feed search

aTY 1st Anniversary

Happy  1st Anniversary ang Tanging Yaman!

namamasko po!

namamasko po!

Magandang araw po sa inyong lahat! Masayang masaya ako sa araw na ito, dahil ito ang unang araw na isinilang “ang tanging yaman”. Lubos ang aking pasasalamat kay Big Bro. na isinilang niya ito para makapag bigay ng liwanag at inspirasyon sa mga taong naglalakbay sa madilim na daan ng buhay, makatulong ng simple at maipadama ang Kanyang presensya sa mga taong may kakaibang sakit at sa mga taong nakakaramdam na sila ay nag-iisa sa kanilang pinadaraanan sa buhay.

Sa kabila ng napakarami kong pagkukulang, sa aking pagtalikod sa Kanyang tawag noon ay hindi Siya nagsasawang ako ay gabayan at kalingain. Kaya naman lubos ang aking pasasalamat kay Big Bro. at kay Ina’y Maria. Nagpapasalamat rin ako na binigyan ako ng pagkakataon na kahit dito at sa pamamagitan ng pagtulong ko sa aking kapwa ay mapaglingkuran ko Siya. Salamat at kahit papaano ay nakapag sponsor ako ngayong taon ng tatlong simpleng soup kitchen at makapagbigay ng konti sa mga taong nasa “hands of friendship”.  Kulang pa siguro ang aking ginawa kumpara sa pangangailangan ng aking kapwa at sa kabutihang pinapakita ni Big Bro. sa akin.

At syempre, Sa inyong lahat na aking mambabasa na naging mga kaibigan, maraming maraming salamat po sa inyong pagsuporta at walang sawang pagsubay-subay sa “ang Tanging Yaman”. Sa iba’t ibang blogger at blogsite na nagbigay ng pagkilala at parangal sa akin at sa aTY…maraming salamat po! Ang pinaka magandang regalong aking natanggap ay nadagdagan ang aking mga kaibigan.

Marami pa akong pangarap sa aty, gusto ko pang lumawak ang sakop nito at naaabot pero hindi sapat at limitado lang ang aking pondo kaya ipahintulot nyo po sanang makapaglagay ako ng donations button para sa page na “Hands of Friendship para mas marami pang matulungan at ang matitira ay para sa maintenance ng aty. Sa tuwing aking nakikita at nababalitaang nadagdagan ang mga may sakit, walang makain, walang matitirhan, mga taong naghahanap ng pang-unawa sa kanilang pinagdaraanan. Kailangan kong kumilos at sila ay abutin at tulungan para maiwasang sila at kanilang mahal sa buhay ay tuluyang lumayo at malimutan na mayroong Diyos na nakikinig sa kanilang panalangin at hinaing.

Anuman tulong ay labis naming ikatutuwa at bahala na po si Big Bro na gumanti sa inyong kagandahang loob.

Ipagpaumanhin nyo kung minsanan lang ako makadalaw sa inyong blog, hindi makareply sa inyong comment. Sa ngayon ang inyong lingkod ay dumadaan sa isang krisis at kailangan magtipid…sarling sikap ang trabaho ko ngayon..minsan meron,minsan wala. Umaasa lamang sa Kanyang dakilang awa at grasya. Salamat na lang andyan Siya palagi ang aking Tanging Yaman para ibigay ang aming pang araw-araw na pangangailangan.

God bless us all more this coming year 2010!

In prayer with Mary,

sandi

signature sandihandbook
Share and Enjoy: These icons link to social bookmarking sites where readers can share and discover new web pages.
  • Print
  • Digg
  • Sphinn
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Mixx
  • Google
  • Blogosphere News
  • LinkedIn
  • Reddit
  • RSS
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • Tumblr
  • Twitter
  • Twitthis
  • Yahoo! Bookmarks
  • YahooBuzz
  • Bloglines
  • Ask
  • blogmarks
  • MyShare
  • MySpace
  • Netscape
  • VoteForIt
  • YahooMyWeb

Sino ang Iyong Inspirasyon?

