address rssprivacy

aTY 1st Anniversary

Happy  1st Anniversary ang Tanging Yaman!

namamasko po!

namamasko po!

Magandang araw po sa inyong lahat! Masayang masaya ako sa araw na ito, dahil ito ang unang araw na isinilang “ang tanging yaman”. Lubos ang aking pasasalamat kay Big Bro. na isinilang niya ito para makapag bigay ng liwanag at inspirasyon sa mga taong naglalakbay sa madilim na daan ng buhay, makatulong ng simple at maipadama ang Kanyang presensya sa mga taong may kakaibang sakit at sa mga taong nakakaramdam na sila ay nag-iisa sa kanilang pinadaraanan sa buhay.

Sa kabila ng napakarami kong pagkukulang, sa aking pagtalikod sa Kanyang tawag noon ay hindi Siya nagsasawang ako ay gabayan at kalingain. Kaya naman lubos ang aking pasasalamat kay Big Bro. at kay Ina’y Maria. Nagpapasalamat rin ako na binigyan ako ng pagkakataon na kahit dito at sa pamamagitan ng pagtulong ko sa aking kapwa ay mapaglingkuran ko Siya. Salamat at kahit papaano ay nakapag sponsor ako ngayong taon ng tatlong simpleng soup kitchen at makapagbigay ng konti sa mga taong nasa “hands of friendship”.  Kulang pa siguro ang aking ginawa kumpara sa pangangailangan ng aking kapwa at sa kabutihang pinapakita ni Big Bro. sa akin.

At syempre, Sa inyong lahat na aking mambabasa na naging mga kaibigan, maraming maraming salamat po sa inyong pagsuporta at walang sawang pagsubay-subay sa “ang Tanging Yaman”. Sa iba’t ibang blogger at blogsite na nagbigay ng pagkilala at parangal sa akin at sa aTY…maraming salamat po! Ang pinaka magandang regalong aking natanggap ay nadagdagan ang aking mga kaibigan.

Marami pa akong pangarap sa aty, gusto ko pang lumawak ang sakop nito at naaabot pero hindi sapat at limitado lang ang aking pondo kaya ipahintulot nyo po sanang makapaglagay ako ng donations button para sa page na “Hands of Friendship para mas marami pang matulungan at ang matitira ay para sa maintenance ng aty. Sa tuwing aking nakikita at nababalitaang nadagdagan ang mga may sakit, walang makain, walang matitirhan, mga taong naghahanap ng pang-unawa sa kanilang pinagdaraanan. Kailangan kong kumilos at sila ay abutin at tulungan para maiwasang sila at kanilang mahal sa buhay ay tuluyang lumayo at malimutan na mayroong Diyos na nakikinig sa kanilang panalangin at hinaing.

Anuman tulong ay labis naming ikatutuwa at bahala na po si Big Bro na gumanti sa inyong kagandahang loob.

Ipagpaumanhin nyo kung minsanan lang ako makadalaw sa inyong blog, hindi makareply sa inyong comment. Sa ngayon ang inyong lingkod ay dumadaan sa isang krisis at kailangan magtipid…sarling sikap ang trabaho ko ngayon..minsan meron,minsan wala. Umaasa lamang sa Kanyang dakilang awa at grasya. Salamat na lang andyan Siya palagi ang aking Tanging Yaman para ibigay ang aming pang araw-araw na pangangailangan.

God bless us all more this coming year 2010!

In prayer with Mary,

sandi

signature sandi
Share and Enjoy: These icons link to social bookmarking sites where readers can share and discover new web pages.
  • Print
  • Digg
  • Sphinn
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Mixx
  • Google
  • Blogosphere News
  • LinkedIn
  • Reddit
  • RSS
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • Tumblr
  • Twitter
  • Twitthis
  • Yahoo! Bookmarks
  • YahooBuzz
  • Bloglines
  • Ask
  • blogmarks
  • MyShare
  • MySpace
  • Netscape
  • VoteForIt
  • YahooMyWeb

Sino ang Iyong Inspirasyon?

