Monthly Archives: September 2009
Liwanag sa Gitna ng Bagyo
Madalas, Si Rebecca at ang kanyang mga anak ay gustong-gustong pakinggan ang tunog ng kulog at pagmasdan ang gumuguhit na liwanag ng kidlat sa kanilang bintana. Nagkakatuwaan silang hulaan kung gaano kalayo ang kidlat sa pamamagitan ng pagbilang, sa pagitan ng pagkidlat at pagkulog. Ang pagpatak ng ulan sa kanilang bintana ay parang isang pangingiliti ng Diyos na nagbibigay ng sigla at kaginhawaan sa kanilang munting tahanan. Ngunit sa pagkakataon ito, ang bagyo ay hindi kasiya-siya sa mag-iina dahil sa lakas ng patak ng ulan at nakakatakot na ingay ng kulog.
Ang malakas na bagyo ay dumaan sa kanila sa kalagitnaan ng gabi, walang tigil ang pagkidlat at pagkulog. Ang malalaking patak ng ulan ay binabayo ang kanilang bintana. Hindi katagalan bago mag-umpisa ang malakas na ulan, ang kanyang mga anak at kanilang aso ay naglipatan sa kanyang kuwarto, at kahit si Rebecca ay nakakaramdam ng takot sa dumaraang bagyo.
Nasa kama ang mag-iina ng biglang mamatay ang ilaw, lalong natakot ang mga bata at pati si Rebecca ay hindi malaman ang gagawin. Hanggang sa maalala niyang may flashlight pala siya sa kanyang drawer. Kinuha niya ito at binuksan. Ang munting liwanag dulot ng flashlight ay nagbigay kaagad ng kaginhawaan at katiwasayan sa mag-iina. Naramdaman ni Rebecca ang presensiya ng Diyos sa liwanag at kasiguruhang ang lahat ay magiging maayos.
Hindi nagtagal, Si Rebecca, ang mga bata, at ang aso ay natulog. Kina-umagahan, ng ibabalik na ni Rebecca ang flashlight kung saan niya ito kinuha, napansin niyang ito ay magaan. Kaya, binuksan niya ang pinakadulo, at siya ay namangha sa kanyang nakita sa loob nito, ito ay walang lamang baterya.
Hindi man natin napapansin ang mga himalang ginagawa ng Diyos sa ating buhay, hanggang sa may bagyong dumating. Kapag ang takot ay nangibabaw sa atin, tayo ay may pagkakataong iunat ang ating pagtitiwala sa Kanya. Sa oras ng pagsubok, ang mapag-himalang kapangyarihan ng Diyos ay nanatiling walang pagbabago at totoo, binibigay sa atin ang ating pangangailangan sa oras na ito ay ating kailanganin. Magtiwala tayo dito.
Lord, ang Iyong salita ay nagsisilbing liwanag sa aking mga paa at aking daraanan.. Salamat po sa pagiging Liwanag mo sa aking buhay sa lahat ng pagkakataon, mabuti man o hindi. Huwag ko sanang kalilimutang laging purihin ang Iyong pangalan at ihayag ng walang kapaguran ang Iyong kabutihan.
Panalangin 2
Sa tuwing tayo’y nakikipag-usap sa ating mga kaibigan para bang ang oras ay hindi nating namamalayang lumilipas. Ganito rin ang gusto ng ating Diyos tuwing tayo ay nakikipag-usap sa Kanya, ang ituring Siyang hindi iba sa atin, ang ituring Siyang bilang kaibigan, hinahangad Niya na katulad din ng pakikipag-usap natin sa ating mga mahal sa buhay, kaibigan saan man lugar at anumang oras nating silang nakita. Ang panalangin ay pakikipag-usap, hindi pagsasalita na para bang wala kang kausap.
