Sa tatlong taong magkasunod, tumanggap nanaman si Noel ng parangal bilang best broadcast news anchor. Empleyado ng ABMA broadcasting company sa loob ng labinglimang taon, nag-umpisa at nagsumikap sa kanyang trabaho bilang isang reporter, mula sa mga mahihirap na assignments hanggang sa maabot niya ang kanyang estado ngayon, isang kilalang news anchor. Saan man siya magpunta, hindi pwedeng walang makakakilala sa kanya at walang babati dahil sa kanyang natatangap na parangal.
Pinipilit ni Noel na huwag ipasok sa kanyang ulo ang kasikatang kanyang tinatamasa ngayon, pero minsan mahirap gawin. Halos lahat ng kanyang mga kasama sa trabaho ay nagsusumikap para makamit ang kasikatan at pagkilala sa kanilang propesyon, at hindi sila nagdadalawang-isip na maka-apak ng iba para ma-una lang. Kahit na si Noel ay biktima ng mga ganitong pangyayari, ang minsan ay ikaw ay apakan at tirahin kapag ikaw ay naka-talikod ng mga taong itinuring mong kaibigan. Araw-araw palagi siyang nanalangin at humihingi ng tulong na siya ay turuang manatiling maging mapagkumbaba.
Ginawa ni Noel na maging iba ang kanyang pananaw sa buhay sa paglilingkod sa mga batang maysakit sa ospital ng kanilang lugar. Ang kanyang naramdaman at nakikita sa mga batang maysakit na nakakaranas ng paghihirap at dagok sa kanilang buhay, ang nagsisilbing kanyang gabay para makita ang lahat ng bagay. Ang katapangan at pag-asang pinakikita ng mga bata ay nagsisilbing inpirasyon sa kanya, at minsan naiisip niyang humingi ng kanilang mga autograph.
Isang hapon, habang siya ay pumapasok sa kuwarto ng mga bata, may isang bagong pasyente ang nagwika sa kanya, “di ba sikat ka”?
“Hmmm..hindi naman!” wika ni Noel.
“Alam ko sikat ka,” ang pilit ng batang lalaki. “Maraming nagkukwento sa akin dito na ikaw ay magaling sa larong chess. Pwede bang maka-laro kita?”
“Sige, sige laro tayo!” wika ni Noel. Habang humihila ng dalawang silya at lamesa, winika niya sa kanyang isipan, maraming salamat po Panginoon, sa pagtuturo mo sa akin kung ano ang mahalaga at makapagpapa-saya sa iyong kalooban.




















ang katanyagan para sa akin ay may kaakibat na pagiging responsable. kase kapag tanyag ka madaming nakakakilala at pumapansain sa bawat galaw kaya naman dapat maging modelo.
(Quote)
sana lang lahat ng mga nakakaangat e ganyan ang attitude. Napakabless niya para makita ang tunay na mahalaga para sa kanya.. whew nice story po.
(Quote)
Hello po just visiting. Sipag at tiyaga, yan ang mga napakahalagang elemento ng tagumpay.
(Quote)
Salamat sa pagbisita at welcome Rocky sa bahay ng ang tanging yaman
(Quote)
helo kuya sandi…
nice story you got here… very inspiring…
(Quote)
Hi Yhen,
Maraming salamat
(Quote)
Manny-like ang kanyang humility…Thanks Kuya Sandi (29 lang po ako hehe)…
(Quote)
kahanga-hanga nga ang ating pambansang kamao.. andun pa rin ang kanyang kapakumbabaan..at pagtitiwala sa Diyos.
(Quote)
that too is what i like best in him. kaso lang sana wag na siyang magcongressman!
(Quote)
agree ako sa’yo PM
(Quote)
inspiring.
ang ganda ng dasal nya.
(Quote)
Hi Naleyn! namiss kita
(Quote)
aww. namiss din kita Kuya. hehe.
(Quote)
Perfect example of humility. Thanks for sharing Kuya Sandi!
(Quote)
walang anuman joycee
(Quote)
lessons in humility…..
(Quote)
apir
(Quote)
aba, salamat naman at nasa sidebar mo ang our lady of guadalupe…the other day, may dinasalan akong babae na nagpa-abort at na-poison. mga friends lang niya kasama. kawawang girl. 21 years old pa. pinagdasal ko siya sa lady of guadalupe…
(Quote)
father, nakakalungkot naman yung nangyari sa girl,sigurado ako na diringgin ang iyong dasal sa our lady..
with prayer po,
(Quote)
its always refreshing para sa akin pag bumibisita ako dito sa bahay mo kuya sandi. napasmile ako sa sinabi ng bata….
(Quote)
salamat father!
apir tayo dyan fr., minsan kasi napapa ngiti rin ako kapag naalala ko ang kwento ito
(Quote)
nice story..
kamusta naman si daniel kuya hehe..
(Quote)
salamat Lovely! ayos lang siya..kakain na raw siya ng hapunan..
(Quote)
(Quote)
kaya mo iyan…ikaw pa
(Quote)
di po siguro mainitin ulo ko ahehe
(Quote)
ganda ng story. sikat sya sa mga bata hindi dahil sa trabaho nyo kundi dahil sa pakikitungo nya sa mga to.
galing mo. kakatats.
(Quote)
salamat
(Quote)
Ang tunay na katanyagan ay dapat laging kaakibat ng pagpapakumbaba para lalong makamit ang mga pangarap.
Base!
(Quote)
Oo nga base ka at welcome sa aking site
(Quote)