“Brothers and sisters, none of us lives for oneself, and no one dies for oneself. For if we live, we live for the Lord, and we if we die, we die for the Lord. So then, whether we live or die we are for the Lord.” -Romans 14

May mga taong nagbibigay inspirasyon sa napakaraming tao sa pamamagitan ng kanilang mga gawa. Tayo ay pwedeng humanga sa mga leader, athletes, scientist, geniuses, authors, actor and actress, artists.
Sinuman taong sinusubukang lagpasan ang kakayahan ng kanyang sarili ay nakakapukaw sa ating pansin at mapa-isip. Pinaparamdam sa atin na ang limitasyong binibigay natin sa ating mga sarili ay maari din nating malagpasan.

I admire people from all walks of life, Ang pagka-kawanggawa ni Mother Teresa na maraming hinipong mga tao, ang kadakilaan ni St. Francis of Assisi, ang mga relihiyosong nagbuwis ng kanilang mga buhay para ikalat ang Kristyanismo sa buong mundo. Ang mga taong iniisip muna ang kapakanan ng iba kaysa sa kanyang sarili, tulad na lang ng mga taong sinuong ang panganib, naglaan ng panahon at oras nitong mga nakaraang kalamidad para lang makapag salba ng buhay, makapagdala ng gamot at pagkain. Ang mga taong ipinaglalaban ang pagpapahalaga sa buhay, kalayaan at karapatan ng bawat nilikha, si Nelson Mandela, sina Mahatma at Indira Gandhi, sina Ninoy at Cory Aquino at ang ating mga bayani.

Ang aking pinaka-mamahal na nanay at tatay ay nagsisilbing inspirasyon sa akin. Ang kanilang kasipagan, katapangan at walang hanggang pang-unawa ang siyang nagbibigay sa akin na magtiwala sa aking sarili at kakayahan. Ako rin ay humahanga sa ibat-ibang tao, sa aking mga kaibigan, kapwa blogger na sa pamamagitan ng kanilang pagsusulat at iba’t ibang sariling paraan ay unti-unting tinataas ang antas ng pagpapahalaga at pag-kalinga sa lahat ng buhay na binigay ng Diyos.

Sino ang nagbibigay inspirasyon sa iyong buhay? Nawa’y ang mga hinahangaan natin ay hindi lang magsilbing ating idolong tinitingala kungdi magsilbing paalala sa ating kakayahan. Hindi nating kailangan gumawa ng extra ordinaryo para makapa mamuhay ng extra ordinaryo, hindi natin kailangan ang iba’t ibang pananaw ng mundo sa lahat ng ating ginagawa para ito ay maging mahalaga. Ang ating pagpapahalaga sa paglago at pagbabago bilang indibidwal ang siyang importante.

Sino ang iyong inspirasyon?

Para sa mga hindi pa nakikita ang videong ito: you are the light

signature sandi
Share and Enjoy: These icons link to social bookmarking sites where readers can share and discover new web pages.
  • Print
  • Digg
  • Sphinn
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Mixx
  • Google
  • Blogosphere News
  • LinkedIn
  • Reddit
  • RSS
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • Tumblr
  • Twitter
  • Twitthis
  • Yahoo! Bookmarks
  • YahooBuzz
  • Bloglines
  • Ask
  • blogmarks
  • MyShare
  • MySpace
  • Netscape
  • VoteForIt
  • YahooMyWeb

Ano ang Silbi?

Isa pong paalala para sa mga nais maglingkod sa ating bayan:

Ano ang silbi ng kapangyarihan
kung ito’y gagamitin lang sa mga malilit, mahihina at walang kalaban-laban.
Ang kapangyarihan ay regalo mula sa Itaas,
hindi para gamitin sa mga mahihina at walang kalaban-laban,
kundi para magsilbi sa mga ito ng walang hinihintay na anumang kapalit.

Ano ang silbi ng karunungan,
kung ito’y gagamitin para manloko ng ating kapwa.
Ang karunungan ay regalo mula sa Itaas,
hindi para manloko ng ating kapwa,
kundi para turuan at gabayan sila.

Ano ang silbi ng pagiging mayaman,
kung lalo pang pahihirapan ang mga mga dukha.
Ang kayamanan ay regalo mula sa Itaas,
hindi para itambak sa baul at magpahirap ng kanyang kapwa
kundi para ibahagi sa mga dukha, maysakit, walang tirahan at nangangailangan.

