Hindi Lubhang Mabigat

Sa aking huling paskil, sa huling talata nag-iwan ako sa inyo ng salitang “lagi nawa nyong damahin ang presensiya ng ating Panginoong Diyos.” Ang iba siguro sa atin ay nagtatanong kung talaga bang kasama natin ang ating Panginoon sa ating pang araw-araw na buhay. Kasama ba talaga natin Siya sa eskwelehan? sa trabaho? sa mall? sa panonood ng sine at sa kung saan saan at anu ano pang ating pinagkaka abalahan?

Sa bawat araw, sa bawat hakbang na ating ginagawa sa ating buhay ang ating Panginoon ay palaging nakaalalay sa atin, palagi Niyang ninanais na tayo ay palaging makasama saan man tayo magpunta. Mararamdaman natin ang Kanyang presensiya at mararanasan natin ang kakaibang kapayapaan, kahit na tayo ay nakikihalubilo lang sa ating mga kaibigan. Wala tayong dapat ikalungkot kahit na tayo ay nag-iisa. Kailangan lang matutunan nating damahin ang Kanyang presensiya saan man tayo magpunta dahil palagi Siyang naghihintay, at hindi lang sa simbahan kungdi, kahit saan at anumang oras ay pwede natin Siyang maramdaman.

“Bakit ba ganito, hindi na ako nawalan ng problema samantalang panay naman ang aking dasal sa Kanya?” tanong ni Belinda.

“E ano ba ang pinagka- iba ng hindi mo Siya kilala at ngayong kilala mo na Siya?” tanong ulit ni Belinda sa kanyang kaibigang si Auring.

“well, may problema pa rin tayo. Ang kaibahan lang ngayon, ay may tiyak tayong kasama sa lahat ng ating mga pinagdadaanan at dinadalang mabigat na problema.” sagot ni Auring.

Ang kabiguang nadarama ni Belinda ay nauwi sa pag-uusisa. “Ang ibig mong tukuyin ay ang Diyos”.

“Oo” sagot ni Auring.

“Ipa-pasa Niya ba ako sa darating kong eksams? Maaayos Nya ba ang hidwaan namin ng aking mommy?” tanong ni Belinda.

Maingat at buong paggalang na ipinaliwanag ni Auring ang pangako ng ating Panginoon na palaging nasa ating tabi sa anumang oras.

“Belinda, matagal na rin pala ang panahon na sinosolo mo ang pagpapatakbo mo ng iyong buhay, hayaan mo naman Siya ang magpatakbo ng iyong buhay para maiba naman.” dagdag ni Auring.

Kapag nadama natin sa ating buhay ang ating Panginoon, hindi lang nawawala ang ating problema kungdi nagkakaraon tayo ng ibang pananaw sa buhay. Ang ating Panginoon ay tuturuan tayong pagaanin ang ating mga mabibigat na dalahin. Ang lahat ng ating mga problema ay magiging magaan dahil nasa tabi natin Siya.

Share and Enjoy: These icons link to social bookmarking sites where readers can share and discover new web pages.
  • Print
  • Digg
  • Sphinn
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Mixx
  • Google
  • Blogosphere News
  • LinkedIn
  • Reddit
  • RSS
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • Tumblr
  • Twitter
  • Twitthis
  • Yahoo! Bookmarks
  • YahooBuzz
  • Bloglines
  • Ask
  • blogmarks
  • MyShare
  • MySpace
  • Netscape
  • VoteForIt
  • YahooMyWeb

42 Responses

Write a Comment»
  1. kuya padaan po…

    just wana say thanks sa support sa entry ni otep… ;-)

    GodBless!  

    (Quote)

  2. kuya sandi.musta ulit!?napadaan sa iyong bahay. maraming belinda at auring,ang iniisip ko lang e kung sino ako dun.  

    (Quote)

    1. haha..lupet mo naman joy, sa barangay lang naman…hahaha :)   

      (Quote)

      1. dhyoy

        sorry sorry… sa malacanang k magpaliwanag! hahaha  

        (Quote)

        1. @ jason- sige lang kausapin mo siya..maganda ‘yan

          hmmm.. hindi ako si kuya blu!  

          (Quote)

          1. God bless you too sweet joycee ;)   

            (Quote)

              1. hehe..kaya pala..break time mo dyan ;)   

                (Quote)

      2. @ jason- hmmmm…. sige na nga.. haha

        okey lang yun jason.. :)

        forgiven!  

