privacy e-mail
mail

St. Peregrine Laziosi, OSM

St. Peregrine Laziosi, OSM, was born in 1260, at Forly,Italy. He is known as the patron saint of all who has cancer and uncurable diseases.

Pls. visit their shrine at:
St. Peregrine Parish Shrine,
National Road, Tunasan, Muntinlupa Read More »

signature sandi
Share and Enjoy: These icons link to social bookmarking sites where readers can share and discover new web pages.
  • Print
  • Digg
  • Sphinn
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Mixx
  • Google
  • Blogosphere News
  • LinkedIn
  • Reddit
  • RSS
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • Tumblr
  • Twitter
  • Twitthis
  • Yahoo! Bookmarks
  • YahooBuzz
  • Bloglines
  • Ask
  • blogmarks
  • MyShare
  • MySpace
  • Netscape
  • VoteForIt
  • YahooMyWeb
marketing

Marina

Nagkataon pero totoo. Ibahagi ko po sa inyo ang isang kwento ng aking isang kaibigan na nilagay ko na lang sa pangalang “marina”.

Sa maraming taon ng paghihintay at paghahanap, Ang “40 yr. old” na si Marina ay hindi pa ring natatagpuan ang kanyang “knight and shining armor.” Handa na niyang tanggapin na baka hindi na siya makapag- asawa, pero mayroon siyang hangarin sa kanyang puso na magkaroon ng anak.

Ang kanyang mga kaibigan ay sinabihan siyang mag-ampon na lamang, ngunit nag-aalinlangan si Marina sa sinabi ng kanyang mga kaibigan. “Alam kong maraming mga batang naghahanap ng bagong tahanan, pero kaya ko kayang mahalin ang batang hindi ko kaanu-ano?” tanong ni Marina sa kanyang sarili. Nalaman niyang may outreach na gagawin ang kanyang mga kaibigan sa isang ampunan sa manila, sumama si Marina na umaasang magiging malaking tulong ito sa kanyang pagdedesisyon.

Natulala si Marina ng makita niya ang bahay ampunan, ang mga bata, ang mga sanggol na may sakit at iniwan ng kanilang mga magulang. Nakatawag ng pansin kay Marina ang isang payat na batang babae, na mayroong napakagandang mata. Halos ilang oras din ang lumipas bago niya napalapit ang bata sa kanyang tabi.

“Anong pangalan mo?” tanong ni Marina.
“Marina po,” malambing na sagot ng bata.
“Pangalan ko rin yan ah!” tuwang tuwa wika ni Marina.
“Ilang taon ka na?” tanong ni Marina.
“Pitong taon na po”, sagot ng bata, sabay bilang ng pito gamit ang kanyang daliri.

Tuwang-tuwa si Marina sa bata at dahan-dahan niya itong niyakap. Sa oras na ‘yon, alam ni Marina na Siya at ang magandang batang ito ay magsasama  sa parehong pangalan at isang pamilya.

Sa ating Panginoon walang nagkataong sorpresa. Ang bawat pangyayari sa bawat minuto ay Kanyang inaayos.

Share and Enjoy: These icons link to social bookmarking sites where readers can share and discover new web pages.
  • Print
  • Digg
  • Sphinn
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Mixx
  • Google
  • Blogosphere News
  • LinkedIn
  • Reddit
  • RSS
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • Tumblr
  • Twitter
  • Twitthis
  • Yahoo! Bookmarks
  • YahooBuzz
  • Bloglines
  • Ask
  • blogmarks
  • MyShare
  • MySpace
  • Netscape
  • VoteForIt
  • YahooMyWeb
tools

Room 215

“Volunteer worker lang ako, hindi ko kailangan magtiis ng ganito!” wika ni Pam kay Jean na pawang mga volunteer worker sa isang ospital. “Please, huwag ka namang mag-quit,” nagmamakaawang wika ni Jean. “Dalawa na ang nagbitiw ngayong linggo.”

Ang dahilan ng kaguluhan ng mga volunteer workers sa isang ospital ay si Mr. Santos ng room 215. Siya na yata ang pinaka masungit na pasyente sa ospital na ‘yon. Sa lahat ay may reklamo siya- ang kama ay hindi kumportableng higaan, ang pagkain ay palaging malamig, ang doktor ay palaging late, ang mga nurse ay hindi maasahan.