Ang Kapangyarihan, Karunungan at Kayamanan ay regalo mula sa Panginoon na siyang ating Tanging Yaman,
kaya dapat lang na ingatan at gamtin sa tamang paraan.

Dios Mabalos(God will repay)

Share and Enjoy: These icons link to social bookmarking sites where readers can share and discover new web pages.
  • Print
  • Digg
  • Sphinn
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Mixx
  • Google
  • Blogosphere News
  • LinkedIn
  • Reddit
  • RSS
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • Tumblr
  • Twitter
  • Twitthis
  • Yahoo! Bookmarks
  • YahooBuzz
  • Bloglines
  • Ask
  • blogmarks
  • MyShare
  • MySpace
  • Netscape
  • VoteForIt
  • YahooMyWeb
address

Pusakal Ming

Naalala ko, isang kuting ang aking dinampot sa kalakasan ng ulan sampung taon na ang nakaraan. Inuwi ko siya sa bahay at inalagaan, noong una, ayaw ni nanay ko pero wala rin nagawa nung nagtagal na, nagtyaga akong alagaan ang kuting hanggang siya ay lumaki.. dinadampot ang kanyang pupu at nililinis ang anumang iwan niyang kalat. Siya ang una kong alagang pusakal( pusang kalye).

Kanina, iniwan na niya ako para ma una na sa rainbow bridge. Nakakalungkot, dahil bago siya namatay ay umuwi siya sa amin na duguan at nakalabas ang bituka ( pasintabi na po), akala ko ay madadala ko pa siya sa beterinaryo pero hindi na umabot. Walang nakakaalam kung ano talaga tunay na nangyari sa kanya.

Nakakalungkot ang nangyari..kahit man sila hayop ay marami silang tinuro sa akin…wala na akong masusulat pa kungdi..

Paalam pusakal Ming! Magkikita muli tayo.. :)

Share and Enjoy: These icons link to social bookmarking sites where readers can share and discover new web pages.
  • Print
  • Digg
  • Sphinn
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Mixx
  • Google
  • Blogosphere News
  • LinkedIn
  • Reddit
  • RSS
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • Tumblr
  • Twitter
  • Twitthis
  • Yahoo! Bookmarks
  • YahooBuzz
  • Bloglines
  • Ask
  • blogmarks
  • MyShare
  • MySpace
  • Netscape
  • VoteForIt
  • YahooMyWeb
privacy

Masaker sa Mendiola

Ang araw ay maaliwalas ng hapon ‘yon, kokonti lang ang pumapasadang jeep sa kalsada na para bang nakaka- panibago sa akin, dahil nasanay na ako sa matrapik at mausok na kalsada. Galing ako noon sa FEU kung saan ako nag-aaral ng kolehiyo. Ang petsa noon ay Ika-22 ng Enero, 1987.

Malapit na akong kumaliwa sa may Legarda papuntang Gastambide kung saan naroroon ang sakayan ng jeep pa-diretsong Pasig, napansin kong may nagrarally sa may paanan ng mendiola(ngayon ay chino roces na), natawag ang pansin ko dahil hindi sila ang palagi kong nakikitang nagrarally sa mendiola, sila ay mga magsasaka na hinihingi ang katuparan ng reporma sa lupa. Ang kapansin-pansin pa sa kanila ay halos karamihan sa kanila ay naka-tsinelas lamang. Tahimik naman ang nagrarally noong nakita ko sila, may nagsasalita sa harapan nila. Ang lahat ay payapa naman sa tingin ko noon, ngunit ang hindi ko pala alam na ilang minuto pa ang lilipas ay isang pangyayaring malalagay sa kasaysayan ng Filipinas.

Dumating din ako sa wakas sa abanagan ng jeep, mahaba ang pila ng mga sasakay, naipon dahil wala pang jeep na dumarating. Maya-maya habang ako ay nakapila, may biglang pumutok ng malakas, ilang segundo pa sunod-sunod na putok  ang aming narinig, ang pila sa abangan ng jeep ay nawala.

