Ano ang Silbi?

Isa pong paalala para sa mga nais maglingkod sa ating bayan:

Ano ang silbi ng kapangyarihan
kung ito’y gagamitin lang sa mga maliliit, mahihina at walang kalaban-laban.
Ang kapangyarihan ay regalo mula sa Itaas,
hindi para gamitin sa mga mahihina at walang kalaban-laban,
kundi para magsilbi sa mga ito ng walang hinihintay na anumang kapalit.

Ano ang silbi ng karunungan,
kung ito’y gagamitin para manloko ng ating kapwa.
Ang karunungan ay regalo mula sa Itaas,
hindi para manloko ng ating kapwa,
kundi para turuan at gabayan sila.

Ano ang silbi ng pagiging mayaman,
kung lalo pang pahihirapan ang mga mga dukha.
Ang kayamanan ay regalo mula sa Itaas,
hindi para itambak sa baul at magpahirap ng kanyang kapwa
kundi para ibahagi sa mga dukha, maysakit, walang tirahan at nangangailangan.

Ang Kapangyarihan, Karunungan at Kayamanan ay regalo mula sa Panginoon,
kaya dapat lang na ingatan at gamitin sa tamang paraan.

Sa Bawat Umaga

Ang bawat umaga ay may hatid laging bago sa pagsisimula ng bawat araw. Ang mga ibon ay humuhuni ng kanilang mga pang-umagang awitin. Ang araw ay unti-unting sumisilip sa kanyang pinagtataguan. Sa pagsibol ng bagong araw, may bagong kamalayan na ang Kanyang mga kamay ay may ginagawa sa ating puso at buhay. Ang kahapon ay tapos na, Ang bukas ay isang araw pa, Ngunit ang ngayon ay may hatid na bagong simula.

“O Panginoon, sa bukangliwayway, dinidinig Mo ako; sa bukangliwayway, sa’yo ako dumudulog, naghihintay at nanabik.”- salmo 5:4

Ang ating Panginoon ay palagi tayong inaanyayahan na maglaan ng oras para sa Kanya bago nating harapin ang mga pang araw araw nating ginagawa. Hinihikayat Niya tayong unahin muna Siyang lapitan bago ang lahat.

Bakit? Dahil kailangan natin Siya. Ang malaman nating kailangan natin Siya ay napakabuti para simulan ang bawat araw.

Katulad din ng isang masarap na tulog na nagpapalakas sa ating katawan, ang tahimik na oras kasama Siya sa bawat pagsisimula ng araw ay nagpapasigla ng ating mga pang araw araw nating gawain. Ang simulan ang bawat araw na kasama Siya ay makakagawa ng isang pagbabago sa pagitan ng nasayang na araw at araw na masasabi nating “well lived”.

Anuman ang nangyari kahapon, meron kang ngayon. Ito ay regalo mula sa Kanya. Buksan nyo ang inyong mga puso sa isang tahimik na sandali na kasama Siya.

Nawa’y ang paskil na ito ay makatulong sa inyo para makilala Siya ng lubusan, paginhawahin ang inyong isipan at pasiglahin ang inyong mga puso.

“All the troubles of life come upon us because we refuse to sit quietly for a while each day in our rooms.” -Blaise Pascal

Isang Araw na Maganda po sa inyo- sandi

Pagbuhos ng Ulan

Mula sa sinasakyang traysikel, pinagmamasdan ni Andoy ang pagbuhos ng ulan. Wala siyang ibang naririnig kundi ang ingay ng motorsiklo at ingay ng patak ng ulan na para bang isang awiting masarap pakinggan. Bigla ay, sumagi sa kanyang isip ang winika nya sa isang kaibigan nung hayskul ng sila ay muling nagkita.