Bumuntung hininga si Pam at sumang-ayong hindi na magbitiw. Ngunit ng oras na pupuntahan na niya si Mr. Santos parang nagdalawang isip siyang tumuloy sa room 215. Tumigil muna siya bago pumasok ng pinto, bumuntung hininga at nagdasal “Panginoon, turuan mo po akong matulungan ang taong ito, dahil alam kong Ikaw lang ang makakagawa nito.” Nakaramdam siya ng kapayapaan sa kanyang kalooban. Sa pagbukas niya ng pinto, nakarinig siya ng malakas na sigaw “Ano kailangan mo?”

“Magandang araw po Mr. Santos, gusto nyo po ba ng dyaryong mababasa?” wika ni Pam. Maya-maya, tumigil siya. Parang may nagpatigil sa kanya, at hindi niya namamalayan ay winika niya ito, “Nakikiramay po pala ako sa pagkamatay ng inyong asawa.” Hindi makapag-salita si Mr. Santos ng ito ay marinig. Tumingin siya sa ibaba at unti-unting naiyak.

Walang alam si Pam kung ano ang dahilan kung bakit nasa ospital si Mr. Santos, lingid sa kanya na si Mr. Santos ay na aksidente sa sasakyan… isang aksidenteng ikinasawi ng kanyang asawa. Dahil nabuksan ang puso ni Mr. Santos ikinuwento niya ang masaklap na pangyayari kay Pam at pagkatapos, sila ay nanalangin. Bago umalis si Pam, humingi ng paumanhin si Mr. Santos sa kayang mga pangit na inasal. “Ayos lang po ‘yon, nauunawaan ko po.” wika ni Pam. “Paalam na po, bukas po ulit.”

Minsan napakadali nating husgahan ang isang tao ng hindi nating nalalaman ang buong katotohan, ngunit kapag nalaman naman natin ang buong katotohanan madali rin magbago ang ating pag-iisip at buksan ang ating puso para unawain ang iba.

Share and Enjoy: These icons link to social bookmarking sites where readers can share and discover new web pages.
  • Print
  • Digg
  • Sphinn
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Mixx
  • Google
  • Blogosphere News
  • LinkedIn
  • Reddit
  • RSS
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • Tumblr
  • Twitter
  • Twitthis
  • Yahoo! Bookmarks
  • YahooBuzz
  • Bloglines
  • Ask
  • blogmarks
  • MyShare
  • MySpace
  • Netscape
  • VoteForIt
  • YahooMyWeb

Huwag Kang Mangamba Aking Kaibigan

Natatakot ka ba? Walang masama kung ikaw ay may pangambang dinadala sa iyong kalooban. Ayon sa mga relihiyoso, normal lang sa atin na makaramdam ng pangamba sa ating mga pinagdadaanan. Katulad na rin ng nangyari sa mga disipulo habang sila ay nakasakay sa isang bangka, kasama si Hesus. ( Lukas 8:22-25)

Huwag lang nating kalilimutan na kasama natin Siya sa ating bangkang sinasakyan. Hindi tayo nag-iisa at wala tayong dapat ipangamba. Ang paglalakbay ay magpapatuloy at ang maalong dagat ay kakalma dahil sa Kanya.

Kahit ako, ay nakakaramdam ng pangamba sa aking mga pinagdadaan. Kaya minsan, nagdadalawang isip akong ituloy ang aking paglalakabay. Ngunit ang daan aking iniiwasan ang sadyang nais ng Kaibigan kong lakaran ko, dahil kahit anong iwas ko, dito pa rin ako lalabas.  Kahit sinong makilala ko,  dito at dito pa rin ako ituturo.

Parang ang Panginoon ay nakikipag-usap sa akin, Dahil sa mga pangyayari nitong nakaraang linggo na magkakatugma, ang mga pagbasa sa ebanghelyo, ang kaibigang hindi ko naman pinili at nito ko lang nalaman na may kaugnayan pala sa “tawag” na aking tinutugon, ang siyang nagbigay sa akin ng inspirasyon na ituloy na ang gawaing ito.

Kaya, Gumawa po ako ng isang video na inahahandog ko po para sa inyong lahat na aking mga kaibigan, sa tunay na mundo, sa blogosperyo…. at sa aking mga espesyal na mga kaibigang may karamdaman at sa kanilang pamilya, sa mga batang kalye, sa mga dukha ng mga dukha, sa iba pa.

