Liwanag-Kadiliman

Minsan may isang istorya ng isang lalaki, kung saan ang kanyang kabataan ay ginugol niya sa mga masasamang bisyo. Ngunit isang gabi, pagkatapos ng isang seminar, ang lahat ay nabago. Minsan, dumadaan siya sa kanyang kaibigan para ipakilala sa kanila kung sino si Hesus, ngunit ang kanyang mga kaibigan ay iniiwasan siya at pinagtatawanan sa kanyang ginagawang kabanalan.

“Sinasabi ko sa inyo” wika ng lalaki, “alam ninyong lahat na ang aking trabaho ay taga-sindi ng ilaw ng poste sa ating siyudad. Kapag oras na para ito ay aking  patayin, ako ay tumitingin sa aking pinanggalingan at nakikita kong ang aking dinaanan ay nababalot ng kadiliman. Ganyan din ang aking nakaraan.”

Sa kanyang pagpapatuloy, “Tumingin ako sa aking harapan at nakita ko ang mahabang linya ng poste na bukas pa ang ilaw at siyang gagabay sa aking paglalakad, ganun din ang nakikita ko ngayon sa aking kinabukasan simula ng matagpuan ko si Hesus.

“Sa iyong patuloy na pag-patay sa ilaw at nakarating ka na sa huling poste, papaano ka na nun, kung ang buong paligid ay nababalot ng kadiliman?” wika ng isang kaibigan.

“Ahhh” tugon ng lalaki, sa pagdating ko sa huling poste ng ilaw, magbubukang-liwayway na at hindi ko na kinakailangan gumamit ng lampara sa pagsapit ng umaga.”

Marami sa atin kasama na ako, ay may kanya-kanyang dala-dalang takot; takot mabigo, tanggihan, pagkawala, kalungkutan, kirot at kabiguan. Ang lahat ng ito ay lumalago sa kadiliman. Ang kadiliman sabi ng mga eksperto ay talinhaga ng maraming bagay; kamatayan, gabi, walang katiyakan at kasamaan– ngunit sa lahat ng mga ito, si Hesus ang magsisilbing ilaw para magbigay liwanag at kaginhawaan.

Kapag ang ilaw ay nagsimula ng mag-liwanag, hindi lang ang kadiliman ang nawawala kungdi pati na rin ang mga takot na nasa ating kalooban ay napapawi. Hindi lang sapat na liwanag na ating kinakailangan ang binibigay sa atin ni Hesus para magpatuloy sa pagtitiwala, kungdi pati na rin ang Kanyang sariling buhay ay Kanyang sinakripisyo.

Katulad ng lalaking taga-sindi ng ilaw ng poste, magtiwala tayong sa pagsapit natin sa huling poste ay sasabihin natin “hindi ko na kailangan gumamit ng lampara sa pagsapit ng umaga.”

Nawa’y ang liwanag ng ating Panginoon ay lagi kayong gabayan!

Isang magandang araw po sa inyong lahat!

signature sandi
Share and Enjoy: These icons link to social bookmarking sites where readers can share and discover new web pages.
  • Print
  • Digg
  • Sphinn
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Mixx
  • Google
  • Blogosphere News
  • LinkedIn
  • Reddit
  • RSS
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • Tumblr
  • Twitter
  • Twitthis
  • Yahoo! Bookmarks
  • YahooBuzz
  • Bloglines
  • Ask
  • blogmarks
  • MyShare
  • MySpace
  • Netscape
  • VoteForIt
  • YahooMyWeb

15 Responses

Write a Comment»
  1. Ang gnda ng story poh…….. i luv it………..just keep it…..  

    (Quote)

  2. Salamat sa pagiging liwanag mo din sa blogospiriyo sa iyong natatanging paraan…  

    (Quote)

  3. Kapatid…. indeed Jesus should be our flicker of light, a light that never fades, a light that fills and can never be contained…

    And a light that never blinds but a light that guides… :)   

    (Quote)

  4. hi kuya ngayon lang nakadaan ulit dito..
    sumilip ako..

    kamusta po sana p sa saranggola awards makasama ka na po hehe..:)
    off topic po ang comment ko hehe..

    tulad po ng comment ni joycee un din po sana ang sasabihin ko hehe..  

    (Quote)

    1. sige lovely, pupunta na lang ako kapag libre.. di muna ako mangako   

      (Quote)

  5. Magandang umaga, Kapatid!
    Happy Feast Day of the Nativity of the Blessed Virgin Mary!

    Thank you for this post, a reminder for all of us to never lose hope.  

    (Quote)

    1. Hapi Feast day din sa iyo Ms. N!

      walang anuman   

      (Quote)

  6. Thanks for this reminder Kuya na wag tayong mawalan ng tiwala kay Lord. Hinding-hindi Niya tayo papabayaan sa dilim.

    God bless you! :)   

    (Quote)

    1. Tama ka Joyce, “hindi-hindi Niya tayo pababayaan sa dilim” dahil Siya ang liwanag ng ating buhay.

      tagal ko rin palang hindi nakapag-sulat kaya parang namiss ko kayong lahat

      God bless you too!  

      (Quote)

  7. Joyo

    oo nga kapag Siya ang kasama dapat hindi mangamba… madalas ang tao puro reklamo, puro daing na parang wala nang solusyon na darating. Pakiramdam nila hindi na sisikat ang araw, pero ang totoo sila ang ayaw sumilip sa liwanag.  

    (Quote)

    1. napakaganda naman Joy!

      nakakamis din pala kayo   

      (Quote)

Leave a Comment

Your email is never published nor shared.

(required)
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_bye.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_good.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_negative.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_scratch.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_wacko.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_yahoo.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_cool.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_heart.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_rose.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_smile.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_whistle3.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_yes.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_cry.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_mail.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_sad.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_unsure.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_wink.gif