        (Quote)

        1. @ muffie- maraming salamat ;)   

          (Quote)

          1. HAHAHAHAHHAHAHA

            sorry sandi
            sorry talaga!!’’sorry

            kasi na ngangarag ako ng oras na to!

            kulay blue kasi avatar mo!

            pwede mag sorry!!!
            :)   

            (Quote)

      3. Ax

        sorry sorry. walang sorry sorry.

        luhod agad!  

        (Quote)

        1. @ gen- okey lang yun.. wala kang dpat ihingi ng pasensiya. basta una muna palagi ang pamilya, trabaho o pag-aaral..priority yan. ;)

          Have a nice day always and GBU!  

          (Quote)

  3. gco122386

    musta na po kuya sandi? di na ko nakakadaan dito…di na rin kasi ako masyadong nagbubukas ng wordpress…pasenxa…  

    (Quote)

  4. halos magkapareho pala ang tema ng latest entries natin kuya blu, este sandi. hahaha! kasi naman, halos iisa lang din ang tema ng mga sinusulat nio ni blu. inspiring. tpos blu pa avatar mo. dapat medyo gold ang background kasi para kang kumikinang dyan oh. may rays of light sa likod mo. ay.. sori po, na-off topic.

    on-topic naman: naniniwala talaga ako na malaki ang nagagawa ng dasal at matibay na pananampalataya. pero ang buhay, ganyan talaga. hinayaan Niya na makaranas tyo ng kaguluhan ng isip upang muli tayong lumapit sa Knya. sa totoo lang, KSP si Bro at may pagka-selfish. dahil ang gusto niya, siya lamang ang pagbubuhusan mo ng atensyon at sigurado akong bibigyan ka Niya ng bonggang-bonggang regalo araw-araw :)   

    (Quote)

  5. Ax

    ipagpatuloy mo lang kuya sandi ang pag i inspire sa amin! promise efective! hehe.  

    (Quote)

    1. @ Lhen- matutunan mo rin ‘yan Len.. dumaan din ako sa ganyan nung una ko rito.. unti unti lang ;)   

      (Quote)

  6. hi sandi! you’ve been a very good blogger so i have a gift for you and kina ax realm, drop by my site and grab it ..  

    (Quote)

  7. naku.. napaka payapa ng mga aura
    ng mga pinopost mo kuya blu.

    nakakainspire.
    parang sang sarap gumsing sa umag
    at baunin tong mga sinsabi mo.

    kasi ako most of the time, kinakausap ko Sya.  

    (Quote)

    1. Hello kool! Welcome sa aking bahay..
      sana nga marami pang makabasa.. salamat
      God bless you

      p.s.
      hehe..hindi ako si kuya blu, sa kabilang bahay yun ;)   

      (Quote)

  8. Hindi lubhang mabigat? ngunit naging mabigat nung panahon na hindi ko nagawa…ang muling makapag aral sa kolehiyo upang kumuha ng kursong edukasyon at makapagturo ng katesismo pang propesyonal na…ngunit hindi pinag kaloob ng diyos sa akin nitong nkaraang buwan…maraming balakid., pinansyal,oras, sitwasyon at mga taong sangkot sa aking mga plano…bagay na naintindihan ko na… Marahil hinahanda pa ako ni kristo sa aking gagawing plano….
    Maging ngyon lubhang mabigat ang panibagong sapot na itong aking nasumpungan kase naman po kapatid hanggang ngayon hindi ko parin maayos ang aking tirahan dito sa wordpress.com hehehehe

    Paumanhin pero mangiistorbo lang ha?sa pag click ko ng aking dashboard nakita ko ang dalawang column na my RIGHT NOW at QUICKPRESS. Iyon ba ang dapat kong i drag pa makita ang nilalaman ng aking mga lathala? at hindi ko magawang ipaskil ang mga pangalan nyo gaya ng sa iyo…nais ko kaseng ibahagi sa aking mga kapwa katekista ang pook sapot na ito….Pasensya na kapatid ha at nakaistorbo…..

    Abangan mo ang aking isusulat patungkol sa ROSARYO  

    (Quote)

  9. magdidisagree ba ko dito??? ewan ko pero kahit anu talagang problema ang dumaan, basta tumawag lang ako sa Kanya, lagi nyang tinutulungan ang pamilya ko. Prayer really works.

