Natatakot ka ba? Walang masama kung ikaw ay may pangambang dinadala sa iyong kalooban. Ayon sa mga relihiyoso, normal lang sa atin na makaramdam ng pangamba sa ating mga pinagdadaanan. Katulad na rin ng nangyari sa mga disipulo habang sila ay nakasakay sa isang bangka, kasama si Hesus. ( Lukas 8:22-25)
Huwag lang nating kalilimutan na kasama natin Siya sa ating bangkang sinasakyan. Hindi tayo nag-iisa at wala tayong dapat ipangamba. Ang paglalakbay ay magpapatuloy at ang maalong dagat ay kakalma dahil sa Kanya.
Kahit ako, ay nakakaramdam ng pangamba sa aking mga pinagdadaan. Kaya minsan, nagdadalawang isip akong ituloy ang aking paglalakabay. Ngunit ang daan aking iniiwasan ang sadyang nais ng Kaibigan kong lakaran ko, dahil kahit anong iwas ko, dito pa rin ako lalabas. Kahit sinong makilala ko, dito at dito pa rin ako ituturo.
Parang ang Panginoon ay nakikipag-usap sa akin, Dahil sa mga pangyayari nitong nakaraang linggo na magkakatugma, ang mga pagbasa sa ebanghelyo, ang kaibigang hindi ko naman pinili at nito ko lang nalaman na may kaugnayan pala sa “tawag” na aking tinutugon, ang siyang nagbigay sa akin ng inspirasyon na ituloy na ang gawaing ito.
Kaya, Gumawa po ako ng isang video na inahahandog ko po para sa inyong lahat na aking mga kaibigan, sa tunay na mundo, sa blogosperyo…. at sa aking mga espesyal na mga kaibigang may karamdaman at sa kanilang pamilya, sa mga batang kalye, sa mga dukha ng mga dukha, sa iba pa.
Alam kong ang iba sa inyo ay hindi ito mapapakinggan dahil sa inyong karamdaman, ngunit umaasa ako na maramdaman nyo lagi ang presensiya ng ating Panginoon sa inyong buhay at umaasa ako na darating din ang araw na ito ay inyong mapapakinggan.
artist: Himig Heswita
Album: Your Dwelling Place
Huwag Kang Mangamba
(lyrics)
Chorus:
Huwag kang mangamba.
Di ka nagiisa.
Sasamahan kita.
Saan man magpunta.
Ika’y mahalaga.
Sa aking mga mata.
Minamahal kita.
Minamahal kita.
Tinawag kita sa iyong pangalan.
Ikaw ay Akin magpakailanman.
Ako ang Panginoon mo at Diyos.
Tagapagligtas mo at tagatubos.
(repeat chorus)
Sa tubig kita sasagipin.
Sa apoy ililigtas man din.
Ako ang Panginoon mo at Diyos.
Tagapagligtas mo at tagatubos.
(repeat chorus)
Pagpalain nawa kayo lagi ng ating Panginoong Diyos at lagi nyo sanang damahin ang presensiya ng ating Panginoon Diyos.
Maraming Salamat po sa Inyo! Mahal ko po kayong lahat





















galing ng video..kaka-touch!awts
(Quote)
Labs tayo ni Bro. Magtiwala lang tayo…
(Quote)
@kuya sandi & ms. nortehanon.. salamat po.. join kayo next year ah.. and next years.. and years.. hanggang nagbbirthday ako.. hehe
(Quote)
maganda tlaga yang kantang yan kapatid sapagkat madalas kong tipahin ang kantang iyan at aking tinutugtog at pinapakanta sa aking mga alagang little xavier choir nung panahong iniwan na sa akin ng aking paring aprikano ang kanyang responsibilidad nang sya’y ma ordinahan na….
Tunay na nakakapag bigay buhay ang mga kanta ng mga himig heswita isa na dun ang kantang HESUS NG AKING BUHAY….
Huwag magamba?…hindi natin maiwasan yan kahit na tayo pang mga tinawag ng diyos maglingkod gaya ng mga tinawag din ni kristo labindalawang disipulo na nangamba rin ng mga araw din yun…..
Ito lang masasabi ko sayo kapatid…ipagpatuloy mo ang pagsulat bagay na marami kang kaluluwang natutulungan patungo sa magandang hantungan ang makilala ang diyos sa kanilang buhay…..
(Quote)
Yes, kasama ka na Ms. N sa kanyang outreach.. magkikita na rin tayo..haha
Totoo Ms. N, napakabuti nitong batang ito.. wala akong masabi
God bless Ms. N
(Quote)
hindi ko mapakinggan dito sa ofis kuya pero binasa ko yung lyrics at ang ganda ng nilalaman ng kanta.tunay ngang hindi tayo nagiisa..
(Quote)
ang dami daming bata.
nakakaiyak naman kasi yung video.
(Quote)
Wow, ang galing ng video. Ako po hindi marunong gumawa niyan hehehe. Ganda ng awit, kapatid. Tama si Mark, kung kasama natin si God, who can be against us?
Nice naman, nakita ko dyan sa video mo si Kcat. She’s a very brave girl..and thoughtful
Sayang lang I was on a trip on her birthday, nakasama sana ako. Di bale, next time, di ba kapatid?
(Quote)
Kapatid, thank you for sharing this song… This is one of my favorites… Indeed, if God is with us, who can be against us?
Although we bloggers may not know each other personally, I believe that we are all connected as one family under our God. It has been a privilege to have known you here in the blogosphere… As I have always said, you are a beacon of inspiration to me and to many others.
