Sulat ng Isang Kaibigan

Kcat: Paano nyo malalaman na natatawa ako?
Aling Madge: Eh di sabihin mo.. Ha..Ha..Ha! (literal)

Kcat: Paano nyo naman malalaman na umiiyak ako?
Aling Madge: Eh di sabihin mo na.. Hu..Hu..Hu! (literal)
Kcat: Ay! ‘wag na lang, baka matawa pa kayo eh!


Mahal kong kaibigan,

Ang paskil na ito ay inahahandog ko sa’yo. Kung maaari lang sanang iwasiwas sayo ang patpat na may mahika para ikaw ay gumaling sayong karamdaman, ay gagawin ko. Gusto ko sanang malaman mo na ikaw ay nagsisilbing inspirasyon sa akin at sa marami pa. Marami akong natutunan sayong mga aral sa sandaling panahon ng ating pagkakakilala.

Eto sila:
1. Ang buhay ay mahalaga. Huwag balewain ang bawat araw.
2. Ang mga mabubuting kaibigan ay maasaahan sa oras ng pagsubok.
3. Kailangan natin minsan makaramdam ng “kirot” sa ating buhay.
4. Anuman ang pinagdadaanang natin sa ating buhay marapat na lagi tayong positibo sa hinaharap.
5. Ang pagpapatawad ay nagdadala ng pag-asa para sa isang bago at maayos na buhay.
6. Ang mga sakit na walang lunas ay nagbubunyag sa tunay na ugali ng isang tao.
7. Ang pag-iisa minsan ay kasama sa ating buhay.
8. Ang lahat ng nangyayari sa ating buhay ay may dahilan.
9. Ang maunawaan minsan ang mga kapamilya, kaibigan at mahal sa buhay;  na sila rin ay mahina, nagkakamali at minsan ay hindi mo maaasahan sa oras na sila ay kailanganin mo…dahil sila ay tao rin katulad natin.
10.Ang pagmamahal ang pinaka mahalaga sa ating buhay.
11. At ang pinaka importante ay.. Magtiwala lagi sa pagmamahal ng ating Diyos ng walang alinlangan.

Hindi ko lubos maisip kung gaano ka kalungkot ng iyong malaman ang iyong sakit. Bigla, ang iyong mundo ay biglang bumaligtad. Ang iyong mga pangarap sa iyong sarili at sayong pamilya ay biglang tumigil. Ang iyong buhay ay pansamantalang huminto sa panahon na ‘yon.

Ngunit, sa paglipas ng mga araw, ang iyong sakit ay iyong tinanggap. Tinuon mo ang iyong isip na labanan ang iyong karamdaman kahit na alam mong maliit lang ang pag-asa. Tinanggap mo sa iyong sarili ang mga hindi mo na kayang gawin dahil sayong sakit, at mas binigyan mo ng importansiya ang iyong makakayang gawin. Kahanga-hanga ka.

Ikaw ay aking kaibigan. Wala man akong masyadong maitutulong sayo pagdating sa materyal na bagay, ngunit narito ako lagi para samahan ka sa iyong pinagdaraanan. Hindi man kita masyadong kilala pero kung ikaw ay maysakit na kumukuha ng buhay, palagi kitang mauunawaan sayong nararamdaman, dahil ikaw ay kaibigan ko. Alam ko, minsan may panahong gusto mo ng sumuko, kapag ang iyong nilalakarang daan ay dinadala ka lang sa kawalan at pagsuko. Piliin mo pa rin lumaban. Huwag mong hayaan kontrolin ka ng iyong karamdaman. Ipagpatuloy mo pa rin ang iyong paglalakad, kung ikaw ay maiwan, hihintayin kita. Kung ako naman ang maiwan, pakihintay ako.

Kahanga-hanga ang iyong pagtitiwala sa Kanya. Ang walang hanggang pag-ibig ng ating Diyos ay mararamdaman sayo.

Salamat sa inspirayon,
Kuya Sandi

Share and Enjoy: These icons link to social bookmarking sites where readers can share and discover new web pages.
  • Print
  • Digg
  • Sphinn
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Mixx
  • Google
  • Blogosphere News
  • LinkedIn
  • Reddit
  • RSS
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • Tumblr
  • Twitter
  • Twitthis
  • Yahoo! Bookmarks
  • YahooBuzz
  • Bloglines
  • Ask
  • blogmarks
  • MyShare
  • MySpace
  • Netscape
  • VoteForIt
  • YahooMyWeb

42 Responses

Write a Comment»
  1. Sana ako din maisama mo sa iyong tunay na mga kaibigan. :wink:   

    (Quote)

  2. wushuuu late ako dito hehe..

    neks time ako naman ang susulat sayo kuya sandi hehe..

    i really realy trust her..
    i realy realy believe her..
    at i know palagi syang nanjan para satin..
    hindi nanawang gabayan tayo..

    salamat..sa kanya..ng taos sa puso..

    at maraming salamat din sayo kuya…  

    (Quote)

  3. prinsesamusang

    this is a very sweet and honest post. ang sarap mo namang maging kaibigan. i think life has spoiled me at sa mga taong tulad ninyo ko nakikita how blessed i am. salamat.  

