong makakita sa aking mga dinadaanan ng mga karatulang “space for rent”, ” room for rent”. Ang nakatawag sa akin ng pansin ay ang “space for rent”, dahil pwede kong maiugnay sa aking buhay na minsan ay naghahanap ng puwang ang aking isip at puso. Kayo po? May panahon ba na minsan ay parang kailangan nyong maglagay ng karatulang “space for rent” sa inyong puso at isip?

Nakakapagtaka minsan kung bakit ang isang pangit na pananalita sa atin ng ibang tao ay makaka-aapekto sa ating pag-iisip, ang bawat kilos natin ay apektado, ang magagandang sinasabi sa atin ay hindi makapasok dahil para bang hinaharangan ng naunang salita. Minsan, ang simpleng pagkakamali ay pinagmumulan na magalit tayo sa ating sarili at nagkakaroon tayo ng “self pity” na halos sakupin na ang lahat ng puwang sa ating isip at puso, minsan nauuwi sa hagis dito- hagis doon, padyak dito-padyak doon, biglang padabog na isasara ang pinto.

Walang puwang ang mga pangit na diwa sa ating isipan at puso kung ito lamang ay masusi nating sasalain bago papasukin. Marapat lamang na maging mapanuri tayong “landlord” pagdating sa ating diwa, na ang pahihintulutan lamang makapasok ay ang mga mabubuti at makakatulong sa ating buhay.

Sa Philippians 4:8, sinasabi ni San Pablo na “Bukod dito, mga kapatid, piliin ninyo ang lahat ng totoo, dakila, makatarungan, dalisay, kaibig-ibig at marangal.”

Ang Panginoon ay lagi nating kasama sa ating buhay para tayo ay Kanyang tulungang suriin lahat ng papasok na diwa sa ating puso at isipan. Kapag ating Siyang tinawag para huwag pahintulutan papasukin ang mga diwang hindi pasado sa Kanyang kuwalipikasyon, walang dudang magkakaroon ng maraming puwang na bakante para sa mga diwang kasiya-siya sa ating Panginoon. Ang mga diwang kahit anong oras ay napakasarap papasukin sa ating puso at isip.. tulad na lang ng, kasama mo Siya sa iyong tabi.

Ang ating Panginoon ay itinituro sa atin ang tamang daan kung saang hindi tayo maliligaw at malilito sa katotohan.

international

Huwag Kang Mangamba Aking Kaibigan

Natatakot ka ba? Walang masama kung ikaw ay may pangambang dinadala sa iyong kalooban. Ayon sa mga relihiyoso, normal lang sa atin na makaramdam ng pangamba sa ating mga pinagdadaanan. Katulad na rin ng nangyari sa mga disipulo habang sila ay nakasakay sa isang bangka, kasama si Hesus. ( Lukas 8:22-25)

Huwag lang nating kalilimutan na kasama natin Siya sa ating bangkang sinasakyan. Hindi tayo nag-iisa at wala tayong dapat ipangamba. Ang paglalakbay ay magpapatuloy at ang maalong dagat ay kakalma dahil sa Kanya.

Kahit ako, ay nakakaramdam ng pangamba sa aking mga pinagdadaan. Kaya minsan, nagdadalawang isip akong ituloy ang aking paglalakabay. Ngunit ang daan aking iniiwasan ang sadyang nais ng Kaibigan kong lakaran ko, dahil kahit anong iwas ko, dito pa rin ako lalabas.  Kahit sinong makilala ko,  dito at dito pa rin ako ituturo.

Parang ang Panginoon ay nakikipag-usap sa akin, Dahil sa mga pangyayari nitong nakaraang linggo na magkakatugma, ang mga pagbasa sa ebanghelyo, ang kaibigang hindi ko naman pinili at nito ko lang nalaman na may kaugnayan pala sa “tawag” na aking tinutugon, ang siyang nagbigay sa akin ng inspirasyon na ituloy na ang gawaing ito.

Kaya, Gumawa po ako ng isang video na inahahandog ko po para sa inyong lahat na aking mga kaibigan, sa tunay na mundo, sa blogosperyo…. at sa aking mga espesyal na mga kaibigang may karamdaman at sa kanilang pamilya, sa mga batang kalye, sa mga dukha ng mga dukha, sa iba pa.