Ang pakikinig ay nangangailangan ng pagsasanay, lalo na ang pakikinig sa sinasabi ng ating Diyos. Sa ating pakikipag-usap sa Kanya, kailangan mong maupo katulad ng pag-upo mo kapag alam mong matagal kayong mag-uusap na iyong kaibigan. Isalarawan mong katabi mo sa iyong upuan si Hesus. Sabihin mo lahat sa Kanya ang iyong nararamdaman, ang iyong inaasahan, ang iyong takot, pangarap, mga katanungan gumugulo sa iyong isipan, ilabas mo lahat ang iyong saloobin. Pwede kang umiyak, tumawa, mag-biro, isandal sa Kanyang balikat ang iyong ulo. Ipanatag mo ang iyong sarili sa piling ng ating Diyos at pakinggan ang anumang sasabihin Niya sa pamamagitan ng iyong puso. Kahit na wala kang marinig, damahin mo pa rin ang katahimikan sa piling Niya.
Maging bukas ang ating puso at isipan sa ibat-ibang paraang pwedeng sagutin ang ating panalangin. Ito man ay sa pamamagitan ng panonood ng tv, sa pagbabasa ng libro, sa ating mahal sa buhay, kaibigan, makakasalubong sa daan, sa ating pakikipag-usap sa ibang tao, isang pangyayari, salita sa biblia, at kahit na sa mumunting paraan ay pwedeng sagutin ang ating panalangin. Hindi man Niya tayo sagutin sa pamamagitan ng malakas na tinig, kungdi ng isang maliit na boses, siguruhin nating tayo ay nakikinig sa Kanyang sinasabi sa atin. Habang ikaw ay nakikinig, matutunan mong kung papaano mapalapit sa Diyos, isang pagtatagpong magbibigay kasiyahan sa matagal ng hinahangad ng iyong puso.
TY
Isabit at Ipagkatiwala
May isang lalaking pagkatapos ng isang araw ng pagtatrabaho bago pumasok sa kanyang tahanan, ay dumadaan muna sa isang malaking puno sa harapan ng kanyang bahay. Sa kanyang pagdaan, dahan-dahan niyang aabutin at hihipuin ang mga sanga nito.
Ginagawa niya ito para “mentally” ay isabit ang kanyang problema sa mga sanga nito at huwag na niyang dalhin sa loob ng kanyang tahanan. Iniiwan niya ang kanyang problema sa pag-aakalang kapag ito ay mahalaga, makikita niya pa rin ito bukas ng umaga. Ngunit dumaan ang maraming umaga, ang lahat ng kanyang sinabit ay nawala.
Sa totoo lang, ang isabit at iwan ang problema sa malaking puno ay hindi madaling gawin.
Kapag may gusto akong ipagkatiwala sa Diyos,naka-ugalian ko ng gawin noong bata ako, ang isulat ko ang aking panalangin. Pag natapos ko ng isulat sa isang papel ay ilalagay ko sa isang maliit na bag at isasabit sa itaas ng kisame ng aking kuwarto. Ang prinsipyo, kapag nagsimula akong problemahin ang panalangin ko sa Diyos, kailangan ko akyatin ang bag sa kisame at kunin ang papel na aking sinulatan. Hindi ko masabi kung gaano ko katagal nakukuha ang bag at ang papel na aking sinulatan.
Ang gamitin ang Diyos para ipagkatiwala ang ating mga problema at pag-aalala ay kailangan ng mahabang pasensiya at maraming pagsasanay para matutunan. Kapag ating nakasanayan, ang lahat ng ito ay magbubunga ng isang kaalaman at kapayapaan na palagi nating kasama ang ating Diyos, nakahanda palaging tulungan tayo sa ating mabibigat na dalahin.
Liwanag-Kadiliman
Minsan may isang istorya ng isang lalaki, kung saan ang kanyang kabataan ay ginugol niya sa mga masasamang bisyo. Ngunit isang gabi, pagkatapos ng isang seminar, ang lahat ay nabago. Minsan, dumadaan siya sa kanyang kaibigan para ipakilala sa kanila kung sino si Hesus, ngunit ang kanyang mga kaibigan ay iniiwasan siya at pinagtatawanan sa kanyang ginagawang kabanalan. Read More
























