ito po ay repost entry: orihinal na nilathala noong April 15, 2009.
Maganda ang panahon, Banayad lamang ang ihip ng hangin.
Isang araw, may isang batang naisipang gumawa ng saranggola. Kumuha siya ng lumang dyaryo, naghanap ng pira-pirasong kawayan, mahabang pisi atsaka niya binuo kung ano man ang nasa isip niyang itsura ng kanyang saranggola.
Sa kanyang kamay ay hawak niya ang pisi at kanyang ginawang saranggola, Dahan-dahan siyang tumakbo, habang ang kanyang saranggola ay unti-unti namang tumataas, ito ay tumaas ng tumaas. Pinalagwa pa niya ang pisi at ang saranggola ay umiindayog na para bang nagsasayaw sa kalawakan. Ito ay minsan lumiliko, nagpapaikot-ikot, biglang bumababa at babalik muli sa kanyang dating puwesto, pero madalas ito ay sumusunod sa ihip ng hangin.
Ang mukha ng bata ay napakasaya, may konting pagmamayabang sa kanyang nagawa. Hari ng kalawakan ang kanyang turing sa sarili habang minamaneho ang galaw ng saranggola. Minsan, nilalagwahan ang pisi pero minsan ito rin ay kanyang pinapaiksi. Sinasabayan ang takbo ng ihip ng hangin.
Sa hindi kalayuan, may binatilyong nakatambay ang nakamasid sa saranggola, pinagmamasdan ang matayog na lipad nito, ang mga nagagawa nito sa itaas. Sa kanyang panonood, may pumasok sa kanyang isipan, “dapat siguro ay gumawa ako ng aking saranggola, at paliparin ito katulad ng sa iba. Ang palayain ito sa kalawakan at hayaang itong sumunod sa ihip ng hangin..sa hangin ng buhay. Ang maging bata muli, at paliparin ito katulad ng kanilang ginagawa.”
Ang kuwentong ito ay muling nilagay bilang pagsali at pagsuporta sa ginaganap na “Saranggola blog awards ni Blue ng Hibang. Sali na rin po kayo!
Alintuntunin sa pagbibigay ng puna para sa Bloggers Choice:
- ito yung magkakamit ng may pinakaraming comment
- hindi kasama sa bibilangin ang naulit na puna o comment at sariling comment
- tanging bago o unique comment lang ang bibilanganin.
- Ang mga puna na papasok hanggang sa ika 31 ng Agosto 11:59PM, oras sa Pilipinas lamang ang bibilangin





















good day sir,
Nag email po ako regarding invitation. pacheck po
(Quote)
sige bernard, email ko na lang sa iyo.
salamat
(Quote)
Ok sa olrayt ang pagkakasulat! Nice one!
http://dormboy.wordpress.com
(Quote)
salamat
(Quote)
Boss Sandi,
magkano ang pagkakabili mo sa domain kung ok lang ipaalam at me kinuha ka din bang web hosting site?
(Quote)
Hi Red!
Wala akong idea dahil napanalunan ko ang free web hosting site sa contest.. domain na lang binili ko.
Mura lang ‘yon..kayang kayang mo ‘yon.
(Quote)
kuya sandi, widgets ba yung copyscape?
(Quote)
ax, pasensiya na ha? ngayon ko lang nabasa ito..natabunan!
alin widgets? copyscape.. hmmm parng hindi ko alam.. pakituro na lang kung saan nakalagay o saan dati nakalagay.
(Quote)
hehe, feeling ko lang naman yun! yay. kaso hindi ako kasama sa top three! yay.
pero oks lang! babaguhin ko na po yung link mo sa blogroll ko!
(Quote)
salamat ax!
(Quote)
as requested… ulit ang comment from the old blog…
(Quote)
huwaw, contest na naman!!! at kasali na naman si sandi!!!
kelangan ba ng spam moments???
gud luck sa entry!
(Quote)
haha.. salamat!
(Quote)
tama Ax! basta maayos ang pagkakagawa lilipad ito..
yari lang sa dyaryo ang akin dati.. tapos magluluto kami ng gaw-gaw para maging pang dikit
(Quote)
haha..hayaan mo kapag medyo naayos ko na itong aking site, punta ka sa blog mo. maghahapunan ako dun ng spam.hehe
(Quote)
nakakatuwa ngang balikan ang ating pagka bata.. tumatakbo ng walang kapaguran..masaya kasama ng iba.
walang anuman! sabihan mo lang kami para sa mga susunod pang proyekto
Peace and All Good to you Ms. N.
sana ay marami pang matulungan ang iyong proyekto.