Alam kong ang iba sa inyo ay hindi ito mapapakinggan dahil sa inyong karamdaman, ngunit umaasa ako na maramdaman nyo lagi ang presensiya ng ating Panginoon sa inyong buhay at umaasa ako na darating  din ang araw na ito ay inyong mapapakinggan.

artist: Himig Heswita
Album: Your Dwelling Place

Huwag Kang Mangamba



(lyrics)

Chorus:
Huwag kang mangamba.
Di ka nagiisa.
Sasamahan kita.
Saan man magpunta.
Ika’y mahalaga.
Sa aking mga mata.
Minamahal kita.
Minamahal kita.

Tinawag kita sa iyong pangalan.
Ikaw ay Akin magpakailanman.
Ako ang Panginoon mo at Diyos.
Tagapagligtas mo at tagatubos.

(repeat chorus)

Sa tubig kita sasagipin.
Sa apoy ililigtas man din.
Ako ang Panginoon mo at Diyos.
Tagapagligtas mo at tagatubos.

(repeat chorus)


Pagpalain nawa kayo lagi ng ating Panginoong Diyos at lagi nyo sanang damahin ang presensiya ng ating Panginoon Diyos.

Maraming Salamat po sa Inyo! Mahal ko po kayong lahat ;)

privacy
Share and Enjoy: These icons link to social bookmarking sites where readers can share and discover new web pages.
  • Print
  • Digg
  • Sphinn
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Mixx
  • Google
  • Blogosphere News
  • LinkedIn
  • Reddit
  • RSS
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • Tumblr
  • Twitter
  • Twitthis
  • Yahoo! Bookmarks
  • YahooBuzz
  • Bloglines
  • Ask
  • blogmarks
  • MyShare
  • MySpace
  • Netscape
  • VoteForIt
  • YahooMyWeb
mail

Umaasa Ka Ba?

Minsan natutuwa ako kapag naiisip ko na ang ating katawan ay may kakayahan kusang pagalingin ang mga sugat na aking nakukuha sa aking pang araw-araw na gawain.

Ang kusang paggaling ng ating sugat sa ating katawan pati na rin sa ating mga puso at isip ay may kaugnayan sa antas ng ating “pag-asa.” Tulad na lang ng, kapag ang aking daliri ay nahiwa, ako ay umaasa na ito ay gagaling din sa takdang araw dahil ito ay, naranasan ko na sa mga nakaraan pangyayari.

Ngunit noong ako ay bata pa, kapag ako ay nahiwa o nasugatan, kaagad akong matatakot at tatawagin ko ang aking nanay. Magiging kalmado lamang ako kapag nakita ko ng ginagamot ang aking sugat, kasabay na rin ng pagsasabing “gagaling din ‘yan.” Habang tayo ay nagkaka-edad hindi nanatin kailangan ng mga salitang pampalakas loob kapag tayo ay nasusugatan, dahil tayo ay umaasa na ito ay gagaling din, base sa ating mga karanasan.

Totoo, na ang sakit na kanser ay mas sersyoso kaysa sa maliit na sugat sa ating katawan, ngunit ang papel ng “pag-asa” ay wala rin pinag-iba. Kung wala ito, ang paggaling sa lalong madaling panahon ay nauudlot. At minsan, kung talagang nawawala na ang pag-asa ng isang tao, ito ay nauuwi sa ……..

Kapag ang isang pag-iibigan ng dalawang mag kasintahan ay nawalan na ng pag-asa, hindi magtatagal ito ay maglalaho na ng tuluyan. Kapag ang relasyon ng anak at magulang ay nawalan ng pag-asa, mawawala na rin ang pagpapatawad at pang unawa sa isa’t isa. Ang isang empleyadong nawalan na ng pag-asang siya ay mabibigyan ng karagdagang sahod at benepisyo ay, hindi magtatagal ay aalis sa kumpanya para maghanap ng iba. Ang kawalan ng pag-asa ay nagdudulot ng kalungkutan, kabiguan at minsan ay…….

Ngayong tayong lahat ay nasa wastong pag-iisip na, hindi nanatin kailangan mag-alala sa anumang sugat at sakit na ating mararanasan sa ating buhay, ito man ay sa puso, sa isip at sa ating katawan, dahil ito ay kusa ring maghihilom dahil tayo ay umaasa na ito ay gagaling din sa takdang araw.

