Mula sa sinasakyang traysikel, pinagmamasdan ni Andoy ang pagbuhos ng ulan. Wala siyang ibang naririnig kundi ang ingay ng motorsiklo at ingay ng patak ng ulan na para bang isang awiting masarap pakinggan. Bigla ay, sumagi sa kanyang isip ang winika nya sa isang kaibigan nung hayskul ng sila ay muling nagkita.
Andoy: Kamusta?
Kaibigan: Eto ayos lang at may sarili ng pamilya!
Andoy: Nakakatuwa naman.. doktor ka na pala?
Kaibigan: Ah hindi pa.. pero malapit na!
Andoy: pediatrician ka ba kapag ikaw ay natapos?
Kaibigan: pinag-iisipan ko pa.. pwedeng pedia, espesyalista sa puso o neuro.
Andoy: Ganun ba.. pwede bang sa neuro ka na lang?
Kaibigan: Bakit naman.. maysakit ka ba dito?
Andoy: Wala naman! Gusto ka lang may mapagtanungan… balak ko kasing maglingkod sa mga taong maysakit na may kaugnayan dito.
Nangingiti si Andoy ng maalala ito, habang nakasakay pa rin sa traysikel.
Palagi nyang tinatanong ang sarili kung kailan, paano nya uumpisahan ang pangarap at saan siya kukuha ng pera para pangtulong sa kanila ngunit, habang bumubuhos ang malakas na ulan, naisip nyang, siya pala ay unti-unti ng humakbang ng hindi nya namamalayan. “ako pala ay nagsisimula na” wika ni Andoy.
Tumigil siya sandali sa pag-iisip at binaling ang isip sa Panginoon.
“salamat po sa lahat ng biyayang aking tinatanggap at paumanhin kapag ako ay nakakalimot magpasalamt sayo sa mga mumunitng bagay na iyong binibigay.” bulong nya sa Panginoon.
Bigla ay pinatigil ni Andoy ang traysikel, na isang kilometro na lang sa kanyang bahay. “Dito na lang po ako.. eto po ang bayad”. wika ni Andoy.
“po? pero malapit na po tayo..mababasa po kayo kapag kayo ay bumaba” wika ng drayber ng traysikel kay Andoy.
“Ayos lang ‘yon! eto ang bayad..salamat.” wika ni Andoy sa drayber.
Bumaba si Andoy ng traysikel at tumayo sa malakas na buhos ng ulan. Tuwang tuwa siya habang unti-unting nababasa ang kanyang buhok.. ang kanyang mukha at hindi nagtagal ay kanyang katawan. Nagtatakang pinagmamasdan siya ng ibang tao habang naglalakad patungo sa kanyang bahay. Ang kay Andoy ay, natutuwa na ang pangarap ay unti- unting lumilinaw at damahin ang binubuhos na pagmamahal ng Panginoon sa kanyang buhay.
Hingin nyo rin sa ating Panginoon na ulanan ang inyong buhay ng Kanyang pagmamahal.

Eighty-Eight butterfly(Diaethria neglecta), mula sa bansang Brazil, dahil sa tuldok at linya sa kanyang pakpak kung bakit siya may ganitong pangalan. (photos are from National Geographics photo archives/Joel Sartore).
halaman at puno, bundok at dagat, araw, buwan at bituin para makasama natin. Ang lahat ng Kanyang nilikha ay pinagkatiwala Niya sa atin para alagaan.

makabuluhang buhay habang tayo ay naririto pa sa mundong ating ginagalawan. Nakakalungkot naman kung ang ating pag-aaksayahan ng oras ay yung mga bagay na makasisira sa ating kapwa, hayop at kalikasan.