Alam kong ang iba sa inyo ay hindi ito mapapakinggan dahil sa inyong karamdaman, ngunit umaasa ako na maramdaman nyo lagi ang presensiya ng ating Panginoon sa inyong buhay at umaasa ako na darating  din ang araw na ito ay inyong mapapakinggan.

artist: Himig Heswita
Album: Your Dwelling Place

Huwag Kang Mangamba



(lyrics)

Chorus:
Huwag kang mangamba.
Di ka nagiisa.
Sasamahan kita.
Saan man magpunta.
Ika’y mahalaga.
Sa aking mga mata.
Minamahal kita.
Minamahal kita.

Tinawag kita sa iyong pangalan.
Ikaw ay Akin magpakailanman.
Ako ang Panginoon mo at Diyos.
Tagapagligtas mo at tagatubos.

(repeat chorus)

Sa tubig kita sasagipin.
Sa apoy ililigtas man din.
Ako ang Panginoon mo at Diyos.
Tagapagligtas mo at tagatubos.

(repeat chorus)


Pagpalain nawa kayo lagi ng ating Panginoong Diyos at lagi nyo sanang damahin ang presensiya ng ating Panginoon Diyos.

Maraming Salamat po sa Inyo! Mahal ko po kayong lahat ;)

Paano Kita Mamahalin?

Madali nating mahalin ang mga taong marunong rumispeto. Madaling mahalin ang mga taong may mabuting kalooban. Madaling mahalin ang mga taong masayahin. Ngunit ang mga tigasin, ang mga taong inggitero at ingitera, ang mga tsismosa at tsismoso, ang mga taong nangmamata sa atin, ang mga taong para bang wala ng pag-asang maging mabuti..ay ibang kwento.

Ang mahalin ang mga taong ganito, ang mga taong mahirap mahalin ay isang pagsubok sa ating buhay. Lahat tayo ay nakakatagpo sila sa ating araw araw na buhay..minsan sa paaralan, sa trabaho, sa simbahan at sa ating komunidad. Kung ang ating kakayanan ang ating susundin, nakakalungkot na sabihin na malabo na sila ay ating mahalin.

Salamat sa Panginoong Diyos, sa Kanyang nakahandang Dakilang Pagmamahal na anumang oras ay pwede nating hingin sa Kanya sa oras na ito ay ating kailanganin at dahil dito, ang ating mga puso ay magkakaroon ng puwang para sa kanila.

Mag-iwan po ako ng tanong, okey lang po kung medyo mahirap para sa inyo na ito ay inyong sagutin… pero kung kayang-kaya naman..please ;)

Tanong: Kung ang taong inyong kinaiinisan o taong mahirap mahalin para sa inyo ay makasalubong nyo sa isang makipot na daan.. ano ang inyong gagawin?

Okey lang po kung ito ay Emo o nakakatawa basta galing sa inyong puso :) salamat po!

P.s.

Salamat po pala sa inyong walang sawang pagbisita sa aking bahay, sana po ay hindi kayo magsasawa. Sa ngayon ang Tanging Yaman ni Sandi ay isa po sa Top 7 sa week three ng Most Influential Blogger contest. Salamat kina Joycee, Lovely at Bro. Utoy.. ako po ay lubos na natutuwa at nagpapasalamat sa inyong lahat.

Umasa po kayo na matalo man o manalo, narito lang po ako para samahan kayo sa inyong paglalakbay.

Dios Mabalos (God will repay)

mail
search

Usyoso

Sa una ay mumunting pag-uusyoso. Ang munting pag-uusyoso ay napunta sa iba pang bagay..ang paulit-ulit na pagsulyap. Ang paulit-ulit na pagsulyap ay nagbunga ng isang munting kapilyuhan, na nagbunga ng pagsisinungaling at pangangatwiran ng baluktot. Bago pa malaman lahat ito ni Teroy, siya ay may ginagawang kapilyuhan sa isang babaeng kasama niya sa pabrikang kanyang pinapasukan. “Bakit nagawa ng isang taong matuwid ang bagay na iyon?” Tanong sa isat-isa ng mga nakaalam sa pangyayari.