Nakisabay ako sa ibang taong nagtatakbuhan papuntang Mendiola para alamin ang nangyari, nakita ko doon ang napakaraming katawang sa hanay ng magsasaka ang nakahiga sa paanan ng mendiola, hindi ko alam kung buhay pa sila o hindi, yung isang mama ay nakita kong hinihila nya ang kasama nyang tinamaan siguro ng baril papalayo ng mendiola, ngunit kahit siya ay hirap sa paglalakad. Taong gumagapang para makalayo, napakaraming tsinelas na naiwan mula sa mga magsasakang tinamaan ng baril at sa mga nagtakbuhan. Naawa ako, naiinis sa mga taong gumawa n’on sa kanila at nakakaramdam na ng takot n’ong mga oras na ‘yon.

Bumalik ako sa abangan ng jeep para maka-uwi na, akala ko ay tapos na ngunit hindi pa pala. Sa hindi kalayuan napansin namin na may papalapit na jeep ng army papunta sa lugar namin. Kanyang-kanyang takbuhan at tago, ako nakakita ng isang bukas na pinto kaya doon ako pumasok, bakery pala ‘yon. Ang daming tao sa loob ng pinagtaguan ko ahlos estudyante kami. Sinara kaagad ng may-ari ang pinto pagkapasok ko, hindi lang sara kungdi padlock ba mismo.

Naririnig nanamin na papalapit na ang jeep sa pinagtataguan namin, maya-maya may tumunog sa may pintuan, may usok na pumapasok sa bakery, Tear gas pala ang hinagis. Maya-maya pa punong-puno na ng usok ang loob ng bakery panay ang punas ko ng panyong basa sa aking mata. Ang hapdi ng aking mata dahil sa teargas, para akong umiyak ng isang linggong walang tigil.

Tumahimik na rin, binuksan na rin sa wakas ng may-ari ng bakery ang pinto. Lumabas ako,  basang-basa ng tubig at pawis at pakiramdam ko noon lambot na lambot ako, para wala akong tuhod sa aking naranasan. Nakakita ko ng jeep byaheng Pasig, sumakay na ako para maka-uwi lang, pero lambot na lambot pa rin ako at mahapdi ang mata.

Ng maka-uwi ako sa bahay at manood ng balita.. 13 ang patay sa hanay ng magsasaka at 80 ang sugatan.

Sa ika-22 ng enero ngayon taon, gugunitain nanaman ang madugong nangyari sa mendiola. Isang madugong pangyayaring hindi pa rin alam kung sino ang dapat parusahan. Nakakalungkot!

paki click na lang po itong link para makatulong..dito

Share and Enjoy: These icons link to social bookmarking sites where readers can share and discover new web pages.
  • Print
  • Digg
  • Sphinn
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Mixx
  • Google
  • Blogosphere News
  • LinkedIn
  • Reddit
  • RSS
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • Tumblr
  • Twitter
  • Twitthis
  • Yahoo! Bookmarks
  • YahooBuzz
  • Bloglines
  • Ask
  • blogmarks
  • MyShare
  • MySpace
  • Netscape
  • VoteForIt
  • YahooMyWeb

Ngipin sa Ngipin

Nakakalungkot ang nangyayaring kaguluhan sa pagitan ng Israeli at ng Teroristang Hamas dahil napakaraming inosenteng buhay ang nawawala, ang higit na marami ay mga bata. ( http://www.guardian.co.uk/world/video/2009/jan/05/gaza-hospitals-wounded)

At Habang lumalalim ang away ng magkabilang panig, lumalalim rin ang sugat na iniiwan nito sa bawat isa dahil sa pagkawala ng kanilang mga kababayan at mga mahal sa buhay.

They have legitimised the murder of their own children by killing the children of Palestine,” Mahmoud Zahar said in a televised broadcast recorded at a secret location. “They have legitimised the killing of their people all over the world by killing our people.”

Mr Zahar made his first appearance since Israel launched its offensive. Dressed in a dark suit, he declared: “Victory is coming, God willing.”

“Abu Obeida, the leader of Hamas’s military wing, made his first appearance on Gaza television, his face masked in a red and white scarf, to goad Israeli forces massed outside the teeming city of 400,000 people. “We have prepared thousands of brave fighters who are waiting for you in each corner of the street and will welcome you with fire and iron,” he said.”