(Quote)
wow naman sa kwento, talagang may aral, ang ganda, sakto ang timpla.
mabuhay ka kuya sandi.
(Quote)
salamat mark at welcome sa aking bahay.
(Quote)
hello
sabay sabay tayong lumipad
kahit mababa lang
aw
(Quote)
hanubayan! approve mo yung mga puna. nasa side bar yun. hanapin mo yung “comment”
(Quote)
hindi naman..hehe
(Quote)
yeah right..very inspiring ung mga post nya..kung pede nga lang akong tanggapin maging madre e..ahehe
(Quote)
ang saranggola lagi nilang sinisimbulo sa pangarap.
kung gaano kataas ang kayang ilipad ng saranggola, ganun din ang pangarap.
pero naisip ba nila na may mga bagay na pwedeng magpabagsak sa saranggola. hangin, bagyo, ulan, tibay ng tali, tatag ng papel.
ganun din ang pangarap. minsan di natin napapalipad ng maayos. minsan bumabagsak.
(Quote)
good luck pala sa entry mo na ito, kapatid.
(Quote)
haha..ang ganda! dami kong natutunan..
di ka man natuloy sa iyong bokasyon may iba kang tawag na kailangan mong bigyan ng atensiyon
(Quote)
Maraming salamat sa post mo na ito. Ibinalik nito ang isang masayang alaala ng aking pagkabata: ang panahon na unang gumawa ng saranggola ang aking ama at sinubukan niya itong paliparin habang kaming magkakapatid ay nakikitakbo sa likod niya. Ah, sadyang kaysarap balikan ang mga alaala ng pagkabata.
Ngayon ko lang nakita ang bagong theme ng blog mo, kapatid. Pasensya na kung medyo natagalan akong dumalaw dito. Naglagalag po ako sa mga liblib na baryo sa aming probinsya para sa dalawang mahalagang dahilan. Ngayon lang po nakabalik. Nakatapos na po ako ng first distribution ng mga lapis. Susundan ko pa po ito dahil meron pang mga lapis na natira. Sadyang kinulang lang po ako ng panahon para mapuntahan ang ibang paaralan. Maraming salamat uli sa suporta.
(Quote)
ang saranggola kahit simple lang nakakalipad pa rin ng mataas.
(Quote)
sana mabigyan ako ng chance na makapgpalipad ng kite… kahit hindi masyadong mataas basta tatagal sa paglipad…
(Quote)
diet ah! salamat dens’
(Quote)
good luck pOh…
1st timE here….
(Quote)
sige..kakain na rin kami dito, salamat! hapunan naman..
(Quote)
tanging pisi, papel at hangin ang nakikita ko pag gusto mong gumawa ng saranggola… so…, parang pangarap na kelangan ng mahabang pasensiya sa pagdating ng panahon na ipagkaloob ng diyos…, papel na simbulong ng isang tao…. at hayaang dalhin ng hangin kung saan paparoon…. at sa pisi nakasalalay ang desisyon kung tayo ay puno ng pasensiya at pananampalataya sa diyos na dakila….
o PWede na bang koment yan…. hindi kase ako marunong magpalipad ng saranggola… malamang wla rin akong pasensiya kung minsan pag gusto kong gawin ang isang bagay ikauunlad ko… tamang naka sandig nalang sa taas na parang isang taong nagpapalipad ng saranggola…. godswill.. gaya ng pangarap na magmadre….
(Quote)
nakakatuwa pala ang pamilya acorn hehe
(Quote)
s
a
n
d
i
m
a
r
t
i
n
d
a
b
e
s
(Quote)
continuation…
mixed fruit bowl lang at kapiranggot na pansit e. hehe kaen
(Quote)
dapat siguro ay gumawa ako ng aking saranggola, at paliparin ito katulad ng sa iba
naisip ko na yan noon at hanggang ngayon naiaapply ko pa din sa buhay ko. para sa akin hindi masamang tumingin ka ng tayog ng lipad nila basta gawin mo lang ang sariling paraan na mabuti para maabot din ang taas nila
lunch! kaen boss sandi!
