Ang Tanging Yaman

Dalawang dekada ang lumipas, Pumasok sa aking isipan ang salitang “Tanging Yaman” ng ako ay isang aktibong choir member pa lamang sa aming simbahan. Isang kantang sinulat ni Fr. Manoling Francisco,heswita. Nagbigay  inspirasyon sa akin ang kantang ito, para sa aking araw-araw na pakikipagsapalaran sa mundong aking ginagalawan. Ang mga salitang ito ay nagsilbing paalala sa akin na huwag akong maghangad ng labis, ang huwag maiingit. Umasa lagi at magtiwala sa Kanyang kalooban at pagpapala, dahil Siya ang mas nakakahigit, sa Kanya lahat nagmumula ang lahat dahil Siya ang ating Panginoon, ang ating Tanging Yaman.

Matagal ko na rin pinangarap na makapagtayo ng isang sariling negosyo na ang pangalan ay “Tanging yaman” bilang pasasalamat sa lahat ng biyayang Kanyang binibigay. Dumaan ang maraming taon wala akong negosyong napundar dahil walang sapat na kapital. Ngunit may iba palang plano ang ating Diyos, ang plano pala Niya ay magbigay ako ng inspirasyon sa mga kagaya kong minsan ay hinahanap Siya, sa mga taong nabibigatan sa kanilang dalahin, sa mga nag-iisa, sa mga taong maysakit at walang sapat na pampapagamot at sa mga taong nagugutom.

Labis akong natutuwa na nagamit ko ang salitang “Tanging Yaman” para Siya ay aking parangalan at magbigay ng inspirasyon sa inyo at sa ibang tao. Ito ay isang katuparan ng aking mga pangarap. Nawa’y ang pagpapala ng ating Panginoon ay palagi nating madama.

God bless us all!

Share and Enjoy: These icons link to social bookmarking sites where readers can share and discover new web pages.
  • Print
  • Digg
  • Sphinn
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Mixx
  • Google
  • Blogosphere News
  • LinkedIn
  • Reddit
  • RSS
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • Tumblr
  • Twitter
  • Twitthis
  • Yahoo! Bookmarks
  • YahooBuzz
  • Bloglines
  • Ask
  • blogmarks
  • MyShare
  • MySpace
  • Netscape
  • VoteForIt
  • YahooMyWeb

67 Responses

Write a Comment»
  1. ellaine

    can I request the flute sheet of tanging yaman??  

    (Quote)

  2. congrats Mr. Sandi u deserve it…

    Ikaw ay isang tanging yaman sa mundo ng blog… sobrang blessed ako na makilala ka…. ur such an inspiration… lalo na sakin… ;)   

    (Quote)

    1. inspirasyon ko din kayo.. minsan nakikita ko sa inyo kung ano ang aking isusulat sa aking blog :)

      God bless you always!   

      (Quote)

  3. awww..late ako hehe..kamusta naman po sa bagong bahay..ang ganda natuwa ako dun sa emoticons mo ang kulet gumagalaw eheh(buhay)..heeh..
    huwaaa..ako na lang pala ang di nag aayos ng bahay pinag iisipan ko pa kasi kuya,..ym mo ko, pag online ka may itatanong ako hehe..salamat..  

    (Quote)

    1. Hi Lovely, malapit na rin magka ganyan..
      wp o blogger parehong okey ‘yan

      Enjoy!  

      (Quote)

  4. PM

    congratulations sa bagong bahay. napaka purposeful naman ng iyong paglipat! napaka cool din ng pet mo kaso sa tingin ko ay kakainin yan ng pet ko.   

    (Quote)

    1. Hi PM! haha..natawa ako dun sa kakainin.. hahabulin nga ito at baka kainin pa ng iyong mga alaga :)

      blessing na hindi inaasahan ito!

      salamat sa pagdaan at welcome sa aking bahay  

      (Quote)

  5. anu nga uli pangalan ng corn pet mo kuya sandi!  

    (Quote)

    1. tawag diyan ay “acorn” :)   

      (Quote)

  6. ANg sarap naman tumambay d2 sa site mong bago kuya sandi!!!

    napapa moonwalk ang hamster!!  

    (Quote)

    1. haha.. ganon napapasayaw ka! balik balik lang :)   

      (Quote)

  7. Hello Sandi!

    Binabati kita sa iyong bagong bahay!

    Ngayon, marami na kayong na magpapapagod sa aming magfill-up ng info tuwing magko-comment… Haha!

    Sa marami pang mga inspirayon dito sa iyong bagong bahay!   

    (Quote)

    1. Kapatid,

      kamusta? salamat!

      hehe.. sa una lang yata iyan, kapag may recent comments ka na. Hindi na yata magfill up.

