Matagal-tagal na ring nasa ospital ang Ina ni Priscilla dahil sa sakit na kanser. Araw at gabi, ay nagbabantay siya sa kanyang mahal na ina.
Minsan, inaalala nilang mag-ina ang masasayang sandali ng kanilang buhay. Nagtatawanan sila kapag pinag-uusapan nila, ng gupitan ng buhok ni Priscilla ang kanilang aso. Binalikan nila ang alaala ng mga damit na sariling gawa ni Ester para sa kanyang nag-iisang anak na si Priscilla. Binalikan nila ang sandali ng sila ay parehong nag-dalamhati sa pagkawala ng ama ni Priscilla.
Sa mga oras na iyon, Nararamdaman ni Priscilla na malapit ng mamaalam sa kanya ang kanyang mahal na ina. May gusto siyang ipakiusap sa kanyang ina ngunit nagdadalawang-isip siyang sabihin dahil parang wala siyang lakas ng loob para ito ay sabihin. Lumipas ang ilang minuto, nilakasan ni Priscilla ang kanyang loob at tinanong ang kanyang ina. “Ma, pwede ba akong maki-usap sa iyo? Pwede bang kapag nasa langit ka na…”
Hindi maituloy ni Priscilla ang kanyang sasabihin kaya hinawakan ng mahigpit ni Ester ang kamay ni Priscilla.
“Kapag naroroon ka na at nagkita na kayo ni papa, pwede bang magbigay ka ng senyales na ikaw ay nakarating na sa langit, kapiling si papa at si Lord.” Hinawakan ulit ng mahigpit ni Ester ang kamay ng anak at ngumiti.
Pagsapit ng gabi, huminga ng kanyang huling hininga si Ester. Lumabas muna sandali ng ospital si Ester para mabawasan sandali ang kanyang pangungulila. Habang nakatayo siya sa labas, may pumukaw ng kanyang pansin. Napatingin siya sa kalangitan at doon, nakita niya ang isang kumikinang na bituin.
Kay Priscilla, ang bituin ay senyales ng kanyang ina, na ito ay nakarating na sa langit..kapiling ng Panginoon.
Prayer:
Panginoon, Maraming Salamat po sa Iyong pangakong walang hanggang buhay para sa mga taong naniniwala sa Iyo. Umaasa ako na Ikaw ay aking makakapiling sa hinaharap. Pero sa ngayon, tulungan Mo akong mabuhay ng kasiya-siya sa Iyong paningin.





















thank you Lord na wala sa aming family line ang nagka-cancer…bigyan nyo rin po ng lakas ng loob ang mga taong maysakit, pati na rin po ang family nila…
(Quote)
salamat po sa panalangin father
(Quote)
kuya Sandi, you are such a blessing not just to me but for others. I have been inspired by what’s happening in our country right now. And you are adding to my inspirations.
stars, celestial beings, always amuses me. i always look up the sky every night because it will be a different sky i’ll be looking tomorrow. different clouds and different mist.
stars are up there for us to look at while the night’s darkness clouds our hearts.
thanks for the prayer.
(Quote)
Eksakto Ax!
I was also inspired sa mga nangyayari sa atin ngayon kaya I posted this story..
(Quote)
haizzz… buti na lang may sandi laging nagpapaalala… di dapat tayo sad kapag yung mga mahal natin sa buhay ay kinuha na Niya… kasi masaya sila doon at ayw nilang malungkot tayo…
(Quote)
Amen Joy!
(Quote)
o buti na lang at ngayon lang ako nagbasa nyan, hapon na at pagod na rin ako, kaya ok lang time na para intindihin ang mga malulungkot na senaryo ng buhay
(Quote)
kamusta mars!
palagi nating tignan ang kagandahan at masayang bahagi ng ating buhay..
(Quote)
nakakalungkot naman kuya sandi, alam mo si mama montik na ding magkakanser buti na lang naagapan…
dun pa lang nalungkot na ako ano pa kung kanser na nga talaga un.
God Bless Ester.
(Quote)
minsan may malungkot na bahagi sa ating buhay, na magbubunga ng maganda sa hinaharap..
(Quote)
baket ganyan,,
ang aga aga nalulungkot ako.
ayokong maranasan ang katulad ng ganyang sitwasyon..
di ko kakayanin..
pero
talagang naandyan an Diyos sa atin palagi.
Handa tayong damayan
(Quote)
totoo, nakakalungkot at mahirap tanggapin ang mga ganitong sitwasyon pero, tignan natin ang ibang kahulugan ng istorya..
(Quote)
hay.. parang nalungkot ako. naisip ko lang bigla ang kapatid ko. una kasi lagi ko sinasabi sa kapatid ko na kapag may special ocasion sa bahay lalo at tungkol sa magulang namen ay huwag niyang kakalimutang batiin kasi ako sa totoo ay hindi ko kinakalimutang batiin ang nanay at tatay ko. ang gusto ko lang palabasin ay habang nabubuhay ang parents namen at madami pang time na maparamdam ang pagmamahal ay gawin na kasi mahirap yung mahuli na ang lahat para sa amen. nagagawa naman nya kaso dapat pinapaalala ko pa minsan kahit nasa abroad na ko. ayun. ayoko kasing maranasan yung naranasan ng iba na hindi man lang nasabi sa parents nila yung totoong feelings nila hanggang sa mawala na. masakit naman yun diba?
naalala ko lang bigla. at napa share tuloy ako ng wala sa oras.
salamat boss sandi!
(Quote)
natouched naman ako dito sa comment mo
tama ka dens’,hangga’t maaga ipakita natin ang ating pagmamahal sa ating magulang kaysa pagsisihan natin sa huli…
God bless..
(Quote)