(Quote)
nalilito ako.. si blue ay si bernard umali?
ahmm pakilinaw naman…
ayos ng story…
gusto ko na rin ulit magpalipad ng saranggola…
(Quote)
ang saranggola ni sandi ay masmatayog ang lipad
kaysa kay pepe
(Quote)
kuya sandi ikaw
po nagdrawing ng mga acorn no!!!!!
galing galing!!
(Quote)
i like this story kuya sandi
ako yata yung mainggiting bata na gusto rin gumawa ng saranggola
(Quote)
maganda ang iyong akda..as usual, nainspired na naman ako katulad nung 1 bata sa kwento na nahikayat muling magpalipad ng kanyang saranggola!
(Quote)
gandang gabi kuya Sandi. link to tong post mo sa artic ko, kaso medyo busy lang ako these days.
nakakatuwa yung paggawa mo ng maikling kwento. nainspire ako. sana kuya rin kita. sana marami akong kuya. at sana kuya din ako.
pero isa lang ang kuya ko.
at hindi ako kuya.
pero tama na siguro na nag-iisa lang ang kuya ko, napupunan naman niya ang pagiging kuya para sa akin.
hehe.
pero pwede rin ba kita maging kuya.
yay. ang gulo ko!
(Quote)
Dear Sandi,
Have you ever thought about Death? I did and I wrote something about it in The Agony of Elsa!
See you there!
Adnos
(Quote)
Ang mga puna noong april 15 hanggang April 19 ay hindi po kasama sa bilang..kaya magbigay po ulit kayo ng puna
salamat ng marami!
(Quote)
Kuya Sandi. Napost ko na rin. Good luck and More power! pag may time ka tula naman at kwentong pambata! salamat ng marami.
(Quote)
hmmm… alam mo bang hindi ko pa naranasang magpalipad ng saranggola ni minsan sa tanang buhay ko… haha! Ano nga kaya ang pakiramdam… Gusto kong subukan.
(Quote)
Matagal ko na ring sinusubukan Sandi. Pero napansin ko, bawat panahon at lugar na ipinagkaloob ay naghahandog ng iba’t ibang hugis, kulay, haba ng saranggolang papaliparin.Iba-ibang mukha ngunit isa lang ang hangarin – ang malayang makalipad sa Kanyang kalawakan…
(Quote)
Mahirap talagang palayain ang sarili, madalas nanaig ang takot na baka sa paglipad mo biglang may malakas na ihip ng hangin at ang saranggola mo bumulusok sa bangin. Pero sabi nga sa kwento, minsan papaluwagin mo ang pisi at minsan naman ito ay papaigsihin para mas lalo siyang magsayaw sa hangin at pagkatapos mong maging kuntento ikaw ay uuwi na may ngiti.
Salamat.
(Quote)
matayog ang lipad ng daranggola ni pepe, matayog ang pangarap ng matandang bingi
marami na ring naisulat tungkol sa saranggola, may tula, may awit, may kwento.
Totoong nakakabighani kasing mula sa pisi, tingting at dyaryo, maaari nating maabot ang mataas na langit
(Quote)
nung bata ako taga hagis lang ako ngt saranggola..ayaw ako pahawakin ng pisi ng mahal kong kuya..ang switik noh?ahehe
(Quote)
napadaan lang po para mamulot ng konting idea sa pagsusulat, maganda ang ginawa mo, talagang gumana ang aking emahinasyon.
(Quote)
nkakamiz nga po magpalipad ng saranggola…
(Quote)
Na-miss ko rin ang pagpapalipad ng saranggola tuwing summer. The act itself is freeing where creativity and nature meet. Sa kasalukuyan, hinahamon ako kung paano gumawa at magpalipad ng saranggola saan man ako naroroon.
(Quote)
summer na nga! malayang paglipad sa kalawakan ng buhay….ang damhin muli ang kalayaan katulad ng isang bata….
malayang kamusmusan..
(Quote)
napakasarap kapag darating na ang summer lalo na’t kapag ikaw ay bata.. para bang walang katapusan ang araw sa pag lilibang..
(Quote)
tara na po sir, subukan nanating gumawa at paliparin ang inyong saranggola
(Quote)
Oo nga nakakamis na.. kokonti na lang kasi ang lugar kung saan ka pwedeng magpalipad ng saranggola.