Ang kaguluhan ay magpapatuloy ng magpatuloy, marami pa ring buhay ang mawawala hanggat hindi bibilisan ng mga international leaders ang pag-aksyon sa nagaganap ng gulo. (http://www.guardian.co.uk/world/video/2009/jan/07/un-security-council).

Ang sabi ni Hesus “Mahalin mo ang iyong kaaway at ipagdasal ang lahat ng nagpapahirap sa’yo”.

Ang isa sa sampung sampung utos: “Huwag kang papatay”.

Sana ay matapos na ang walang kabuluhang digmaan na ito!

Share and Enjoy: These icons link to social bookmarking sites where readers can share and discover new web pages.
  • Print
  • Digg
  • Sphinn
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Mixx
  • Google
  • Blogosphere News
  • LinkedIn
  • Reddit
  • RSS
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • Tumblr
  • Twitter
  • Twitthis
  • Yahoo! Bookmarks
  • YahooBuzz
  • Bloglines
  • Ask
  • blogmarks
  • MyShare
  • MySpace
  • Netscape
  • VoteForIt
  • YahooMyWeb

Bagong Taon

Ang Pagtatapos ng isang taon at pagpasok ng isang bagong taon ay napaka espesyal sa lahat ng tao sa mundo, ibat ibang tradisyon, ibat ibang relihiyon. Ang karamihan ay magninilay sa kabutihan sa kanilang buhay at mga biyayang binigay sa kanila nitong taon na ito. Sa aking pananaw eto rin ang tamang pagkakataon na pagnilayan nating lahat ang idinulot sa atin ng taong ito bago ito magtapos, maganda man o hindi ang ibinigay sa atin nito. Isipin natin kung paano pa natin mapapa-ganda ang ating mga buhay, pati na rin buhay ng  ating mga kapitbahay at kaibigan sa darating na bagong taon.

Karamihan sa ating Filipino ay nabubuhay pa rin sa karukhaan, marami ang walang trabaho at kulang sa oportunidad, ang iba ay sa kalsada pa rin nakatira kasama ang kanilang buong pamilya. Maraming eskwelehan sa probinsiya ang sira-sira, pangit na kalsada, sirang tulay, kulang sa materyales para sila matuto at kulang sa guro. Ang nakakalungkot pa rito ay kulang sa pondo ang ating gobyerno para maayos ang lahat ng ito. Ang pinaka dukha man na mag-aaral ay may karapatan sa maayos na paaralan, maayos na edukasyon at may karapatang matuto sa pinaka- mahusay na guro.

Sa panahon ito na hindi natin tiyak ang ating ekonomiya, ang lahat po sana ay magkaroon ng enerhiya para damayan ang ating mga kababayan. Ang lahat ay may karapatan makapag-aral, makakain, magkapag-patingin sa doktor, magkaroon ng trabaho para buhayin ang kanyang pamilya at alisin sila sa karukhaan, magkaroon ng isang maayos na tirahan. Lahat tayo ay nangangarap ng isang ligtas na tahanan na hindi tayo matatakot sa anumang krimen sa kalsada dahil alam natin may poprotekta sa atin sa oras ng panganib. Lahat tayo ay nangangarap na mawala na ang kasakiman sa kapangyarihan.

Ang lahat ng ito ay kaya nating gawin, hindi man kaya ng mag-damagan, pero kung magtutulungan lang ang bawat isa at sa tulong ng Panginoon ito ay makakayang gawin.

Bumabati ng isang Magandang Bagong Taon sa Inyong Lahat!

Share and Enjoy: These icons link to social bookmarking sites where readers can share and discover new web pages.
  • Print
  • Digg
  • Sphinn
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Mixx
  • Google
  • Blogosphere News
  • LinkedIn
  • Reddit
  • RSS
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • Tumblr
  • Twitter
  • Twitthis
  • Yahoo! Bookmarks
  • YahooBuzz
  • Bloglines
  • Ask
  • blogmarks
  • MyShare
  • MySpace
  • Netscape
  • VoteForIt
  • YahooMyWeb
address