“Brothers and sisters, none of us lives for oneself, and no one dies for oneself. For if we live, we live for the Lord, and we if we die, we die for the Lord. So then, whether we live or die we are for the Lord.” -Romans 14

May mga taong nagbibigay inspirasyon sa napakaraming tao sa pamamagitan ng kanilang mga gawa. Tayo ay pwedeng humanga sa mga leader, athletes, scientist, geniuses, authors, actor and actress, artists.
Sinuman taong sinusubukang lagpasan ang kakayahan ng kanyang sarili ay nakakapukaw sa ating pansin at mapa-isip. Pinaparamdam sa atin na ang limitasyong binibigay natin sa ating mga sarili ay maari din nating malagpasan.

I admire people from all walks of life, Ang pagka-kawanggawa ni Mother Teresa na maraming hinipong mga tao, ang kadakilaan ni St. Francis of Assisi, ang mga relihiyosong nagbuwis ng kanilang mga buhay para ikalat ang Kristyanismo sa buong mundo. Ang mga taong iniisip muna ang kapakanan ng iba kaysa sa kanyang sarili, tulad na lang ng mga taong sinuong ang panganib, naglaan ng panahon at oras nitong mga nakaraang kalamidad para lang makapag salba ng buhay, makapagdala ng gamot at pagkain. Ang mga taong ipinaglalaban ang pagpapahalaga sa buhay, kalayaan at karapatan ng bawat nilikha, si Nelson Mandela, sina Mahatma at Indira Gandhi, sina Ninoy at Cory Aquino at ang ating mga bayani.

Ang aking pinaka-mamahal na nanay at tatay ay nagsisilbing inspirasyon sa akin. Ang kanilang kasipagan, katapangan at walang hanggang pang-unawa ang siyang nagbibigay sa akin na magtiwala sa aking sarili at kakayahan. Ako rin ay humahanga sa ibat-ibang tao, sa aking mga kaibigan, kapwa blogger na sa pamamagitan ng kanilang pagsusulat at iba’t ibang sariling paraan ay unti-unting tinataas ang antas ng pagpapahalaga at pag-kalinga sa lahat ng buhay na binigay ng Diyos.

Sino ang nagbibigay inspirasyon sa iyong buhay? Nawa’y ang mga hinahangaan natin ay hindi lang magsilbing ating idolong tinitingala kungdi magsilbing paalala sa ating kakayahan. Hindi nating kailangan gumawa ng extra ordinaryo para makapa mamuhay ng extra ordinaryo, hindi natin kailangan ang iba’t ibang pananaw ng mundo sa lahat ng ating ginagawa para ito ay maging mahalaga. Ang ating pagpapahalaga sa paglago at pagbabago bilang indibidwal ang siyang importante.

Sino ang iyong inspirasyon?

Para sa mga hindi pa nakikita ang videong ito: you are the light

signature sandiaddress
Share and Enjoy: These icons link to social bookmarking sites where readers can share and discover new web pages.
  • Print
  • Digg
  • Sphinn
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Mixx
  • Google
  • Blogosphere News
  • LinkedIn
  • Reddit
  • RSS
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • Tumblr
  • Twitter
  • Twitthis
  • Yahoo! Bookmarks
  • YahooBuzz
  • Bloglines
  • Ask
  • blogmarks
  • MyShare
  • MySpace
  • Netscape
  • VoteForIt
  • YahooMyWeb
blog

Magkaibigan Habangbuhay

Naalala ko ang isang eksena sa aking buhay kung saan ko naramdaman ang magmahal ng lubos sa isang hindi nating ka-uri, sa isang nilalang na apat ang paa. Ito ay ang pangalawang panganganak ng aking asong si pixie.

Nobyembre 2004..sa isang klinika ng mga hayop sa Marikina.

Doktor: “nagkaroon ng ectopic pregnancy ang inyong alagang aso, apektado po ang kanyang bituka at daming nawalan dugo sa kanya…ooperahan po namin siya pero 50/50 na po ang tsansa nyang mabuhay..kayo po ano po ang desisyon nyo?”