(Quote)
salamat po nagustuhan nyo ang aking post..at sa inyong pagdalaw
balik kayo ulit ha?
(Quote)
hala bakit naman azul? pero ngayon pwede ka ng magpalipad ng iyong sariling saranggola..
(Quote)
nilalagyan ko pa dati ang aking saranggola ng mga mensaheg nakasulat sa papel.. ilalagay ko ito sa may pisi at patataasin hanggang sa umabot na ito sa kinalalagyan ng saranggola.. instant sending ng mensahe
(Quote)
salamat muli sa iyong pagdaan tagamasid..
may blog ka ba dito sa blogospir? paki bulong mo naman sa akin, para mabisita rin kita
(Quote)
hmmm.. Ipaubaya na lang po natin sa Kanya ang kasagutan sa inyong hangarin..ito sana ay Kanyang dinggin ayon sa Kanyang kalooban at panahon
(Quote)
subukan mo na..magandang libangan ito kapag summer… enjoy
(Quote)
Salamat Blue! bilis ah
walang anuman..
pag-isipan ko yung iba pang kategorya..
(Quote)
Yes my dear Adnos, I have thought about it! Death is the beginning of a new life..a life that is everlasting with my Only and Greatest Treasure which is our Lord God.
May the Lord God, guide you and protect you.
Mama Mary Loves you!
(Quote)
yay,,gulo mo nga!
(Quote)
magandang morning!
sige lang Ax ilink mo..
parang magulo nga..hehehe!
lapit ka lang kung may kailangan ka, bukas ang pinto para sa inyo.
(Quote)
haha.. naguluhan na rin si TLGR
(Quote)
salamat TLGR!
(Quote)
di ako marunong magpalipad ng saranggola
(Quote)
gusto kong maglibang ng maglibang
(Quote)
brotherly love tawag dun azul
(Quote)
nasindak ako sa imbitasyon ni elza pramis
(Quote)
maganda talaga yan
si sandi may gawa ehhh
good am sandi!!!!
(Quote)
kaso magulo si ax
isasako ko na yan si ax
(Quote)
mag iinvade lang po ang hamster kuya sandi
paturo naman paggawa ng saranggola!!!
(Quote)
ayan oh si kuya bern bern!!!
ang inspirasyon natin sa pagbuo nang saranggola!!!
(Quote)
ganun ba jason..haha
(Quote)
ay hindi ako nagdrawing niyan.. hindi ako masyadong magaling gumihit katulad mo..
(Quote)
otherside natin yun
(Quote)
good day jason
(Quote)
sige lang jason! hindi ko lang alam kung kasama sa bilang ang mga ganitong puna
(Quote)
magaling iyan si bernard
(Quote)
woh! ibang style ng puna..hehe
(Quote)
haha.. Oo dens’ nakakatuwa talaga ‘yang pamilya acorn
(Quote)
Iisa si blue at bernard!
(Quote)
gulo ko di ba!
(Quote)
sandi grabeh naka pasok na nga ako sa dashboard ko kya lang hindi ko ma approved lahat ng comment kse dun naman ako hindi makapasok pati sa links na marami pa dapat akong ia add na kapitbahay hindi makapasok…. ano kaya nangyari….
(Quote)
kahit hindi masyadong maganda ang disenyo basta matibay…
(Quote)
haha..kayang kaya mo ‘yan Joy!
(Quote)
at mas masarap kung may kasama ako sa pagpapalipad…
(Quote)
noong bata ako kumukuha ako ng isang papel na pang elementarya, tapos tutupuin ko iyong magkabilang side mga tig- 1 inch., bubutas ako ng apat sa nakatupi, lalagyan ng sinulid.. ‘yon instant saranggola na. Boka-boka tawag namin dun. gawa ka na..
(Quote)
ayan, masaya talaga kapag may kasama sa pagpapalipad ng saranggola
(Quote)
salamat ms. N.
God bless you!
(Quote)
pero naisip ko rin ba na pwede ulit gumawa ng saranggola matapos itong masira?
(Quote)
ang kulit ng lahi e
(Quote)
kulit!
(Quote)
feeling ko ako ang history dito sa bagong tambayan! hehe.
(Quote)
haha.. ganun! sige lang Ax..
(Quote)