Busina rito…busina roon! Walang tigil si mamang driver at konduktor sa pag-iingay para sila ay mauna sa jeepney/bus stop at mapansin ng mga pasaherong nag-aabang ng sasakyan. “Maghintay ka, nauna ko rito!” sagot ng na unang driver. Ganito madalas ang eksenang mapapansin natin kapag tayo ay nasa mataong lugar ng Metro Manila. May ordinansa ba tayo para sa noise pollution? Ang malabis na ingay na ating naririnig ay hindi maganda sa ating kalusugan.
May mga eksena rin sa ating trabaho na tayo ay nagmamadali at naghahabol sa deadline…walang tigil na follow up.
“Hindi pa ba tapos ang project na pinagagawa ko? Naku lagot na ako nyan sa customer”
“Nasaan na iyong report na pinagagawa sa akin ni Boss? pinasusubmit na sa akin mamaya”
“Dumating na ba iyong nirequest ko? Ang tagal naman..bakit wala pa?”
Sa ating buhay, kailangan din nating makaramdam ng katahimikan, maging mahinahon at maghintay.
Katulad ng nakasulat sa Psalm 46: “Be still and know that I am God.”
Napakaraming kahulugan sa wikang Filipino ng salitang “Be still”, para sa akin, pwedeng ang kahulugan nito
ay tumahimik, huminahon, huwag kumilos, manatili at mag-hintay. Alin man dito ay may dala-dalang tulong sa ating mga nagmamadali, naguguluhan sa ating buhay,
Sa mga may problema sa pamilya at pinansyal.
Ang wika ng Kaibigan kay Andoy sa panaginip:
Ipanatag mo ang iyong isipan at magtiwala ka sa Akin. Ako ang bahala sa lahat ng mga ito. Gagawin ko ang lahat para sa iyong kabutihan
kung magtitiwala ka lamang sa akin.
Minsan, nasosobrahan tayo sa pagsasalita. Ang gusto natin ay masabi nating lahat sa Kanya ng isang upuan lamang ang ating mga problema, ang lahat ng ating
Kailangan, ang lahat ng taong maysakit at naguguluhan na pinangakuan nating ipagdarasal.
Sa pagpapatuloy ng panaginip ni Andoy, nagwika sa kanya ang Kaibigan.
Ang lahat ng mga gusto mong sabihin sa Akin ay alam ko na bago pa ito bigkasin ng iyong bibig. Tama ka, gusto kong dalhin mo lahat sa Akin ang lahat ng iyong pasanin, dahil Ako na rin ang nagsabi sa inyong Ipaubaya nyo lahat sa akin ang inyong pasan at alalayan ko kayo (salmo 55:23). Pero kailangan bang sa isang upuan lamang? Bakit hindi ka huminahon..ipanatag ang iyong isipan at makinig sa Akin para maiba naman. Magtiwala ka..at pakinggan ang aking sasabihin na kailangan mong marinig.
May pagkakaton na tayo ay nanghihina at nawawalan ng tiwala sa sarili. Ang mga maling gawang pilit nating inaalis ay inuulit lamang nating gawin. Ang pangako at New Years Resoulution natin ay hindi naman nating natutupad. Parang walang pagbabago at paglago ang ating buhay. Nagiging mareklamo tayo sa lahat ng paghihirap na dumarating sa ating buhay.
Muli, ang wika ng Kaibigan kay Andoy…
huminahon ka, tumahimik at maghintay. Sa ganitong pagkakataon ng inyong buhay kayo lumalago at nagbabago. Kapit ka lang… hindi mo pa siguro ito mararamdaman o makikita, pero Ako ay kumikilos sa iyong buhay. Ang mga maliliit na krus na Aking binibigay sa iyo ay hindi ordinaryong krus na pinulot ko lamang sa tabi-tabi. Walang kabuluhan at saysay ang mga krus na ito sa ibang tao dahil ito ay sadyang pinagawa ko para sa iyo lamang. Para makatulong sa iyong paglago at araw-araw na buhay. Pero kung ang lahat ng aking ginagawang pagtulong ay hindi mo papansinin at tatangapin, ang lahat ng ito mawawalan ng halaga. Kaya, huminahon ka at tanggapin lahat ang binibigay Ko sa iyo.Palagi mo sanang tandaan kaibigan, Ako ang Diyos, hindi ikaw. Ako ang magtatama ng lahat ng mga pagkakamali sa iyo.