      Kamusta ba pa kontes?  

      (Quote)

  8. hello kuya naks bagong bahay na ah. congratz!

    yes tama na hanggat makapagbibigay ng inspirasyon gawin natin. actually that’s one reason din bat ako nagba-blog. though umiiral palagi ang pagiging maloko ko. hehehe

    more power and please continue to inspire us. through your blog, naibabahagi mo ang isang natatanging yaman and that is wisdom.  

    (Quote)

    1. Hi Hoshi!
      salamat ha?
      God bless..  

      (Quote)

  9. dencios

    congrats at madami kameng naiinspire by just reading your blog boss sandi martin!

    Godbless!  

    (Quote)

    1. sandi

      salamat dens’ :)

      God bless you too  

      (Quote)

  10. Ax

    kuya sandi, naclick mo ba yung threaded comments under discussion? para threaded ang reply ng mga kablogmates natin?  

    (Quote)

    1. Hi ax! yes, na click ko! parang sa theme na ito eh!
      pinag-aaralan ko pa..  

      (Quote)

    2. ayan gumana na..salamat sa paalala ;)

      tamang tama lang dating mo  

      (Quote)

    3. kanina ka papala nagkoment hindi ko napansin..sori :)

      salamat ha? hehe  

      (Quote)

  11. Tanging Yaman.. talagang nag-iisa lang sya.  

    (Quote)

    1. sandi

      Jhunice, Apir tayo diyan ;)   

      (Quote)

  12. kuya sandi naging choir ka pala.. hehehehe..

    minsan duet tayo!

    hehehe..

    TC kuya^^,  

    (Quote)

    1. sandi

      Hi Jhunice, yes, naging choir ako! haha..baka hindi ako umubra sa ganda ng boses mo medyo nalipasan na ako eh..haha :)

      ingat ka rin lagi!  

      (Quote)

      1. hehehe… ako din la na praktis.. nyahahaha..  

        (Quote)

        1. Hi Jhunice! paki bago na ang aking url sa blog mo..

          salamat ;)   

          (Quote)

          1. oo nga kuya eh.. hehehe.. ni-add ko na itong bago^^,  

            (Quote)

  13. wow! sandi, ngayon lang ako napadaan sa iyong bagong bahay…sige, i-update ko na ung link ko sa yo…napa-bless mo na ba itong iyong bagong bahay ha?  

    (Quote)

    1. sandi

      Father Felmar, katatapos ko lang ayusin nito kahapon, kalilipat ko lang kahapon. Medyo meron pang dapat ayusin.. pero konti na lang.

      Yes, napabless ka na ito! pwede ba doble? kung pwede sige po..pls. ;)   

      (Quote)

  14. ayun o nakalipat ka na pala
    ganda ng setup
    ayun at salamat sa iyong pinadala  

    (Quote)

    1. sandi

      Mars, salamat naman dumating na rin! sana ay magustuhan mo ‘yan :)
      sabi nga sa aking sa post office 2 weeks pa raw dating sdyan, mabuti naman napaaga.

      salamat din sayo Mars!  

      (Quote)

  15. lhen

    Ang ganda naman ng bagong bahay
    tanging yaman talga at payaman ng
    payaman ang maestro ko sa WP
    Sosyal na sosyal oh!!!
    talagang sumasabay ang pagtype ko
    totoo nga!!!!! hehehee yung sinasabi
    ni jason …hehehe
    na amaze din akoh!!! talaga tong si
    jason.hehehehe  

    (Quote)

    1. sandi

      Kamusta Lhen,

      haha.. nasa setting kasi yun ng comment!

      salamat :)   

      (Quote)

  16. wow kuya sandi ang ganda ng bago mong bahay… add kita sa blogroll ko.  

    (Quote)

    1. sandi

      salamat livingstain ;)   

      (Quote)

  17. hello kuya sandi! ang ganda naman ng bagong bahay mo.. :) gusto ko rin yang tanging yaman.. tinugtog namin yan sa flute nung highschool.. pero di ko na maalala.. hehe. salamat po sa email.. tc & God bless!  

    (Quote)

    1. sandi

      Hi Kcat, kamusta na?

      wow..magaling ka palang magflute.. napakasarap sigurong pakinggan ;)

      salamat Kcat! God bless you too
      Regards na lang sa iyong family  

      (Quote)

    1. sandi

      wa ako masabi TLGR :)

      salamat sa pagbisita sa aking bagong bahay!
      GBU  

      (Quote)

      1. yes..just continue inspiring us..your readers!  

