Kung ating pagmamasdan ang mga Estero natin ngayon, mapapansin natin na ang tubig ay punong-puno ng basura, hindi umaagos at kulay itim o malabo. Kung atin pang lalapitan, hindi natin makita kung may buhay sa ilalim. Kung sisirin ang loob at titignan ang ibabaw habang nasa loob ng tubig mahirap makita ang nasa labas dahil sa kalabuan.
Kung atin naman pagmamasdan ang malinaw na tubig, madaling makita ang buhay sa loob at madali rin makita ang buhay sa labas ng tubig dahil sa liwanag.
Ang tubig sa Estero at ang tubig na malinaw ay maikukumpara natin sa ating mga sarili, ang relasyon natin sa Diyos, ang ating pakikitungo sa ating kapamilya, kapuso,kaibigan at madlang people.
Ang pagkatao ng isang taong “self-centered” ay makukumpara sa tubig sa estero, walang pinakikinggan at pinaniniwalaan kundi ang kanilang sarili. Hindi nila napapansin ang kanilang kamalian ginagawa…palaging sila ang tama. Walang pakialam sa mga nangyayari sa kanyang paligid at sa pangangailangan ng iba. Ang kanyang mundo ay umiikot lamang sa kanyang sarili…dahil madilim…walang liwanag na pumapasok sa kanya.
Samantalang ang pagkatao ng isang Christ centered, family at people centered person ay mahahambing sa isang malinaw na tubig. Kapag nasinagan ng liwanag may kakaibang kislap na makikita sa kanyang pagkatao. Hindi mayabang, mapag kalinga at sensitibo sa kanyang pamilya, kaibigan at ibang tao. Madali niyang nakikita ang kanyang kahinaan at kamalian dahil sa malinaw…may liwanag na pumapasok sa kanya.
![]()
Isang Maginhawang Araw!






















