Panalangin 2

Sa tuwing tayo’y nakikipag-usap sa ating mga kaibigan para bang ang oras ay hindi nating namamalayang lumilipas. Ganito rin ang gusto ng ating Diyos tuwing tayo ay nakikipag-usap sa Kanya, ang ituring Siyang hindi iba sa atin, ang ituring Siyang bilang kaibigan, hinahangad Niya na katulad din ng pakikipag-usap natin sa ating mga mahal sa buhay, kaibigan saan man lugar at anumang oras nating silang nakita. Ang panalangin ay pakikipag-usap, hindi pagsasalita na para bang wala kang kausap.

Ang pakikinig ay nangangailangan ng pagsasanay, lalo na ang pakikinig sa sinasabi ng ating Diyos.  Sa ating pakikipag-usap sa Kanya, kailangan mong maupo katulad ng pag-upo mo kapag alam mong matagal kayong mag-uusap na iyong kaibigan. Isalarawan mong katabi mo sa iyong upuan si Hesus. Sabihin mo lahat sa Kanya ang iyong nararamdaman, ang iyong inaasahan, ang iyong takot, pangarap, mga katanungan gumugulo sa iyong isipan, ilabas mo lahat ang iyong saloobin. Pwede kang umiyak, tumawa, mag-biro, isandal sa Kanyang balikat ang iyong ulo. Ipanatag mo ang iyong sarili sa piling ng ating Diyos at pakinggan ang anumang sasabihin Niya sa pamamagitan ng iyong puso. Kahit na wala kang marinig, damahin mo pa rin ang katahimikan sa piling Niya.

Maging bukas ang ating puso at isipan sa ibat-ibang paraang pwedeng sagutin ang ating panalangin. Ito man ay sa pamamagitan ng panonood ng tv, sa pagbabasa ng libro, sa ating mahal sa buhay, kaibigan, makakasalubong sa daan, sa ating pakikipag-usap sa ibang tao, isang pangyayari, salita sa biblia, at kahit na sa mumunting paraan ay pwedeng sagutin ang ating panalangin. Hindi man Niya tayo sagutin sa pamamagitan ng malakas na tinig, kungdi ng isang maliit na boses, siguruhin nating tayo ay nakikinig sa Kanyang sinasabi sa atin. Habang ikaw ay nakikinig, matutunan mong kung papaano mapalapit sa Diyos, isang pagtatagpong magbibigay kasiyahan sa matagal ng hinahangad ng iyong puso.

signature sandi
Share and Enjoy: These icons link to social bookmarking sites where readers can share and discover new web pages.
  • Print
  • Digg
  • Sphinn
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Mixx
  • Google
  • Blogosphere News
  • LinkedIn
  • Reddit
  • RSS
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • Tumblr
  • Twitter
  • Twitthis
  • Yahoo! Bookmarks
  • YahooBuzz
  • Bloglines
  • Ask
  • blogmarks
  • MyShare
  • MySpace
  • Netscape
  • VoteForIt
  • YahooMyWeb

12 Responses

Write a Comment»
  1. Ax

    Hi po Kuya Sandi. Thanks ulit sa prayers and sa advises in this post. Listening is one essential factors for us to understand more. Listen to ourselves. To the Great Wisdom of The Divine. Listen to our parents. Listen to the call of Humanity. Listen to Nature.

    Prayers is indeed a powerful tool and God listens to us. We should indeed learn to listen to those who are in need.

    Kuya Sandi, ngayon lang ako nakadalaw. Last time na dumadalaw ako rito, hindi po ako makapasok. Baka po sa browser lang. Magandang umaga.  

    (Quote)

    1. Yes Ax, palagi tayong makinig sa Kanyang sinasabi, Sa katahimikan ng ating puso at isip doon Siya nagsasalita sa atin.

      Ax: Prayers is indeed a powerful tool and God listens to us.We should indeed learn to listen to those who are in need.

      para ngang mabagal ang site ko eh… hayaan mo mahuhuli ko rin ang problema. salamat   

      (Quote)

  2. amen to that…

    it’s always a refreshing experience para sa akin ang pagpunta sa site mo sandy…  

    (Quote)

  3. Sa totoo lang siya lang lagi ko kinakausap lalong lalo na kapag may problema ako… hindi SIYA nagsasalita pero alam ko nakikinig SIYa lage sa akin… minsan alam ko may mga hinihingi ako sa kanya na hindi NIYA ibinibigay, minsan nakakatampo pero alam ko iyon ay para sa ikabubuti ko…  

    (Quote)

    1. natural lang magtampo sa Kanya, ganun talaga kapag kaibigan ang turing mo sa Kanya.

      Subukang mo ring tumahimik sa iyong pagdarasal katulad ng aking sinulat at pakinggan baka may sinasabi Siya sa iyo…o sa ibang paraan Siya sumagot   

      (Quote)

  4. galing naman sandi…..mairekomenda nga sa mga naghahanap ng paraan para manalangin…  

    (Quote)

  5. Beys nga hihi.

    Agree ako jan Kuya. God talks to us in soo many ways, we just have to listen carefully kase baka hinde naten napapansin na kinakausap na pala Nya tayo.  

    (Quote)

Leave a Comment

Your email is never published nor shared.

(required)
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_bye.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_good.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_negative.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_scratch.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_wacko.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_yahoo.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_cool.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_heart.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_rose.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_smile.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_whistle3.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_yes.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_cry.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_mail.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_sad.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_unsure.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_wink.gif