        (Quote)

        1. Hi Joyz! I will..thnks! :)   

          (Quote)

  18. Salamat sa e-mail sandi. Umaliwalas agad ang araw ko pagkakita ko sa e-mail mo. Nakakatuwa at isa ka ng datkomista. Matagal ko na rin gusto ng magkaroon ng sariling site. Di ko pa lang maasikaso. :)

    One of my favorite spiritual songs ang Tanging Yaman. Naging member din ako ng choir Sandi pero baka mas may boses ka kaysa sa akin. :) You’re indeed an inspiration to us and I’m really happy na naging parte ako ng bahay mo.

    God bless you always!  

    (Quote)

    1. sandi

      @ enjoy- haha.. pa humble pa effect pa! maganda tiyak ang boses mo..haha

      salamat at God bless you too!  

      (Quote)

  19. Congratulations, Kapatid! Salamat sa email. Keep inspiring people. Nakakatuwa ang medium na ito. Through this, a lot of people can be reached and a lot of hearts can be touched.  

    (Quote)

    1. sandi

      maraming salamat ms. N!

      peace and all good to you!  

      (Quote)

  20. hi kuya sandi!!!

    senxa ha

    ngayon lang me napadaan teeeeeeeeeeekaaaa!!!!
    ano yang sumasabay magsulat sa taas habang nagtytype ako!!!!

    NAKO!!! ANO YAN!!! HEHEHEEHHEHE
    galing ah!!!

    WOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOWOWOWOWOW  

    (Quote)

    1. nako bat ganto avatar ko
      arang iyaking batang ninenokan ng kendi
      nakko

      pano to kuya sandi!!!  

      (Quote)

      1. sandi

        medyo inaayos ko pa ang avatar.. nagagamit naman nila yung avatar nilang personal.
        palitan mo na lang..hindi ko pa kabisado kasi eh.. :)   

        (Quote)

    2. sandi

      haha..magik ‘yan..haha

      salamat jason!  

      (Quote)

  21. wow congrats kuya…dotkomista ka na din..love your new ehauz refreshing…  

    (Quote)

    1. sandi

      @azul- haha..may bago tayong tambayan :)

      salamat!  

      (Quote)

  22. Ax

    kung ganun, hate ko na si Blu! yay. hehe.  

    (Quote)

  23. Alam mo, sobrang gusto ko rin yang kantang yan. Actually, halos lahat ng compositions ni Fr. Manoling eh gusto ko. But I really like this one best. When I am alone or in my darkest moments, I would normally find myself singing this song. Ewan ko ba kung bakit. Then it will make me feel better.

    And this song is indeed fitting for you too because you give so much insipiration and hope to people around you. Tanging yaman ka din ng Diyos, Sandi. GBU always :)   

    (Quote)

    1. sandi

      Iba talaga dating ng kantang ito eh.. palibhasa may history din ito kaya nagawa ni Fr. Mano..

      sama-sama tayong maging tanging yaman ng ating Panginoon.
      salamat muli winkie!  

      (Quote)

  24. Ax

    ako ba ang una?

    ..sa bagong bahay mo?  

    (Quote)

    1. sandi

      isa sa mga una, Si Kuya blu ang pinaka una :)

      salamat Ax  

      (Quote)

  25. wow Sandi! ang ganda ng bago mong bahay! Ang linis tingnan nung design.

    …true! your path is to be an inspiration and to serve as a constant reminder to people like me na madalas na nagugulumihanan sa mga pangyayari sa buhay :)   

    (Quote)

    1. sandi

      salamat Kikayness! naduling ako sa pag-aayos..hahaha :)

      God bless you always Rhona! :)   

      (Quote)

    2. oo nga maaliwalas tignan

      panakaw uli ng crops ate rhona!!  

      (Quote)

      1. hoy! tiran mo naman ako! bgyan mo naman ako ng gift!  

        (Quote)

        1. ay mali! para kay Jason yan  

          (Quote)

  26. Andito na ko Kuya Sandi. I’m so glad I became an instrument for you to use your blog to bring praises to our God. May you continue to bless and inspire your readers just like what you did to me.

    Enjoy your new site! :)   

    (Quote)

    1. sandi

      God bless you too joyce!

      Yes, mag-eenjoy ako dito tiyak!

      salamat!  

      (Quote)

  27. wow! ang ganda naman ng bagong bahay mo…kaya pala di ka nagpaparamdam ng mga nagdaang araw….
    salamat naman at nakarating ako ng maluwalhati….at salamat din sa meryenda…hahahahahaha  

    (Quote)

    1. sandi

      haha.. salamat din kuya blu!  

      (Quote)

Leave a Comment

Your email is never published nor shared.

(required)
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_bye.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_good.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_negative.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_scratch.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_wacko.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_yahoo.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_cool.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_heart.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_rose.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_smile.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_whistle3.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_yes.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_cry.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_mail.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_sad.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_unsure.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_wink.gif