Ama Namin, tulungan mo (ako)kaming umasa at palibutan mo kami ng mga taong magbibigay sa amin ng pag-asa. Tulungan mo kaming tanggapin ang mga masasamang balitang darating sa aming buhay. Lunasan Mo po ang aming nararamdaman. Kami po ay nanalangin, hindi sa aming kapakanan kungdi sa kapakanan ng mga nakakarami at Sa Iyong kapakanan. Umaasa lagi ako sa Iyong walang hanggan pagmamahal.
salamat po.

Share and Enjoy: These icons link to social bookmarking sites where readers can share and discover new web pages.
  • Print
  • Digg
  • Sphinn
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Mixx
  • Google
  • Blogosphere News
  • LinkedIn
  • Reddit
  • RSS
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • Tumblr
  • Twitter
  • Twitthis
  • Yahoo! Bookmarks
  • YahooBuzz
  • Bloglines
  • Ask
  • blogmarks
  • MyShare
  • MySpace
  • Netscape
  • VoteForIt
  • YahooMyWeb
marketing

Sulat ng Isang Kaibigan

Kcat: Paano nyo malalaman na natatawa ako?
Aling Madge: Eh di sabihin mo.. Ha..Ha..Ha! (literal)

Kcat: Paano nyo naman malalaman na umiiyak ako?
Aling Madge: Eh di sabihin mo na.. Hu..Hu..Hu! (literal)
Kcat: Ay! ‘wag na lang, baka matawa pa kayo eh!


Mahal kong kaibigan,

Ang paskil na ito ay inahahandog ko sa’yo. Kung maaari lang sanang iwasiwas sayo ang patpat na may mahika para ikaw ay gumaling sayong karamdaman, ay gagawin ko. Gusto ko sanang malaman mo na ikaw ay nagsisilbing inspirasyon sa akin at sa marami pa. Marami akong natutunan sayong mga aral sa sandaling panahon ng ating pagkakakilala.

Eto sila:
1. Ang buhay ay mahalaga. Huwag balewain ang bawat araw.
2. Ang mga mabubuting kaibigan ay maasaahan sa oras ng pagsubok.
3. Kailangan natin minsan makaramdam ng “kirot” sa ating buhay.
4. Anuman ang pinagdadaanang natin sa ating buhay marapat na lagi tayong positibo sa hinaharap.
5. Ang pagpapatawad ay nagdadala ng pag-asa para sa isang bago at maayos na buhay.
6. Ang mga sakit na walang lunas ay nagbubunyag sa tunay na ugali ng isang tao.
7. Ang pag-iisa minsan ay kasama sa ating buhay.
8. Ang lahat ng nangyayari sa ating buhay ay may dahilan.
9. Ang maunawaan minsan ang mga kapamilya, kaibigan at mahal sa buhay;  na sila rin ay mahina, nagkakamali at minsan ay hindi mo maaasahan sa oras na sila ay kailanganin mo…dahil sila ay tao rin katulad natin.
10.Ang pagmamahal ang pinaka mahalaga sa ating buhay.
11. At ang pinaka importante ay.. Magtiwala lagi sa pagmamahal ng ating Diyos ng walang alinlangan.

Hindi ko lubos maisip kung gaano ka kalungkot ng iyong malaman ang iyong sakit. Bigla, ang iyong mundo ay biglang bumaligtad. Ang iyong mga pangarap sa iyong sarili at sayong pamilya ay biglang tumigil. Ang iyong buhay ay pansamantalang huminto sa panahon na ‘yon.

Ngunit, sa paglipas ng mga araw, ang iyong sakit ay iyong tinanggap. Tinuon mo ang iyong isip na labanan ang iyong karamdaman kahit na alam mong maliit lang ang pag-asa. Tinanggap mo sa iyong sarili ang mga hindi mo na kayang gawin dahil sayong sakit, at mas binigyan mo ng importansiya ang iyong makakayang gawin. Kahanga-hanga ka.