    God bless you Kuya! :)   

    (Quote)

  10. tnx kuya blu. inspiring, madami pa sana makabasa.  

    (Quote)

    1. apir lovely! hug and dance ;)
      Hindi naman sana comment lang ni Kuya Blu ang binasa mo ha?  

      (Quote)

      1. Amen kuya blu! ;)

        ang bilis mo ah?  

        (Quote)

  11. dhyoy

    Just always look at the brighter side of things and you’ll be fine…

    hmmmkei… ;)   

    (Quote)

  12. agree ako lagi kay kuya blu eheh..
    he’s always in our side…

    hugs…  

    (Quote)

  13. hahaha kakatapos lang ng lunch ko…  

    (Quote)

  14. ang totoo nyan…sa ating paglalakbay…at pakikibuno sa hamon ng buhay…meron tayong kasama…tama ka dyan sandi…..si JOSH…  

    (Quote)

  15. @ enjoy- hi happie chic..hehe! sa totoo lang, pagpunta ko kahapon sa blog mo nagulat ako na magkatugma ang post natin.. nakakatuwa talaga.

    tama ka dyan kapatid na ang pagdadasal ay malaki ang nagagawa, eto kasi ay isang komunikasyon natin kay Bro. May isusulat akong isang post tungkol dito medyo hindi ko pa mahanap ang tamang salita eh.. ;)

    hayaan mo mag ekspiremento ulit ako ng avatar.. try ko ng lagyan ng pakpak at halo… hahaha( hmmm..bagay kaya?)  

    (Quote)

  16. salamat Ax! kailangan ko ‘yan ;)   

    (Quote)

  17. Ax

    yay. pero totoo.

    hehe. pwede ko ngang sabihin sa’yo yung sikreto ko kase confident ako. hehe. may ganown?  

    (Quote)

  18. dhyoy

    honga! haha! pinagtulungan si jason!  

    (Quote)

  19. Hi Blue! tama ka dyan blue, sa ating buhay may Belinda at Auring.
    Siguro si Auring ka.. ;)   

    (Quote)

  20. pareho lang kasi tayong lahat Ax na may kahinaan, napapagod dahil hindi naman tayo perpekto at tao lang, kaya minsan kailangan din namin ng pagsuporta at panalangin. Katulad din ng mga pari at pastor, kailangan din nila ang ating suporta at panalangin.

    Okey Ax.. handa akong makinig ;)

    GBU  

    (Quote)

  21. gco122386

    basta from now on, promise, i’ll make it a habit…hehehehe  

    (Quote)

  22. @Gen- Sige lang.. kapag may time ka lang! :)   

    (Quote)

  23. @Yhen- walang anuman ;)

    God bless you too!  

    (Quote)

  24. uy bago na avatar niya. lumilipad na berdeng puso. hehehe! bagay syo sandi. kasi tulad ng avatar mo na mukhang masayang-masaya sa paglipad, ganyan din ang puso mo sa pagtulong mo sa kapwa at pagbibigay inspirasyon :)

    may tanong lang ako… bakit green? dahil ba sa environmentalist ka? :)   

    (Quote)

  25. Hi Enjoy! una, salamat! nakakataba ng puso ang iyong mga sinabi.. :)

    tungkol naman sayong mga tanong.. environmentalist ako? hmmm.. In general, pro life ako hindi lang sa environment at dahil eto na rin ang tema ng aking blog, ang pahalagahan ang buhay na binigay ng Diyos.

    Bakit green? ang kulay berde kasi ay malamig sa mata, kulay ng kalikasan, simbolo ng buhay, pagkakasundo, kapahingahan, pag-galang sa sarili, mabuting pagkatao, paglago, at mabunga. ;)   

    (Quote)

  26. enjoy

    i think you’re right. dahil dyan, bibigyan kita ng 5 stars sa kamay :)   

    (Quote)

  27. wow 5 stars.. salamat enjoy..hehe  

    (Quote)

Leave a Comment

Your email is never published nor shared.

(required)
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_bye.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_good.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_negative.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_scratch.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_wacko.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_yahoo.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_cool.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_heart.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_rose.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_smile.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_whistle3.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_yes.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_cry.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_mail.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_sad.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_unsure.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_wink.gif