Andoy: Kamusta?
Kaibigan: Eto ayos lang at may sarili ng pamilya!
Andoy: Nakakatuwa naman.. doktor ka na pala?
Kaibigan: Ah hindi pa.. pero malapit na!
Andoy: pediatrician ka ba kapag ikaw ay natapos?
Kaibigan: pinag-iisipan ko pa.. pwedeng pedia, espesyalista sa puso o neuro.
Andoy: Ganun ba.. pwede bang sa neuro ka na lang?
Kaibigan: Bakit naman.. maysakit ka ba dito?
Andoy: Wala naman! Gusto ka lang may mapagtanungan… balak ko kasing maglingkod sa mga taong maysakit na may kaugnayan dito.

Nangingiti si Andoy ng maalala ito, habang nakasakay pa rin sa traysikel.

Palagi nyang tinatanong ang sarili kung kailan, paano nya uumpisahan ang pangarap at saan siya kukuha ng pera para pangtulong sa kanila ngunit, habang bumubuhos ang malakas na ulan, naisip nyang, siya pala ay unti-unti ng humakbang ng hindi nya namamalayan. “ako pala ay nagsisimula na” wika ni Andoy.

Tumigil siya sandali sa pag-iisip at binaling ang isip sa Panginoon.
“salamat po sa lahat ng biyayang aking tinatanggap at paumanhin kapag ako ay nakakalimot magpasalamt sayo sa mga mumunitng bagay na iyong binibigay.” bulong nya sa Panginoon.

Bigla ay pinatigil ni Andoy ang traysikel, na isang kilometro na lang sa kanyang bahay. “Dito na lang po ako.. eto po ang bayad”. wika ni Andoy.
“po? pero malapit na po tayo..mababasa po kayo kapag kayo ay bumaba” wika ng drayber ng traysikel kay Andoy.
“Ayos lang ‘yon! eto ang bayad..salamat.” wika ni Andoy sa drayber.

Bumaba si Andoy ng traysikel at tumayo sa malakas na buhos ng ulan. Tuwang tuwa siya habang unti-unting nababasa ang kanyang buhok.. ang kanyang mukha at hindi nagtagal ay kanyang katawan. Nagtatakang pinagmamasdan siya ng ibang tao habang naglalakad patungo sa kanyang bahay. Ang kay Andoy ay, natutuwa na ang pangarap ay unti- unting lumilinaw at damahin ang binubuhos na pagmamahal ng Panginoon sa kanyang buhay.

Hingin nyo rin sa ating Panginoon na ulanan ang inyong buhay ng Kanyang pagmamahal. ;)

Paano Kita Mamahalin?

Madali nating mahalin ang mga taong marunong rumispeto. Madaling mahalin ang mga taong may mabuting kalooban. Madaling mahalin ang mga taong masayahin. Ngunit ang mga tigasin, ang mga taong inggitero at ingitera, ang mga tsismosa at tsismoso, ang mga taong nangmamata sa atin, ang mga taong para bang wala ng pag-asang maging mabuti..ay ibang kwento.

Ang mahalin ang mga taong ganito, ang mga taong mahirap mahalin ay isang pagsubok sa ating buhay. Lahat tayo ay nakakatagpo sila sa ating araw araw na buhay..minsan sa paaralan, sa trabaho, sa simbahan at sa ating komunidad. Kung ang ating kakayanan ang ating susundin, nakakalungkot na sabihin na malabo na sila ay ating mahalin.

Salamat sa Panginoong Diyos, sa Kanyang nakahandang Dakilang Pagmamahal na anumang oras ay pwede nating hingin sa Kanya sa oras na ito ay ating kailanganin at dahil dito, ang ating mga puso ay magkakaroon ng puwang para sa kanila.

Mag-iwan po ako ng tanong, okey lang po kung medyo mahirap para sa inyo na ito ay inyong sagutin… pero kung kayang-kaya naman..please ;)

Tanong: Kung ang taong inyong kinaiinisan o taong mahirap mahalin para sa inyo ay makasalubong nyo sa isang makipot na daan.. ano ang inyong gagawin?

Okey lang po kung ito ay Emo o nakakatawa basta galing sa inyong puso :) salamat po!

P.s.