Itinuro sa ating lahat na ang salita ng Diyos ay “tanglaw sa ating paa at liwanag sa ating daraanan.”(salmo 119:105),
Tanging ang Diyos lamang ang palaging may naka handang kasagutan sa bawat pangyayari sa ating buhay, mula sa mga taong maysakit,
Problemang pinansyal at pamilya, at hanggang sa mga araw na hindi tayo makatulog.
Shhhh….Be still! ![]()






















Kaya nga nauuso ang mga instant ngayon e…
Gusto kasi ng tao sumabay sa ever cganging world… Hehe
Gusto nila lahat fast….
Well, may mga bagay pa rin kasi sa mundo na hindi nadadaan dun…
Kailangan pa rin kasing maghintay…
Ika nga…
Patience is a virtue…
(Quote)
agree ako sa iyong sinabi Lionheart..
welcome sa aking site
(Quote)
when i was younger, i can wait until forever for unanswered prayers. that is back then, while growing up, i have this attitude that i could no longer wait for things to happen.
is there something wrong with me? i can’t explain myself thoroughly.. but it’s as if i am on a rush.. realizing that later i might not be breathing any more.
also, i know there is indelible division between ‘waiting for things to happen’ and ‘waiting for the right moment.’
sometimes, i can’t distinguished between the two.. in all honesty, i do not know what is the right moment and i do not know until when should i wait..
i have lots of questions kuya Sandi..
hindi ko alam kung saang aspeto ng buhay ko dapat maghintay.
(Quote)
My dearest Ax,
Hi!
right moment?
katulad ng inang naghintay ng 9 buwan bago niya maisilang ang kanyang sanggol na dinadala… katulad din ng mga palay na kinakailangan hintayin ang takdang araw bago anihin..
waiting takes a lot of patience… sometime it takes months.. sometimes it takes years or decades and sometimes we have to wait for the rest of our lives..
hayaan mo gawa ako ng isang post tungkol dito..be still
Isang maginhawang araw sa iyo!
(Quote)
ah, sige kuya Sandi, i’ll sure to read your post about ‘waiting.’ everyday, there is a room for enlightenment!
i’ll be still.
i know, waiting will give me wisdom.
(Quote)
tama, paminsan kasi nagmamadali tayo. Di natin inaappreciate yung mga simpleng bagay na inihanda para sa atin ng diyos. Kailangan ay magtiwala tayo sa kanya na ang bawat araw ay may kabuluhan. THank you sa pagshare po nito
(Quote)
walang anuman Jen!
Isang magandang araw sa iyo!
(Quote)
ang ganda ng mensahe ng post mong ito ka sandi.
napatunayan ko rin na malaki ang magagawa sa buhay natin kapag nadevelop yong ‘patience’. matutong maghintay dahil hindi naman Nya tayo pababayaan.
isang magandang araw.
(Quote)
Yes, totoo yan Eli, hindi Niya tayo pababayaan
Isang magandang araw rin sa iyo
(Quote)
uhmmm ehhh cge na nga…
<–magdodrawing na lang ako…
(Quote)
Hi,
wow… magaling ka bang magdrawing joy?
(Quote)
natahimik din ako dito hehe..
namiss ko ang pasig..
(Quote)
Hi Lovely!
musta ka na?
(Quote)
Naku mukhang sakto ang message na to… i need to be still sa work ko. Hay layp!
(Quote)
Magandang araw sa iyo!
buhay parang life..hehe
(Quote)
be still…
for i am here!
be calm
for i hold your hand!
be still
for i am speaking to you!
be still
for I am still!
(Quote)
Wow… nakagawa ka na kaagad ng tula kuya blu, ang ganda!
akin na lang ha?
magandang araw!
(Quote)