aTY 1st Anniversary

Happy  1st Anniversary ang Tanging Yaman!

namamasko po!

namamasko po!

Magandang araw po sa inyong lahat! Masayang masaya ako sa araw na ito, dahil ito ang unang araw na isinilang “ang tanging yaman”. Lubos ang aking pasasalamat kay Big Bro. na isinilang niya ito para makapag bigay ng liwanag at inspirasyon sa mga taong naglalakbay sa madilim na daan ng buhay, makatulong ng simple at maipadama ang Kanyang presensya sa mga taong may kakaibang sakit at sa mga taong nakakaramdam na sila ay nag-iisa sa kanilang pinadaraanan sa buhay.

Sa kabila ng napakarami kong pagkukulang, sa aking pagtalikod sa Kanyang tawag noon ay hindi Siya nagsasawang ako ay gabayan at kalingain. Kaya naman lubos ang aking pasasalamat kay Big Bro. at kay Ina’y Maria. Nagpapasalamat rin ako na binigyan ako ng pagkakataon na kahit dito at sa pamamagitan ng pagtulong ko sa aking kapwa ay mapaglingkuran ko Siya. Salamat at kahit papaano ay nakapag sponsor ako ngayong taon ng tatlong simpleng soup kitchen at makapagbigay ng konti sa mga taong nasa “hands of friendship”.  Kulang pa siguro ang aking ginawa kumpara sa pangangailangan ng aking kapwa at sa kabutihang pinapakita ni Big Bro. sa akin.

At syempre, Sa inyong lahat na aking mambabasa na naging mga kaibigan, maraming maraming salamat po sa inyong pagsuporta at walang sawang pagsubay-subay sa “ang Tanging Yaman”. Sa iba’t ibang blogger at blogsite na nagbigay ng pagkilala at parangal sa akin at sa aTY…maraming salamat po! Ang pinaka magandang regalong aking natanggap ay nadagdagan ang aking mga kaibigan.

Marami pa akong pangarap sa aty, gusto ko pang lumawak ang sakop nito at naaabot pero hindi sapat at limitado lang ang aking pondo kaya ipahintulot nyo po sanang makapaglagay ako ng donations button para sa page na “Hands of Friendship para mas marami pang matulungan at ang matitira ay para sa maintenance ng aty. Sa tuwing aking nakikita at nababalitaang nadagdagan ang mga may sakit, walang makain, walang matitirhan, mga taong naghahanap ng pang-unawa sa kanilang pinagdaraanan. Kailangan kong kumilos at sila ay abutin at tulungan para maiwasang sila at kanilang mahal sa buhay ay tuluyang lumayo at malimutan na mayroong Diyos na nakikinig sa kanilang panalangin at hinaing.

Anuman tulong ay labis naming ikatutuwa at bahala na po si Big Bro na gumanti sa inyong kagandahang loob.

Ipagpaumanhin nyo kung minsanan lang ako makadalaw sa inyong blog, hindi makareply sa inyong comment. Sa ngayon ang inyong lingkod ay dumadaan sa isang krisis at kailangan magtipid…sarling sikap ang trabaho ko ngayon..minsan meron,minsan wala. Umaasa lamang sa Kanyang dakilang awa at grasya. Salamat na lang andyan Siya palagi ang aking Tanging Yaman para ibigay ang aming pang araw-araw na pangangailangan.

God bless us all more this coming year 2010!

In prayer with Mary,

sandi

signature sandi

Ang Tunay na Katanyagan

Sa tatlong taong magkasunod, tumanggap nanaman si Noel ng parangal bilang best broadcast news anchor. Empleyado ng ABMA broadcasting company sa loob ng labinglimang taon, nag-umpisa at nagsumikap sa kanyang trabaho bilang isang reporter, mula sa mga mahihirap na assignments hanggang sa maabot niya ang kanyang estado ngayon, isang kilalang news anchor. Saan man siya magpunta, hindi pwedeng walang makakakilala sa kanya at walang babati dahil sa kanyang natatangap na parangal.