Your video has once again affirmed in me the calling to live my life to the fullest, to continually make a difference in the lives of others, and to continue to work and to hope for a better Philippines.
Again kapatid, maraming salamat! Mahal tayo ng Diyos!
(Quote)
hmmm… Mr. Sandi tagal kong di nadalaw dito, xencia na…
ang ganda naman nung song nakakagaan ng pakiramdam…
(Quote)
ok.. nabasa ko na.. mukhang maganda ah
galing!
(Quote)
Ang galing… isa itong magandang paksa
na dapat maipamahagi sa lahat ng tao
lalo na yng mga nasa school
hehehe
MAhal NYA tayong lahat!!!!
(Quote)
baka gusto mo ng dotcom, tingnan mo ang post ko
(Quote)
ok Kcat! salamat sa koreksyon
yes, andun ako sa mass..kitakits na lang
(Quote)
wow nakaka-inspire naman at tugma sa nabasa ko naman kagabi sa ODJ at bible. (isusulat ko rin sana siya sa mga susunod na araw). iyon ay may tungkol sa pagkakaroo ng insecurity sa buhay. parang pangamba rin natin sa mga bagay-bagay at maging sa ating sarili.
“That is why, for Christ’s sake, I delight in weaknesses, in insults, in hardships, in persecutions, in difficulties. For when I am weak, then I am strong.” – 2 Cor. 12:10
parang di ba, yung pangamba natin nagbibigay sa ating inspirasyon at maging mapagkumbaba. after mong malagpasan ang mga pagsubok… alam mong napagtagumpayan mo yon kasama Siya.
mabuhay!
(Quote)
kuya sandi, wala pong nf si katrina.. deaf lng sya & may heart problem din, pero mild lang.. at saka remigio po.. hehe. btw, salamat ng paulit-ulit.. magsisimba ako sa megamall sa wednesday, andun po kayo?
(Quote)
@cruxrifter- maganda talaga.. gawa ‘yan ng Heswita
salamat
(Quote)
ganda nung lyrics
(Quote)
Hi! Ang mga nasa litrato ay sina Ms. Kcat Yarza, ang Remigio Brothers and Sisters(Turtle logo)sila ay mayroong Neurofibromatosis, si Katrina Rambongga( the girl with a teddy bear) may hearing problem. Si Alyssa na may Leukemia at si Vincent na may Mellablastoma.
ang ibang bata ay sa soup kitchen at medical mission na siyang dati ko ng ginagawa.
at si St Pregrine( last photo) na siyang patron saint ng mga may uncurable diseases.
In His Glory!
salamat po
(Quote)
UY, SANDI, SALAMAT SALAMAT SALAMAT, ITO NA PALA UNG VIDEO, NILAGAY KO NA SA FACEBOOK NI KATRINA, Kasama kaba namin nung birthday project ni Kcat sa PGH? salamat talaga ha!
(Quote)
sige lang Ax
salamat
(Quote)
wala pong anuman!
hindi po ako naksama sa pgh..sa susunod po andun na ako
sige po hanapin ko rin kayo sa face book para mai add ko..
salamat din po!
May God bless us all!
(Quote)
Marang salamat Sandi, hihintayin ko ang video, kaibigan kong malapit si Kcat Yarza,.,,
Salamat salamat!
(Quote)
nasa opis po ako right now, di ko po mapanood yung video! promise pagdating sa bahay papanoorin ko!
God bless guys!
(Quote)
salamat din sayo Kuya Blu
God bless..
(Quote)
thank u po.. God bless!
(Quote)
alam mo Hoshi, ang ganda ng pananaw mo sa buhay
yes, kapag ako ay may dinadalang mabigat na problema eto rin ang aking sinasabi “kapag ako ay mahina, dito naman ako lumalakas”
God bless..
(Quote)
okey lang yung joy! wag mong masyadong pressure sarili mo..
salamat!
(Quote)
tama ka Jason! apir tayo
(Quote)
I could see miracle unfolding in front of me..salamat sandi…i am in awe and my words are not just enough to express what i feel right now..
Kcat..i have read about you…continue to inspire us, let us pray for one another….salamat for shring your story…
(Quote)
salamat kuya Sandi.. ang ganda.. di ko man narinig, may lyrics naman.. damang-dama.. salamat uli.. God bless!
(Quote)
okey lang yun Kcat! wala kang dapat ipagpasalamt
ooops..mabuti pinaalala mo, hindi ko nga pala nailagay lyrics dito.. habol ko
God bless you Kcat!
(Quote)
walang pong anuman! Gusto gusto ko po yung kuha ni Katrina na hawak nya ang kanyang teddy bear.. nakakatuwa.
Kaibigan ko rin kayo
God bless you Katrina at sayong pamilya.
(Quote)
@coolwaterworks- pareho tayo, isa rin ito sa aking mga paboritong awitin na nagsisilbing paalala sa akin minsan kapag ako ay may mabigat na dinadala.
Muli, Maraming Salamat.. bow
Sa ating mumunting paraan maaring nating matulungan ang ating mga kapatid at bayan at simulan natin sa ating mga sarili.
walang anuman kapatid! Totoo yan na Mahal na mahal tayo ng Diyos
(Quote)
yes Kcat! sasama kami…
(Quote)
@azul- sana mapakinggan mo rin azul yung kanta..kapag okey na yung pc at may panahon ka na lang
(Quote)
@ jason- haha..dami noh?
wohh..tahan na
(Quote)
@ fr. felmar- hehe.. labs po talaga tayo Niya
(Quote)
@lhen- salamat
(Quote)