Hindi ako makapag salita sa sinabi ng doktor sa akin, para bang ang aking boses ay biglang nawala..nakadama na kaagad ako ng kabog sa aking dibdib at awa kay pixie. Ang aking mga mata ay napupuno na ng mga luhang pinipigilan kong pumatak ngunit hindi naglaon ay umagos din sa aking pisngi.

Sandi: Sige po operahan nyo na po siya!

Pinapirma ako ng waiver at pinalabas muna sandali ng klinika, nagsimula na ang opersyon. Pumunta ako sa isang madilim na sulok at nagwika sa Kanya..

Sandi: “Bigyan mo po siya ng pagkakataon na mabuhay, bigyan mo pa kami ng pagkakataon na magkasama. Huwag Mo muna po siyang kunin..hayaan mo muna kami magkasama. Mahal ko po kasi si pixie at ayoko pa siyang mawala sa aking piling, marami pa akong plano sa kanya..pls. po! pls. po!” Sinabi ko sa Kanya ito habang ang aking luha ay tuloy tuloy na pumapatak.

Lumipas ang ilang oras, natapos din ang operasyon. Pinapasok ako sa klinika, pinaupo.
Doktor: “magiging maayos na po si pixie, pero isang tuta lang po ang nabuhay. Hayaan nyo po muna rito sila sa klinika habang nagpapagaling, dalaw-dalawin nyo na lang po.”

Nakahinga ako ng maluwag sa binalita ng doktor, napawi ang aking lungkot at napalitan ng saya at bagong pa-asa. Naisip ko kaagad sa mga oras na ‘yon ang Panginoon…isang malaking pasasalamat ang winika ko sa Kanya sa pagdinig at pagbibigay ng panibagong buhay sa aking mahal na alaga. Marami kaming masasayang araw na pinagsamahan mag-amo pagkatapos no’n.

Kulang kulang limang taon ang lumipas, nitong nakaraan sabado ng gabi, pagkatapos ko siyang pakainin.. lumapit siya sa akin, kiniskis ang kanyang ulo sa aking hita… naglalambing na parang pusa, Pagkatapos ay pumunta sa kanyang paboritong lugar at nahiga. Hinimas ko ang kanyang ulo at iniwanan ko na siya sa kanyang lugar para ako naman ay makapagpahinga.

Linggo, Kaninang umaga, pinuntahan ko siya sa kanyang lugar, nakitang kong nakahiga pa rin, kaya nilapitan ko. Umupo ako at hinawakan ang kanyang ulo at katawan..dumapa siya at nilapit ang kanyang katawan sa akin, pinatong ang kanyang ulo sa aking hita. Hinimas ko ang kanyang ulo bilang ganti at pagkatapos ay binababa ko ang kanyang ulo at inayos ang kanyang pagkakahiga. Nalungkot ako sa aking nakita dahil nararamdaman kong  kakaiba ang kanyang  eksena na hindi ko nakasanayan. Nilapitan ko ulit siya at hinimas muli ang kanyang ulo. Huminga ng malalim si pixie at tuluyang ng nagpaalam sa akin patungo sa bahagharing tulay. Hinintay nya lang pala akong magising bago siya lumisan.

friends for life

Si Pixie po yung nakadapa at anak nya sa unang panganganak ang nakatayo.

Nagpapasalamat ako sa Panginoon sa pagdinig Nya sa aking panalangin at pagbibigay Nya ng ilang taon para kami ay magkasama..sapat na minsan, ako ay Kanyang pinakinggan at pinabigyan sa aking hiling.

Pixie or The Pixie of Relic Hunter
Aug. 2000 – May 2009

Pixie,

Paalam kaibigan! Mamimis ka namin ni Argo at ni Gracie (ang kanyang anak), Mag kaibigan tayo Habangbuhay(Friends for life).

Paalam..Paalam..hanggang sa muling pagkikita!