Pinipilit ni Noel na huwag ipasok sa kanyang ulo ang kasikatang kanyang tinatamasa ngayon, pero minsan mahirap gawin. Halos lahat ng kanyang mga kasama sa trabaho ay nagsusumikap para makamit ang kasikatan at pagkilala sa kanilang propesyon, at hindi sila nagdadalawang-isip na maka-apak ng iba para ma-una lang. Kahit na si Noel ay biktima ng mga ganitong pangyayari, ang minsan ay ikaw ay apakan at tirahin kapag ikaw ay naka-talikod ng mga taong itinuring mong kaibigan. Araw-araw palagi siyang nanalangin at humihingi ng tulong na siya ay turuang manatiling maging mapagkumbaba.

Ginawa ni Noel na maging iba ang kanyang pananaw sa buhay sa paglilingkod sa mga batang maysakit sa ospital ng kanilang lugar. Ang kanyang naramdaman at nakikita sa mga batang maysakit na nakakaranas ng paghihirap at dagok sa kanilang buhay, ang nagsisilbing kanyang gabay para makita ang lahat ng bagay. Ang katapangan at pag-asang pinakikita ng mga bata ay nagsisilbing inpirasyon sa kanya, at minsan naiisip niyang humingi ng kanilang mga autograph.

Isang hapon, habang siya ay pumapasok sa kuwarto ng mga bata, may isang bagong pasyente ang nagwika sa kanya, “di ba sikat ka”?

“Hmmm..hindi naman!” wika ni Noel.

“Alam ko sikat ka,” ang pilit ng batang lalaki. “Maraming nagkukwento sa akin dito na ikaw ay magaling sa larong chess. Pwede bang maka-laro kita?”

“Sige, sige laro tayo!” wika ni Noel. Habang humihila ng dalawang silya at lamesa, winika niya sa kanyang isipan, maraming salamat po Panginoon, sa pagtuturo mo sa akin kung ano ang mahalaga at makapagpapa-saya sa iyong kalooban.

signature sandi

Sa Ating Paglago

“Lumago kang kilala Siya at malapit sa ating Diyos dahil Siya ang ating Tanging Yaman.”

rainnyMay isang istorya ng isang “acorn nut” na nahulog sa loob ng isang lata at natabunan ng lupa. Dumaang ang mga araw, isang maliit na talbos  ang sumibol at tumulak papalabas ng lupa. Ang bagong sibol na talbos ay kumuha ng tamang-tama sustansiya para siya ay lumago at mabuhay. Maraming taon ang dumaan, ang maliit na  acorn na binalewala ang tigas ng lata ay naging isang malaking puno kung tawagin ay “oak tree”.

Araw-araw tayo ay nabibigyan ng hindi mabilang na pagkakataon para samantalahin na mag-simula muli. Ang bagong simula ay dumarating kapag may natapos na ibang pangyayari sa ating buhay. Kapag hinayaan natin ang ating mga kasalanan ay mawala sa ating mga puso, tayo ay nagkakaroon ng panibagong buhay kasama ang ating Panginoon. Tayo ay lumalago katulad ng isang mataas at matibay na puno, na nagsimula sa isang maliit na binhi.

Katulad ng isang maliit na binhi, tayo ay unti-unting lumalago ng hindi growing on you 5nating namamalayan. Tayo ay nabubuhay dahil sa Kanyang dakilang pagmamahal at pagkalinga sa ating lahat. Hindi Niya pinangako na palaging bughaw ang kalangitan at hindi rin Niya pinangako na palaging sisikat ang araw, bagkus Kanyang pinangako na tayo ay Kanyang palaging sasamahan at kakalingain sa oras ng kadiliman at unos na sasapit sa ating buhay.

