international
tour

aTY 1st Anniversary

Happy  1st Anniversary ang Tanging Yaman!

namamasko po!

namamasko po!

Magandang araw po sa inyong lahat! Masayang masaya ako sa araw na ito, dahil ito ang unang araw na isinilang “ang tanging yaman”. Lubos ang aking pasasalamat kay Big Bro. na isinilang niya ito para makapag bigay ng liwanag at inspirasyon sa mga taong naglalakbay sa madilim na daan ng buhay, makatulong ng simple at maipadama ang Kanyang presensya sa mga taong may kakaibang sakit at sa mga taong nakakaramdam na sila ay nag-iisa sa kanilang pinadaraanan sa buhay.

Sa kabila ng napakarami kong pagkukulang, sa aking pagtalikod sa Kanyang tawag noon ay hindi Siya nagsasawang ako ay gabayan at kalingain. Kaya naman lubos ang aking pasasalamat kay Big Bro. at kay Ina’y Maria. Nagpapasalamat rin ako na binigyan ako ng pagkakataon na kahit dito at sa pamamagitan ng pagtulong ko sa aking kapwa ay mapaglingkuran ko Siya. Salamat at kahit papaano ay nakapag sponsor ako ngayong taon ng tatlong simpleng soup kitchen at makapagbigay ng konti sa mga taong nasa “hands of friendship”.  Kulang pa siguro ang aking ginawa kumpara sa pangangailangan ng aking kapwa at sa kabutihang pinapakita ni Big Bro. sa akin.

At syempre, Sa inyong lahat na aking mambabasa na naging mga kaibigan, maraming maraming salamat po sa inyong pagsuporta at walang sawang pagsubay-subay sa “ang Tanging Yaman”. Sa iba’t ibang blogger at blogsite na nagbigay ng pagkilala at parangal sa akin at sa aTY…maraming salamat po! Ang pinaka magandang regalong aking natanggap ay nadagdagan ang aking mga kaibigan.

Marami pa akong pangarap sa aty, gusto ko pang lumawak ang sakop nito at naaabot pero hindi sapat at limitado lang ang aking pondo kaya ipahintulot nyo po sanang makapaglagay ako ng donations button para sa page na “Hands of Friendship para mas marami pang matulungan at ang matitira ay para sa maintenance ng aty. Sa tuwing aking nakikita at nababalitaang nadagdagan ang mga may sakit, walang makain, walang matitirhan, mga taong naghahanap ng pang-unawa sa kanilang pinagdaraanan. Kailangan kong kumilos at sila ay abutin at tulungan para maiwasang sila at kanilang mahal sa buhay ay tuluyang lumayo at malimutan na mayroong Diyos na nakikinig sa kanilang panalangin at hinaing.

Anuman tulong ay labis naming ikatutuwa at bahala na po si Big Bro na gumanti sa inyong kagandahang loob.

Ipagpaumanhin nyo kung minsanan lang ako makadalaw sa inyong blog, hindi makareply sa inyong comment. Sa ngayon ang inyong lingkod ay dumadaan sa isang krisis at kailangan magtipid…sarling sikap ang trabaho ko ngayon..minsan meron,minsan wala. Umaasa lamang sa Kanyang dakilang awa at grasya. Salamat na lang andyan Siya palagi ang aking Tanging Yaman para ibigay ang aming pang araw-araw na pangangailangan.

God bless us all more this coming year 2010!

In prayer with Mary,

sandi

signature sandiforum

Ang Tunay na Katanyagan

Sa tatlong taong magkasunod, tumanggap nanaman si Noel ng parangal bilang best broadcast news anchor. Empleyado ng ABMA broadcasting company sa loob ng labinglimang taon, nag-umpisa at nagsumikap sa kanyang trabaho bilang isang reporter, mula sa mga mahihirap na assignments hanggang sa maabot niya ang kanyang estado ngayon, isang kilalang news anchor. Saan man siya magpunta, hindi pwedeng walang makakakilala sa kanya at walang babati dahil sa kanyang natatangap na parangal.