Kuya Sandi

Share and Enjoy: These icons link to social bookmarking sites where readers can share and discover new web pages.
  • Print
  • Digg
  • Sphinn
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Mixx
  • Google
  • Blogosphere News
  • LinkedIn
  • Reddit
  • RSS
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • Tumblr
  • Twitter
  • Twitthis
  • Yahoo! Bookmarks
  • YahooBuzz
  • Bloglines
  • Ask
  • blogmarks
  • MyShare
  • MySpace
  • Netscape
  • VoteForIt
  • YahooMyWeb
feed

Patas at Pagtutulungan

share ko sa inyo ang video ito ng dalawang unggoy na nagpakita ng kooperasyon sa isa’t isa para makuha nila ang gantimpalang gusto nilang makuha..ipinakikita rin dito na alam nila ang pagiging patas(fair).

Ang nagsasalita po ay si Sir David Attenborough, isang kilalang british brodkaster at naturalist.

[youtube=http://www.youtube.com/watch?v=aAFQ5kUHPkY]

Sila po ay nilikha ng Panginoon na mas mababa sa atin ngunit nagpapakita ng magandang halimbawa sa isa’t isa..at minsan, daig pa nila ang ibang tao :)

sana po ay nakuha nyo ang aking mensahe…

salamat po!

Share and Enjoy: These icons link to social bookmarking sites where readers can share and discover new web pages.
  • Print
  • Digg
  • Sphinn
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Mixx
  • Google
  • Blogosphere News
  • LinkedIn
  • Reddit
  • RSS
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • Tumblr
  • Twitter
  • Twitthis
  • Yahoo! Bookmarks
  • YahooBuzz
  • Bloglines
  • Ask
  • blogmarks
  • MyShare
  • MySpace
  • Netscape
  • VoteForIt
  • YahooMyWeb
search

Earth Day 2009

Ipinadiriwang ngayong april 22 ang Earth Day sa buong mundo,

Hapi Earth Day po sa Inyo!

Isang mabuting gawa kada araw maliit man o malaki ay malaking tulong para maging maayos muli ang ating daigdig,gawin nating Earth Day araw araw.

Maligayang kaarawan inang mundo!
[youtube=http://www.youtube.com/watch?v=KCNZ06qcP2g]

handbook
Share and Enjoy: These icons link to social bookmarking sites where readers can share and discover new web pages.
  • Print
  • Digg
  • Sphinn
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Mixx
  • Google
  • Blogosphere News
  • LinkedIn
  • Reddit
  • RSS
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • Tumblr
  • Twitter
  • Twitthis
  • Yahoo! Bookmarks
  • YahooBuzz
  • Bloglines
  • Ask
  • blogmarks
  • MyShare
  • MySpace
  • Netscape
  • VoteForIt
  • YahooMyWeb

Ang Mabuting Katiwala

Eto po ay repost entry..

Lahat tayo ay mga katiwala lamang sa mundong ating ginagalawan. Hindi lang tayo ang binigyan Niya ng buhay, binigyan nya rin ng buhay ang mga hayop, dsc067241halaman at puno, bundok at dagat, araw, buwan at bituin para makasama natin. Ang lahat ng Kanyang nilikha ay pinagkatiwala Niya sa atin para alagaan.

Ngayon, ang Kanyang magandang mga nilikha ay unti-unti ng nawawala at nasisira dahil hindi natin ginagawa ng maayos ang ating tungkulin bilang katiwala. Hindi na ito ang panahon para tayong lahat ay magkunwari na ang ating kapaligiran ay nasa maayos na kalagayan. Sana’y katulad din ng ating ginagawa na maging maayos ang ating relasyon sa ating kapwa tao sana’y gayon din tayo sa kalikasan na siyang nilikha para sa atin.                                                                            dsc067271

Ang lahat ng ating mabuting gagawin para sa ating kalikasan ay hindi lang para sa atin kundi pati na rin sa mga susunod na henerasyon. Kung patuloy nating pababayaan ito, tayong lahat ang mag-dudusa at pati na rin ang mga susunod sa atin.