“Minsan ang akala nating katapusan, ay siya palang umpisa pa lamang ng isang bagong simula.”- anonymous

Huwag Kang Mangamba Aking Kaibigan

Natatakot ka ba? Walang masama kung ikaw ay may pangambang dinadala sa iyong kalooban. Ayon sa mga relihiyoso, normal lang sa atin na makaramdam ng pangamba sa ating mga pinagdadaanan. Katulad na rin ng nangyari sa mga disipulo habang sila ay nakasakay sa isang bangka, kasama si Hesus. ( Lukas 8:22-25)

Huwag lang nating kalilimutan na kasama natin Siya sa ating bangkang sinasakyan. Hindi tayo nag-iisa at wala tayong dapat ipangamba. Ang paglalakbay ay magpapatuloy at ang maalong dagat ay kakalma dahil sa Kanya.

Kahit ako, ay nakakaramdam ng pangamba sa aking mga pinagdadaan. Kaya minsan, nagdadalawang isip akong ituloy ang aking paglalakabay. Ngunit ang daan aking iniiwasan ang sadyang nais ng Kaibigan kong lakaran ko, dahil kahit anong iwas ko, dito pa rin ako lalabas.  Kahit sinong makilala ko,  dito at dito pa rin ako ituturo.

Parang ang Panginoon ay nakikipag-usap sa akin, Dahil sa mga pangyayari nitong nakaraang linggo na magkakatugma, ang mga pagbasa sa ebanghelyo, ang kaibigang hindi ko naman pinili at nito ko lang nalaman na may kaugnayan pala sa “tawag” na aking tinutugon, ang siyang nagbigay sa akin ng inspirasyon na ituloy na ang gawaing ito.

Kaya, Gumawa po ako ng isang video na inahahandog ko po para sa inyong lahat na aking mga kaibigan, sa tunay na mundo, sa blogosperyo…. at sa aking mga espesyal na mga kaibigang may karamdaman at sa kanilang pamilya, sa mga batang kalye, sa mga dukha ng mga dukha, sa iba pa.

Alam kong ang iba sa inyo ay hindi ito mapapakinggan dahil sa inyong karamdaman, ngunit umaasa ako na maramdaman nyo lagi ang presensiya ng ating Panginoon sa inyong buhay at umaasa ako na darating  din ang araw na ito ay inyong mapapakinggan.

artist: Himig Heswita
Album: Your Dwelling Place

Huwag Kang Mangamba



(lyrics)

Chorus:
Huwag kang mangamba.
Di ka nagiisa.
Sasamahan kita.
Saan man magpunta.
Ika’y mahalaga.
Sa aking mga mata.
Minamahal kita.
Minamahal kita.

Tinawag kita sa iyong pangalan.
Ikaw ay Akin magpakailanman.
Ako ang Panginoon mo at Diyos.
Tagapagligtas mo at tagatubos.

(repeat chorus)

Sa tubig kita sasagipin.
Sa apoy ililigtas man din.
Ako ang Panginoon mo at Diyos.
Tagapagligtas mo at tagatubos.

(repeat chorus)


Pagpalain nawa kayo lagi ng ating Panginoong Diyos at lagi nyo sanang damahin ang presensiya ng ating Panginoon Diyos.

Maraming Salamat po sa Inyo! Mahal ko po kayong lahat ;)

Emo Ka Ba?

“Hi! Oo ikaw! Dumaan ako sa iyong bahay pero mukhang tulog ka na yata. May ginawa kasi akong sulat sa iyo, hindi ko kasi masabi sayo ng harapan eh.. eto o, ikaw na ang magbukas ..”

Kaibigan,

Alam kong hindi ka nakahanda sa dinaranas mong kalungkutan ngayon, pero sino ba ang nakahanda sa bawat kalungkutang darating sa ating buhay.

Alam kong ang iyong puso ay may dinadalang mabigat.
Tinatanong mo ang iyong sarili, kung bakit ang ibang tao ay napakasaya
samantalang ikaw ay nakakaramdan ng kalungkutan.
Sana ay malaman mo na may panahon ang lahat ng bagay.
Ito siguro ang panahon para maging masaya ang ibang tao.
Ang panahon para sa iyo ngayon ay..kalungkutan.