Pinipilit ni Noel na huwag ipasok sa kanyang ulo ang kasikatang kanyang tinatamasa ngayon, pero minsan mahirap gawin. Halos lahat ng kanyang mga kasama sa trabaho ay nagsusumikap para makamit ang kasikatan at pagkilala sa kanilang propesyon, at hindi sila nagdadalawang-isip na maka-apak ng iba para ma-una lang. Kahit na si Noel ay biktima ng mga ganitong pangyayari, ang minsan ay ikaw ay apakan at tirahin kapag ikaw ay naka-talikod ng mga taong itinuring mong kaibigan. Araw-araw palagi siyang nanalangin at humihingi ng tulong na siya ay turuang manatiling maging mapagkumbaba.

Ginawa ni Noel na maging iba ang kanyang pananaw sa buhay sa paglilingkod sa mga batang maysakit sa ospital ng kanilang lugar. Ang kanyang naramdaman at nakikita sa mga batang maysakit na nakakaranas ng paghihirap at dagok sa kanilang buhay, ang nagsisilbing kanyang gabay para makita ang lahat ng bagay. Ang katapangan at pag-asang pinakikita ng mga bata ay nagsisilbing inpirasyon sa kanya, at minsan naiisip niyang humingi ng kanilang mga autograph.

Isang hapon, habang siya ay pumapasok sa kuwarto ng mga bata, may isang bagong pasyente ang nagwika sa kanya, “di ba sikat ka”?

“Hmmm..hindi naman!” wika ni Noel.

“Alam ko sikat ka,” ang pilit ng batang lalaki. “Maraming nagkukwento sa akin dito na ikaw ay magaling sa larong chess. Pwede bang maka-laro kita?”

“Sige, sige laro tayo!” wika ni Noel. Habang humihila ng dalawang silya at lamesa, winika niya sa kanyang isipan, maraming salamat po Panginoon, sa pagtuturo mo sa akin kung ano ang mahalaga at makapagpapa-saya sa iyong kalooban.

signature sandi
guidelines

Sino ang Iyong Inspirasyon?

“Brothers and sisters, none of us lives for oneself, and no one dies for oneself. For if we live, we live for the Lord, and we if we die, we die for the Lord. So then, whether we live or die we are for the Lord.” -Romans 14

May mga taong nagbibigay inspirasyon sa napakaraming tao sa pamamagitan ng kanilang mga gawa. Tayo ay pwedeng humanga sa mga leader, athletes, scientist, geniuses, authors, actor and actress, artists.
Sinuman taong sinusubukang lagpasan ang kakayahan ng kanyang sarili ay nakakapukaw sa ating pansin at mapa-isip. Pinaparamdam sa atin na ang limitasyong binibigay natin sa ating mga sarili ay maari din nating malagpasan.

I admire people from all walks of life, Ang pagka-kawanggawa ni Mother Teresa na maraming hinipong mga tao, ang kadakilaan ni St. Francis of Assisi, ang mga relihiyosong nagbuwis ng kanilang mga buhay para ikalat ang Kristyanismo sa buong mundo. Ang mga taong iniisip muna ang kapakanan ng iba kaysa sa kanyang sarili, tulad na lang ng mga taong sinuong ang panganib, naglaan ng panahon at oras nitong mga nakaraang kalamidad para lang makapag salba ng buhay, makapagdala ng gamot at pagkain. Ang mga taong ipinaglalaban ang pagpapahalaga sa buhay, kalayaan at karapatan ng bawat nilikha, si Nelson Mandela, sina Mahatma at Indira Gandhi, sina Ninoy at Cory Aquino at ang ating mga bayani.

Ang aking pinaka-mamahal na nanay at tatay ay nagsisilbing inspirasyon sa akin. Ang kanilang kasipagan, katapangan at walang hanggang pang-unawa ang siyang nagbibigay sa akin na magtiwala sa aking sarili at kakayahan. Ako rin ay humahanga sa ibat-ibang tao, sa aking mga kaibigan, kapwa blogger na sa pamamagitan ng kanilang pagsusulat at iba’t ibang sariling paraan ay unti-unting tinataas ang antas ng pagpapahalaga at pag-kalinga sa lahat ng buhay na binigay ng Diyos.

