
Ang kolehiyo ay bagong pagsubok sa buhay ni Paula, pero eto na siya. Ang pinoproblema lamang niya ay kakaiba ang buhay dito kumpara sa buhay hayskul lalo na ang pakikipag-kaibigan. Nakakaramdam siya ng pag-iisa.
“Ano ba ito? Napakalaki naman ng eskwelehang ito parang napakadaling mawala sa karamihan. Parang ayoko na rito! Parang nag-iisa ako dito at nalulungkot” sabi ni Paula.
Tumungo si Paula sa kantina at bumili ng kanyang makakain. Dalawang linggo na rin ang lumilipas na kumakaing mag-isa si Paula sa kantina ito. Isang tapik sa balikat ang gumulat sa kanya. “Paula! Hindi ko alam na dito ka pala pumapasok!”
“Pamela?” Tumingin si Paula sa kanyang kaibigan noong hayskul. ” Hindi ako makapaniwala na ikaw yan! Lumipat ako dito last two weeks ago pa.” Nagpatuloy si Paula sa kanyang pagkatuwa, “newcomer ako.. hehe.”
“Hindi na magtatagal yan.” wika ni Pamela habang nakangiti sa kaibigan. “Halika doon tayo, ipakikilala kita sa aking mga kaibigan.”
Minsan may mga pangyayari sa ating buhay na hindi nating inaasahan at magugulat na lamang tayo kapag ito ay nangyari. Minsan hindi ito nagkataon lamang nangyari kungdi isang pasorpresang tugon ng Panginoon sa mga plano Niya sa ating buhay, isang espesyal na tugon kung ano ang mas makakabuti para sa atin.
Mayroon po ba kayong hindi inaasahang pagsubok na dumating sa inyong buhay? -Abutin nyo lamang ang Kanyang kamay na laging handang samahan kayo.