Ikaw ay aking kaibigan. Wala man akong masyadong maitutulong sayo pagdating sa materyal na bagay, ngunit narito ako lagi para samahan ka sa iyong pinagdaraanan. Hindi man kita masyadong kilala pero kung ikaw ay maysakit na kumukuha ng buhay, palagi kitang mauunawaan sayong nararamdaman, dahil ikaw ay kaibigan ko. Alam ko, minsan may panahong gusto mo ng sumuko, kapag ang iyong nilalakarang daan ay dinadala ka lang sa kawalan at pagsuko. Piliin mo pa rin lumaban. Huwag mong hayaan kontrolin ka ng iyong karamdaman. Ipagpatuloy mo pa rin ang iyong paglalakad, kung ikaw ay maiwan, hihintayin kita. Kung ako naman ang maiwan, pakihintay ako.

Kahanga-hanga ang iyong pagtitiwala sa Kanya. Ang walang hanggang pag-ibig ng ating Diyos ay mararamdaman sayo.

Salamat sa inspirayon,
Kuya Sandi

Share and Enjoy: These icons link to social bookmarking sites where readers can share and discover new web pages.
  • Print
  • Digg
  • Sphinn
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Mixx
  • Google
  • Blogosphere News
  • LinkedIn
  • Reddit
  • RSS
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • Tumblr
  • Twitter
  • Twitthis
  • Yahoo! Bookmarks
  • YahooBuzz
  • Bloglines
  • Ask
  • blogmarks
  • MyShare
  • MySpace
  • Netscape
  • VoteForIt
  • YahooMyWeb
tools

Pagbuhos ng Ulan

Mula sa sinasakyang traysikel, pinagmamasdan ni Andoy ang pagbuhos ng ulan. Wala siyang ibang naririnig kundi ang ingay ng motorsiklo at ingay ng patak ng ulan na para bang isang awiting masarap pakinggan. Bigla ay, sumagi sa kanyang isip ang winika nya sa isang kaibigan nung hayskul ng sila ay muling nagkita.

Andoy: Kamusta?
Kaibigan: Eto ayos lang at may sarili ng pamilya!
Andoy: Nakakatuwa naman.. doktor ka na pala?
Kaibigan: Ah hindi pa.. pero malapit na!
Andoy: pediatrician ka ba kapag ikaw ay natapos?
Kaibigan: pinag-iisipan ko pa.. pwedeng pedia, espesyalista sa puso o neuro.
Andoy: Ganun ba.. pwede bang sa neuro ka na lang?
Kaibigan: Bakit naman.. maysakit ka ba dito?
Andoy: Wala naman! Gusto ka lang may mapagtanungan… balak ko kasing maglingkod sa mga taong maysakit na may kaugnayan dito.

Nangingiti si Andoy ng maalala ito, habang nakasakay pa rin sa traysikel.

Palagi nyang tinatanong ang sarili kung kailan, paano nya uumpisahan ang pangarap at saan siya kukuha ng pera para pangtulong sa kanila ngunit, habang bumubuhos ang malakas na ulan, naisip nyang, siya pala ay unti-unti ng humakbang ng hindi nya namamalayan. “ako pala ay nagsisimula na” wika ni Andoy.

Tumigil siya sandali sa pag-iisip at binaling ang isip sa Panginoon.
“salamat po sa lahat ng biyayang aking tinatanggap at paumanhin kapag ako ay nakakalimot magpasalamt sayo sa mga mumunitng bagay na iyong binibigay.” bulong nya sa Panginoon.

Bigla ay pinatigil ni Andoy ang traysikel, na isang kilometro na lang sa kanyang bahay. “Dito na lang po ako.. eto po ang bayad”. wika ni Andoy.
“po? pero malapit na po tayo..mababasa po kayo kapag kayo ay bumaba” wika ng drayber ng traysikel kay Andoy.
“Ayos lang ‘yon! eto ang bayad..salamat.” wika ni Andoy sa drayber.

Bumaba si Andoy ng traysikel at tumayo sa malakas na buhos ng ulan. Tuwang tuwa siya habang unti-unting nababasa ang kanyang buhok.. ang kanyang mukha at hindi nagtagal ay kanyang katawan. Nagtatakang pinagmamasdan siya ng ibang tao habang naglalakad patungo sa kanyang bahay. Ang kay Andoy ay, natutuwa na ang pangarap ay unti- unting lumilinaw at damahin ang binubuhos na pagmamahal ng Panginoon sa kanyang buhay.