Sino ang nagbibigay inspirasyon sa iyong buhay? Nawa’y ang mga hinahangaan natin ay hindi lang magsilbing ating idolong tinitingala kungdi magsilbing paalala sa ating kakayahan. Hindi nating kailangan gumawa ng extra ordinaryo para makapa mamuhay ng extra ordinaryo, hindi natin kailangan ang iba’t ibang pananaw ng mundo sa lahat ng ating ginagawa para ito ay maging mahalaga. Ang ating pagpapahalaga sa paglago at pagbabago bilang indibidwal ang siyang importante.

Sino ang iyong inspirasyon?

Para sa mga hindi pa nakikita ang videong ito: you are the light

signature sandijobs

St. Peregrine Laziosi, OSM

St. Peregrine Laziosi, OSM, was born in 1260, at Forly,Italy. He is known as the patron saint of all who has cancer and uncurable diseases.

Pls. visit their shrine at:
St. Peregrine Parish Shrine,
National Road, Tunasan, Muntinlupa Read More »

signature sandi
international
tour

Sulat ng Isang Kaibigan

Kcat: Paano nyo malalaman na natatawa ako?
Aling Madge: Eh di sabihin mo.. Ha..Ha..Ha! (literal)

Kcat: Paano nyo naman malalaman na umiiyak ako?
Aling Madge: Eh di sabihin mo na.. Hu..Hu..Hu! (literal)
Kcat: Ay! ‘wag na lang, baka matawa pa kayo eh!


Mahal kong kaibigan,

Ang paskil na ito ay inahahandog ko sa’yo. Kung maaari lang sanang iwasiwas sayo ang patpat na may mahika para ikaw ay gumaling sayong karamdaman, ay gagawin ko. Gusto ko sanang malaman mo na ikaw ay nagsisilbing inspirasyon sa akin at sa marami pa. Marami akong natutunan sayong mga aral sa sandaling panahon ng ating pagkakakilala.

Eto sila:
1. Ang buhay ay mahalaga. Huwag balewain ang bawat araw.
2. Ang mga mabubuting kaibigan ay maasaahan sa oras ng pagsubok.
3. Kailangan natin minsan makaramdam ng “kirot” sa ating buhay.
4. Anuman ang pinagdadaanang natin sa ating buhay marapat na lagi tayong positibo sa hinaharap.
5. Ang pagpapatawad ay nagdadala ng pag-asa para sa isang bago at maayos na buhay.
6. Ang mga sakit na walang lunas ay nagbubunyag sa tunay na ugali ng isang tao.
7. Ang pag-iisa minsan ay kasama sa ating buhay.
8. Ang lahat ng nangyayari sa ating buhay ay may dahilan.
9. Ang maunawaan minsan ang mga kapamilya, kaibigan at mahal sa buhay;  na sila rin ay mahina, nagkakamali at minsan ay hindi mo maaasahan sa oras na sila ay kailanganin mo…dahil sila ay tao rin katulad natin.
10.Ang pagmamahal ang pinaka mahalaga sa ating buhay.
11. At ang pinaka importante ay.. Magtiwala lagi sa pagmamahal ng ating Diyos ng walang alinlangan.

Hindi ko lubos maisip kung gaano ka kalungkot ng iyong malaman ang iyong sakit. Bigla, ang iyong mundo ay biglang bumaligtad. Ang iyong mga pangarap sa iyong sarili at sayong pamilya ay biglang tumigil. Ang iyong buhay ay pansamantalang huminto sa panahon na ‘yon.

Ngunit, sa paglipas ng mga araw, ang iyong sakit ay iyong tinanggap. Tinuon mo ang iyong isip na labanan ang iyong karamdaman kahit na alam mong maliit lang ang pag-asa. Tinanggap mo sa iyong sarili ang mga hindi mo na kayang gawin dahil sayong sakit, at mas binigyan mo ng importansiya ang iyong makakayang gawin. Kahanga-hanga ka.