Salamat po pala sa inyong walang sawang pagbisita sa aking bahay, sana po ay hindi kayo magsasawa. Sa ngayon ang Tanging Yaman ni Sandi ay isa po sa Top 7 sa week three ng Most Influential Blogger contest. Salamat kina Joycee, Lovely at Bro. Utoy.. ako po ay lubos na natutuwa at nagpapasalamat sa inyong lahat.

Umasa po kayo na matalo man o manalo, narito lang po ako para samahan kayo sa inyong paglalakbay.

Dios Mabalos (God will repay)

LLM Entry: Ang Pangarap at ang Paglalakbay

Eto po ang aking entry sa pakontes ni Otep sa kanyang bahay bilang pagdiriwang ng kanyang ikatlong taong anibersaryo sa blogosperyo. click
Pinili ko ang kategoryang “libre lang mangarap”.

Ang aking entry:

Sa ating buhay, Ang pangarap ay importante sa isang paglalakbay, ito ay hindi pwedeng paghiwalayin dahil ang pangarap ang siyang magpapalakad sa atin patungo sa ating pupuntahan, at nagsisimula ang paglalakbay sa pagpasok ng ating pangarap sa ating puso at isip.

Ang daan ay liko-liko at minsan ay madilim kaya dapat palaging nakatutok sa dinaraanan para hindi mawala sa paglalakbay at tuluyang hindi makita ang pangarap.

Madalas ako ay natatanong ng aking mga kaibigan at kakilala kung bakit napaka aktibo ko sa mga pagtulong sa aking kapwa at iba pang aktibidad sa simbahan, dahil sa kanila ay ayos na ang minsan ay tumulong at mag simba tuwing linggo. Ngunit ang mga ito ay hindi na sapat sa akin, dahil ako ay may hinahangad pagdating ng araw… ang makasama sa aking paglalakbay ang aking kapwa at lahat ng nilikha patungo sa isang pangarap……..

Ang aking pangarap ay…ay….makapiling habambuhay at makita ang mukha ng Panginoong Diyos, ang ating Tanging Yaman..pagdating ng panahon.

Sana po ay samahan nyo ako sa aking paglalakbay…dahil lahat kayo ay gusto kong makasama at ayokong may maiiwan patungo sa Kanya :)

Dios Mabalos (God will repay)

Patas at Pagtutulungan

share ko sa inyo ang video ito ng dalawang unggoy na nagpakita ng kooperasyon sa isa’t isa para makuha nila ang gantimpalang gusto nilang makuha..ipinakikita rin dito na alam nila ang pagiging patas(fair).

Ang nagsasalita po ay si Sir David Attenborough, isang kilalang british brodkaster at naturalist.

[youtube=http://www.youtube.com/watch?v=aAFQ5kUHPkY]

Sila po ay nilikha ng Panginoon na mas mababa sa atin ngunit nagpapakita ng magandang halimbawa sa isa’t isa..at minsan, daig pa nila ang ibang tao :)

sana po ay nakuha nyo ang aking mensahe…

salamat po!

Earth Day 2009

Ipinadiriwang ngayong april 22 ang Earth Day sa buong mundo,

Hapi Earth Day po sa Inyo!

Isang mabuting gawa kada araw maliit man o malaki ay malaking tulong para maging maayos muli ang ating daigdig,gawin nating Earth Day araw araw.

Maligayang kaarawan inang mundo!
[youtube=http://www.youtube.com/watch?v=KCNZ06qcP2g]

Salmo 8

[youtube=http://www.youtube.com/watch?v=KHi_TG23VJs]

When I gaze into the night skies
and see the work of Your fingers:
The moon and stars suspended in space.

What is man, that You are mindful of him?
You have given man a crown of glory and honor,
and have made him a little lower than the angels.
You have put him in charge of all creation:

The beast of the field,
the birds of the air,
the fish of the sea.
But what is man, that You are mindful of him.

O Lord, our God the majesty and glory of Your name,
transcends the earth and fills the heavens.
O Lord, our God,
little children praise You perfectly,
and so would we, and so would we.

Alleluia..Alleluia..
The majesty and glory of Your name.

Purihin ang Diyos na Siyang lumikha ng lahat!