Ang ating mga maling gawain ay minsan nagsisimula sa mumunting bagay hanggang hindi natin namamalayan ay nahuhulog na pala tayo sa isang balon. Ito ay maikukumpara sa isang linya ng nakatayong mga domino..magkakatabi, magkakasunod ang ayos. Isang pitik mo lamang sa linyang ito ay sunod sunod itong magtutumbahan.

Hindi man nakikita o nababasa ng ibang tao ang ating ginagawa at iniisip ngunit ang ating Diyos ay alam ito. Kung ito ay nagsimula sa munting pag-uusyoso, pwede rin itong magtapos at tuluyang mawala sa ating isip kung hindi tayo hihiwalay at aalisin sa ating isipan ang ating Diyos. Kung ang ating kalooban lang ang ating susundin hindi natin ito makakayang tuluyang mawala. Kailangan natin isama Siya dahil Siya lamang ang Tanging kasagutan sa mga bagay na ito.

careers
feedback

Nais Ko

Bohol Beach Club 3

Nagbalik sa isipan ni Andoy ang nangyari noong taong 1992..

“Nais mo rin bang makarating doon?” wika ni Toni,habang naka-upo sa buhanginan katabi ng kanyang kaibigan. Isang banayad na hangin ang dumaan sa kanilang paligid.

“Sa mga bituin? Parang ayokong isipin” wika ni Andoy.

“Pero ito ay kamangha-mangha at napakalawak. Ayaw mo bang naisin na tayo lang dalawa ang naroroon?” sabi ni Toni.

Umusod ng konti si Andoy at nilagay ang kanyang kamay sa ilalim ng kanyang baba at nagtanong, “Bakit mo ba palaging tinatanong ito sa akin?”

“Wala lang, malaking tulong din ang magkaroon ng pananaw sa lahat ng bagay at masarap mag-isip ng malahiganteng pangarap.” wika ni Toni

“Mali,” wika ni Andoy, “masakit minsan mag-isip ng malalaking pangarap.”
Gugustuhin ko pang sumabay na lang sa agos na darating sa aking buhay”

Tumingin si Toni sa mukha ng kaibigan. “Wala ka bang pangarap sa’yong buhay, sa ating dalawa?” Wala bang pumapasok sa’yong isipan para magpursige ka sa iyong buhay para ng sa ganon ay umasenso ka?” isang mabigat na tanong na iniwan ni Toni kay Andoy.

Ang hindi alam ni Toni at ng karamihan ay may mala-higanteng pangarap din siyang nais matupad. Nais niyang matupad ito pagdating ng araw.

Nagdasal si Andoy “Panginoon, bigyan mo rin po ako ng pangarap, isang pangarap, na makakatulong sa aking kapwa.”

international

Ano ang Silbi?

Isa pong paalala para sa mga nais maglingkod sa ating bayan:

Ano ang silbi ng kapangyarihan
kung ito’y gagamitin lang sa mga malilit, mahihina at walang kalaban-laban.
Ang kapangyarihan ay regalo mula sa Itaas,
hindi para gamitin sa mga mahihina at walang kalaban-laban,
kundi para magsilbi sa mga ito ng walang hinihintay na anumang kapalit.

Ano ang silbi ng karunungan,
kung ito’y gagamitin para manloko ng ating kapwa.
Ang karunungan ay regalo mula sa Itaas,
hindi para manloko ng ating kapwa,
kundi para turuan at gabayan sila.

Ano ang silbi ng pagiging mayaman,
kung lalo pang pahihirapan ang mga mga dukha.
Ang kayamanan ay regalo mula sa Itaas,
hindi para itambak sa baul at magpahirap ng kanyang kapwa
kundi para ibahagi sa mga dukha, maysakit, walang tirahan at nangangailangan.

Ang Kapangyarihan, Karunungan at Kayamanan ay regalo mula sa Panginoon na siyang ating Tanging Yaman,
kaya dapat lang na ingatan at gamtin sa tamang paraan.

Dios Mabalos(God will repay)