Ikaw ay aking kaibigan. Wala man akong masyadong maitutulong sayo pagdating sa materyal na bagay, ngunit narito ako lagi para samahan ka sa iyong pinagdaraanan. Hindi man kita masyadong kilala pero kung ikaw ay maysakit na kumukuha ng buhay, palagi kitang mauunawaan sayong nararamdaman, dahil ikaw ay kaibigan ko. Alam ko, minsan may panahong gusto mo ng sumuko, kapag ang iyong nilalakarang daan ay dinadala ka lang sa kawalan at pagsuko. Piliin mo pa rin lumaban. Huwag mong hayaan kontrolin ka ng iyong karamdaman. Ipagpatuloy mo pa rin ang iyong paglalakad, kung ikaw ay maiwan, hihintayin kita. Kung ako naman ang maiwan, pakihintay ako.

Kahanga-hanga ang iyong pagtitiwala sa Kanya. Ang walang hanggang pag-ibig ng ating Diyos ay mararamdaman sayo.

Salamat sa inspirayon,
Kuya Sandi

forum

Pagbuhos ng Ulan

Mula sa sinasakyang traysikel, pinagmamasdan ni Andoy ang pagbuhos ng ulan. Wala siyang ibang naririnig kundi ang ingay ng motorsiklo at ingay ng patak ng ulan na para bang isang awiting masarap pakinggan. Bigla ay, sumagi sa kanyang isip ang winika nya sa isang kaibigan nung hayskul ng sila ay muling nagkita.

Andoy: Kamusta?
Kaibigan: Eto ayos lang at may sarili ng pamilya!
Andoy: Nakakatuwa naman.. doktor ka na pala?
Kaibigan: Ah hindi pa.. pero malapit na!
Andoy: pediatrician ka ba kapag ikaw ay natapos?
Kaibigan: pinag-iisipan ko pa.. pwedeng pedia, espesyalista sa puso o neuro.
Andoy: Ganun ba.. pwede bang sa neuro ka na lang?
Kaibigan: Bakit naman.. maysakit ka ba dito?
Andoy: Wala naman! Gusto ka lang may mapagtanungan… balak ko kasing maglingkod sa mga taong maysakit na may kaugnayan dito.

Nangingiti si Andoy ng maalala ito, habang nakasakay pa rin sa traysikel.

Palagi nyang tinatanong ang sarili kung kailan, paano nya uumpisahan ang pangarap at saan siya kukuha ng pera para pangtulong sa kanila ngunit, habang bumubuhos ang malakas na ulan, naisip nyang, siya pala ay unti-unti ng humakbang ng hindi nya namamalayan. “ako pala ay nagsisimula na” wika ni Andoy.

Tumigil siya sandali sa pag-iisip at binaling ang isip sa Panginoon.
“salamat po sa lahat ng biyayang aking tinatanggap at paumanhin kapag ako ay nakakalimot magpasalamt sayo sa mga mumunitng bagay na iyong binibigay.” bulong nya sa Panginoon.

Bigla ay pinatigil ni Andoy ang traysikel, na isang kilometro na lang sa kanyang bahay. “Dito na lang po ako.. eto po ang bayad”. wika ni Andoy.
“po? pero malapit na po tayo..mababasa po kayo kapag kayo ay bumaba” wika ng drayber ng traysikel kay Andoy.
“Ayos lang ‘yon! eto ang bayad..salamat.” wika ni Andoy sa drayber.

Bumaba si Andoy ng traysikel at tumayo sa malakas na buhos ng ulan. Tuwang tuwa siya habang unti-unting nababasa ang kanyang buhok.. ang kanyang mukha at hindi nagtagal ay kanyang katawan. Nagtatakang pinagmamasdan siya ng ibang tao habang naglalakad patungo sa kanyang bahay. Ang kay Andoy ay, natutuwa na ang pangarap ay unti- unting lumilinaw at damahin ang binubuhos na pagmamahal ng Panginoon sa kanyang buhay.

Hingin nyo rin sa ating Panginoon na ulanan ang inyong buhay ng Kanyang pagmamahal. ;)

guidelines