Huwag mong hamakin ang panahon na ito.
Huwag mong madaliin na matapos ito agad o pag-taguan.
Harapin mo ang iyong kalungkutan,
Hayaan mong tumulo ang iyong mga luha.
Huwag kang matakot sa kalungkutang dumadating sa iyong buhay at bagkus ay, Matuto ka sa anumang aral na hatid nito sa iyo.

Ito ay isang katotohanang dapat nating harapin at tanggapin.
Maniwala na, kapag natapos na ang panahon ng kalungkutan sa iyong buhay,
ang lahat ay magiging maayos at masaya na ulit.

Hayaan mong samahan ka Niya at pahiran ang mga luhang pumapatak sa iyong mga mata.

Nagmamalaskit na kaibigan,
Kuya Sandi

Ang Ating Pag-asa

“Patatagin mo ako ayon sa sinabi mo ng mabuhay ako. Huwag nawang mabigo ang pag-asa ko sa iyo.” -salmo 119:116

Ang paskil na ito ay tungkol ulit sa “pag-asa”, ang mga tatlong naunang paskil ay may pamagat na “Pag-asa”, “Umaasa ka ba?” at ang “Ang Pangako”. Alam nating lahat, ang kawalan ng pag-asa ay minsan ay nagdudulot ng kalungkutan,kabiguan, depresyon at minsan ay umaabot sa kasukdulan. Ang ating Panginoon ay nangako sa atin na hindi Niya tayo pababayaan kaya marapat lang na lagi tayong umasa sa magandang hinaharap ng ating buhay.

Ang ating pag-asa ay base sa walang hanggang pag-ibig ng Diyos, na hindi tinitignan kung ikaw ba ay naging masunurin sa Kanyang mga pinag-uutos o hindi, kung ikaw ba ay naging matuwid o hindi. Tinitugon Niya lahat ang ating mga pangangailangan, kahit na tayo ay makasalanan pa. Habang ang iyong pagtitiwala ay iiwan mo sa pag-ibig ng ating Panginoon, ang iyong pag-asa ay unti-unting lalakas at mababago. Ang pagmamahal at pagtitiwala ay kailangan natin lagi sa ating buhay, ngunit sa aking nakikita ngayon, mas mahalaga ngayon ang pag-asa sa magandang hinaharap sa lahat ng ating pinagdaraanang hirap at pagdurusa, umasa na ang lahat ng ito ay kasama sa prosesong Kanyang ginagawa sa ating buhay, dahil mahal Niya tayo.

Nitong nakaraang araw, nagpunta ako sa isang hotel sa Makati. Napansin ko ang isang karatulang nakalagay sa kanilang pinto na ang sabi ay ganito “Please be patient, Renovation in progress to produce something new and wonderful.” Nakakatuwa di ba po ang nakalagay? Naisip ko tuloy na, “siguro, kailangan ko rin maglagay ng ganitong karatula?”

Ang pangarap at proyekto ng ating Panginoon sa ating lahat ay hindi pa tapos, kumbaga ay “under construction” pa, para sa lalong ikakaganda at ikaaayos ng ating buhay, kaya kailangan natin ng mahabang pasensiya habang ang konstruksiyon ay nagaganap at umasa lagi tayo sa magandang hinaharap sa kabila ng ating kasalukuyang sitwasyon.

Ang umasa ay hindi simpleng pagtingin lamang sa magandang hinaharap at pagtanggi sa katotohanan. Si Hesus ang dahilan para tayo ay umasa lagi, dahil Siya ang pundasyon ng ating mga pangarap at moog ng ating pagtitiwala. Hindi tayo mawawalan ng pag-asa sa ating buhay kung kilala natin Siya. Hindi tayo mawawalan ng pag-asa kung hindi natin Siya aalisin sa ating buhay.

Sa isang tsapel may karatulang ganito ang nakasulat: “Come as you are, but don’t leave as you came.” Kapag lumapit tayo sa Kanya, hindi mahalaga kung sino tayo. Ngunit, umasa tayo na hindi Niya tayo iiwan ng katulad pa rin ng dati. Ito po ay siguradong asahan natin.

“Our hope lies, not in the man we put in the moon, but in the Man we put on the cross.”- Don Basham