Paalam at Salamat Pangulong Cory

ribbon

Paalam sa iyo,mahal naming idolo,
Ikaw na aming inpirasyon na maglakad ng milya-milya
sa kalsada, para sa bayan.
Ang iyong pinakitang katapangan para sa bayan,
ang nagtulak sa amin para harangin
ang mga tangkeng pandigma sa edsa.

Paalam sa iyo mahal naming idolo,
Ikaw na pinalakpakan ng ilang beses
at hinangaan ng ibat-ibang lider sa buong mundo.
Ikaw na ordinaryong maybahay na tumayo,
para maging  aming lider at Pangulo.
Ikaw na ang tanging sandata ay ang pagtitiwala sa Diyos,
rosaryo at panalangin.


Paalam po mahal naming Pangulong Tita Cory at salamat po sa pagbubuklod sa amin at sa pagiging isang mabuting halimbawa.

Para sa Diyos..sa Bayan..at sa Pamilyang Filipino!

I would like to share to you 3 video  links of Pres. Cory Aquino’s speech to the Joint  Congress of  U.S.A.. these were the days that you will be proud to be a Filipino..

video link #1 of 3

video link #2 of 3

video link #3 of 3