Hingin nyo rin sa ating Panginoon na ulanan ang inyong buhay ng Kanyang pagmamahal. ;)

Share and Enjoy: These icons link to social bookmarking sites where readers can share and discover new web pages.
  • Print
  • Digg
  • Sphinn
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Mixx
  • Google
  • Blogosphere News
  • LinkedIn
  • Reddit
  • RSS
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • Tumblr
  • Twitter
  • Twitthis
  • Yahoo! Bookmarks
  • YahooBuzz
  • Bloglines
  • Ask
  • blogmarks
  • MyShare
  • MySpace
  • Netscape
  • VoteForIt
  • YahooMyWeb

I Can!

karugtong ng “ang pagtatagpo”..

Sa ilang oras na aking pagtigil sa kanilang bahay, tanging si Aling Madge lamang ang nagsasalita, nakatingin lamang siya sa amin habang kami ay nag-uusap lalo na sa pagbuka ng bibig ng kanyang mahal na ina. Ang aming pag-uusap ay hindi nya naririnig, kahit sa paglakad ay hirap siya, hirap din siyang lumunok, tumawa at lumuha dahil sa sakit na Neurofibromatosis type 2 o NF2, na sanhi ng mga tumor sa kanyang utak at spinal cord. Sa kabila ng kanyang kalagayan hindi ito ang naging dahilan para sumuko siya at maghintay na lang na kaawaan siya ng iba.
Bagkus ang kanyang wika ay “I Can hear! Ang aking tinutukoy ay si Ms. Kathrina Yarza a.k.a. Kcat.

Hindi naglaon, dahil sa kanyang sariling pagsisikap, inilunsad nya ang buy a tshirt campaign para sa kanyang proyektong “hEAR” (help me hear), kung saan ang desinyo ay siya mismo ang gumawa. Sa tulong ng kanyang pamilya, mga kaibigan, kamag-anak at ang mga site na unang nagkalat ng balita sa cyberspace.. pinoy ambisyoso ang napaka- imposibleng halaga ay kanilang naipon at sa tulong na rin ng mga donasyon galing sa ibat-ibang tao na kahit hindi nila kakilala ay nag-aabot para tumulong.

Ang proyekto ay kumalat at umabot sa mga kilalang media programs na nito ko lang nalaman dahil sa kwento ng kanyang Ina. Ang Studio 23 News Central at ang Probe Team ay tumugon sa kanyang panawagan, at kamakailan lamang ang programang Chances Are ng qtv 11 ay nakuha nya ang atensyon dahil naman sa kanyang pinakikitang matibay na pagtitiwala na siya ay gagaling sa tulong ng Panginoong Diyos, ang dakilang mangagamot.

Ang kanyang katapangan, determinasyon at pag-asa na balang araw ay gagaling din siya ang nagdala sa kanya ng isang kadakidakilang buhay ngayon, ang maging inspirasyon sa kanyang kapwa may maysakit, sa kanyang pamilya, sa ibang tao. click

Ito ang katangian ikinahanaga ko kay Kcat, na sa kabila ng lahat ay buo ang kanyang pananalig na siya ay muling makakarinig at magagawa ang nais nya katulad ng sa isang normal na tao.

Kcat, Yes, you can! Maraming Salamat sa inspirasyong iyong binabahagi.

Ang video sa ibaba ay nilikha mismo ni Kcat, ang awit ay kinompos ni Mr. Armin Cruz ng Kamalayang Kalayaan at inawit ni Joel Tangunan.

[youtube=http://www.youtube.com/watch?v=GXBuxAZAzXQ]

Dyan po nagtatapos ang aking EB ‘wento..’sensya na nga pala, hindi na ako nakakuha ng pechurs :)

p.s.
Bili po kayo ng kanyang Tshirt para matulungan siya sa kanyang mabilis na paggaling. Kung may mga kulang o koreksyon sa aking paskil, pakisabi nyo na lang po sa akin dahil alam kong hindi lahat ay aking naisulat.

salamat

privacy
Share and Enjoy: These icons link to social bookmarking sites where readers can share and discover new web pages.
  • Print
  • Digg
  • Sphinn
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Mixx
  • Google
  • Blogosphere News
  • LinkedIn
  • Reddit
  • RSS
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • Tumblr
  • Twitter
  • Twitthis
  • Yahoo! Bookmarks
  • YahooBuzz
  • Bloglines
  • Ask
  • blogmarks
  • MyShare
  • MySpace
  • Netscape
  • VoteForIt
  • YahooMyWeb
mail