ito po ay repost entry: orihinal na nilathala noong April 15, 2009.
Maganda ang panahon, Banayad lamang ang ihip ng hangin.
Isang araw, may isang batang naisipang gumawa ng saranggola. Kumuha siya ng lumang dyaryo, naghanap ng pira-pirasong kawayan, mahabang pisi atsaka niya binuo kung ano man ang nasa isip niyang itsura ng kanyang saranggola.
Sa kanyang kamay ay hawak niya ang pisi at kanyang ginawang saranggola, Dahan-dahan siyang tumakbo, habang ang kanyang saranggola ay unti-unti namang tumataas, ito ay tumaas ng tumaas. Pinalagwa pa niya ang pisi at ang saranggola ay umiindayog na para bang nagsasayaw sa kalawakan. Ito ay minsan lumiliko, nagpapaikot-ikot, biglang bumababa at babalik muli sa kanyang dating puwesto, pero madalas ito ay sumusunod sa ihip ng hangin.
Ang mukha ng bata ay napakasaya, may konting pagmamayabang sa kanyang nagawa. Hari ng kalawakan ang kanyang turing sa sarili habang minamaneho ang galaw ng saranggola. Minsan, nilalagwahan ang pisi pero minsan ito rin ay kanyang pinapaiksi. Sinasabayan ang takbo ng ihip ng hangin.
Sa hindi kalayuan, may binatilyong nakatambay ang nakamasid sa saranggola, pinagmamasdan ang matayog na lipad nito, ang mga nagagawa nito sa itaas. Sa kanyang panonood, may pumasok sa kanyang isipan, “dapat siguro ay gumawa ako ng aking saranggola, at paliparin ito katulad ng sa iba. Ang palayain ito sa kalawakan at hayaang itong sumunod sa ihip ng hangin..sa hangin ng buhay. Ang maging bata muli, at paliparin ito katulad ng kanilang ginagawa.”
Ang kuwentong ito ay muling nilagay bilang pagsali at pagsuporta sa ginaganap na “Saranggola blog awards ni Blue ng Hibang. Sali na rin po kayo!
Alintuntunin sa pagbibigay ng puna para sa Bloggers Choice:
- ito yung magkakamit ng may pinakaraming comment
- hindi kasama sa bibilangin ang naulit na puna o comment at sariling comment
- tanging bago o unique comment lang ang bibilanganin.
- Ang mga puna na papasok hanggang sa ika 31 ng Agosto 11:59PM, oras sa Pilipinas lamang ang bibilangin