Kapag ang kalikasan ay nagbago, ang lahat ay apektado. Ang klima, ang ating kalusugan at baka pati ang ating ekonomiya ay pwedeng ma-apektuhan.

Kaya, dapat tayong magtulungan, dapat nating ipaunawa sa lahat kung ano ang nangyayari sa ating kapaligiran at kung paano ito aalagaan at ipagtatangol. dsc06728

Tayong lahat ay nilikha ng Diyos bilang mga katiwala, hindi tayo nilkha para mag may-ari at sumira sa Kanyang ginawa. Dapat nating alalahanin na hindi tayo habambuhay sa mundong ito, darating ang panahon ang lahat ng ating pag-aari ay iiwan natin at  tayo ay haharap sa Diyos kung tayo ba ay naging isang mabuting katiwala. Kaya habang tayo ay naririto sana’y magkaroon tayo ng panahong pagtuunan ng pansin ang ating kapaligiran, ang mga hayop, puno, halaman at lahat ng Kanyang nilikha dahil sila rin ay  may karapatang mabuhay sa mundong ito.

Tayo sana ay maging isang mabuting katiwala, magkaroon ng positibo at puerto-princesapalawan1 makabuluhang buhay habang tayo ay naririto pa sa mundong ating  ginagalawan. Nakakalungkot naman kung ang ating pag-aaksayahan ng oras ay yung mga bagay na makasisira sa ating kapwa, hayop at kalikasan.

Maging isang mabuting katiwala, mabuting halimbawa :)

address
Share and Enjoy: These icons link to social bookmarking sites where readers can share and discover new web pages.
  • Print
  • Digg
  • Sphinn
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Mixx
  • Google
  • Blogosphere News
  • LinkedIn
  • Reddit
  • RSS
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • Tumblr
  • Twitter
  • Twitthis
  • Yahoo! Bookmarks
  • YahooBuzz
  • Bloglines
  • Ask
  • blogmarks
  • MyShare
  • MySpace
  • Netscape
  • VoteForIt
  • YahooMyWeb
blog

Ligo na!

Sumakay ako ng ferry boat kanina papuntang manila para makaiwas sa matinding trapiko at para masulyapan ko naman ang makasay-sayang ilog pasig.. Habang ako ay nakasakay, kumuha ako ng ilang litrato, ilan dito ay ang mga batang naliligo sa ilog.

Hindi iniisip ng mga batang ito kung gaano ka-delikado ang paliligo sa ilog ngayong panahon na ito, bukod sa saring-sari dumi at kemikals ang nasa ilog ay marami ring mga basura sa ilalim ng ilog na pwedeng maging dahilan ng kanilang pagkalunod.

dsc079411

dsc079431

dsc079592

Nung nalaman ng mga bata na kinukunan ko sila ng litrato, biglang nag ahunan at nagtakbuhan.. ang iba pala sa kanila ay naliligo ng walang saplot :)

Share and Enjoy: These icons link to social bookmarking sites where readers can share and discover new web pages.
  • Print
  • Digg
  • Sphinn
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Mixx
  • Google
  • Blogosphere News
  • LinkedIn
  • Reddit
  • RSS
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • Tumblr
  • Twitter
  • Twitthis
  • Yahoo! Bookmarks
  • YahooBuzz
  • Bloglines
  • Ask
  • blogmarks
  • MyShare
  • MySpace
  • Netscape
  • VoteForIt
  • YahooMyWeb
feed

Mga Kulay sa ating Buhay:Berde

palawan-3 Kuha sa El Nido, Palawan

Share and Enjoy: These icons link to social bookmarking sites where readers can share and discover new web pages.
  • Print
  • Digg
  • Sphinn
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Mixx
  • Google
  • Blogosphere News
  • LinkedIn
  • Reddit
  • RSS
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • Tumblr
  • Twitter
  • Twitthis
  • Yahoo! Bookmarks
  • YahooBuzz
  • Bloglines
  • Ask
  • blogmarks
  • MyShare
  • MySpace
  • Netscape
  • VoteForIt
  • YahooMyWeb
search