    (Quote)

  4. habang may buhay may pag asa. samantalahin natin…

    kuya sandi kuya sandi… kalahi ka ba nila tinkerbell… ung lumilipad na may pakpak na taga neverland… joke joke…  

    (Quote)

  5. hitokirihoshi

    marami akong naiisip na pwedeng kahulugan nito.
    “Ang mga sakit na walang lunas ay nagbubunyag sa tunay na ugali ng isang tao.”

    pero ano ang ibig sabihin nito sa iyo kuya Sandi?

    tama nakaka-inspire yung mga taong lumalaban sa kapalaran at kahit sa pakiwari ng halos lahat ay wala na itong pag-asa. mahirap man gawin pero, “we should fight to live and not to die.”

    anu’t ano man ang importante ay ginawa natin ang alam nating nararapat, tama at nagbibigay saya sa atin at maging sa iba.

    mabuhay!  

    (Quote)

  6. Kapatid, your blog is always a source of inspiration to us… Maraming salamat for sharing Kcat’s story…  

    (Quote)

  7. ELIment

    kuya sandi (hehe)
    na-touch naman ako sa letter mo kay kcat.

    maganda yong sinabi mong 1-11 di ko na copy dito para hindi humaba.

    galing kuya sandi. ayan kuya narin kita ha.hehe  

    (Quote)

  8. Hi! mga mahal kong kaibigan sa blogosperyo, Tulungan nyo si Kcat pumili kung sino ang pinaka gwapo sa kanyang mga physical therapist.. mukhang in lab yata at dinner date ang premyo nung mananalo ;)

    punta kayo sa link na ito: http://iamkcat.blogspot.com/2009/06/ultimate-special-pt-challenge.html

    salamat and Gbu  

    (Quote)

  9. Tuwing dumadaan talaga ko dito, hinde puwedeng hinde ako mabuhayan ng loob at mainspire. Salamat Kuya Sandi!  

    (Quote)

  10. simplefula09

    ganda naman po ng entry :P   

    (Quote)

  11. ang ganda nito, sandi. natumbok mo… ika ka nila, straight to our hearts. you really have a gift to look at things with full of hope. you are indeed a blessing from God. i’m really glad we are friends, kahit dito lang sa blogosphere.

    thanks for being such an inspiration to us.

    and to kcat, God is always with you. your faith and strength is really very admirable… such an insipiration, too.  

    (Quote)

  12. nice entry. good article to end my weekend and start this new promising Monday morning.  

    (Quote)

  13. Ax

    Sandi, alam mo isa ka na sa inspirasyon ko sa buhay. aalalahanin ko yang advise mo, ano pa at naging inspirasyon kita.

    yung number 11, lagi kong isasaisip at isasapuso yan!

    ah, bago ko malimutan..

    Salamat.  

    (Quote)

  14. dhyoy

    1. Ang buhay ay mahalaga. Huwag balewain ang bawat araw.
    2. Ang mga mabubuting kaibigan ay maasaahan sa oras ng pagsubok.
    3. Kailangan natin minsan makaramdam ng “kirot” sa ating buhay.
    4. Anuman ang pinagdadaanang natin sa ating buhay marapat na lagi tayong positibo sa hinaharap.
    5. Ang pagpapatawad ay nagdadala ng pag-asa para sa isang bago at maayos na buhay.
    6. Ang mga sakit na walang lunas ay nagbubunyag sa tunay na ugali ng isang tao.
    7. Ang pag-iisa minsan ay kasama sa ating buhay.
    8. Ang lahat ng nangyayari sa ating buhay ay may dahilan.
    9. Ang maunawaan minsan ang mga kapamilya, kaibigan at mahal sa buhay; na sila rin ay mahina, nagkakamali at minsan ay hindi mo maaasahan sa oras na sila ay kailanganin mo…dahil sila ay tao rin katulad natin.
    10.Ang pagmamahal ang pinaka mahalaga sa ating buhay.
    11. At ang pinaka importante ay.. Magtiwala lagi sa pagmamahal ng ating Diyos ng walang alinlangan.

    Salamat sa pagpapa-alala sa akin…Kailangan ko yan ngayon dahil sa tingin ko papunta na naman ako sa daan ng kawalan at tuluyang pagsuko….Liliko na ako…
    :)   

    (Quote)

  15. “Ang buhay ay mahalaga. Huwag balewain ang bawat araw.”
    jason: sinisigurado ko na sa bawat araw kong nabubuhay ay wala akong sasayanging panahon dahil hindi ko alam kung kelan babawin sa akin ang aking buhay.

    .” At ang pinaka importante ay.. Magtiwala lagi sa pagmamahal ng ating Diyos ng walang alinlangan.”

    jason: ako magtagumpay man o mabigo, hindi nagbabago ang pagtingin ko kay papa jesus..
    win sa akin ang aking buhay.

    galing galing ng post na ito ni pareng sandi..
    idol

    .” At ang pinaka importante ay.. Magtiwala lagi sa pagmamahal ng ating Diyos ng walang alinlangan.”

    ako magtagumpay man o mabigo, hindi nagbabago ang pagtingin ko kay papa jesus..  

    (Quote)

  16. napakainspiring na kwento ng pagkakaibigan, pananampalataya, pagmamahal at pagtitiwala..

    God bless..  

    (Quote)

  17. ang alam ko lang ang pinaka mahalaga ay magtiwala tayo sa TAAS. pagkatapos nating magtiwala, EVRYTHING COMES NEXT ON THEIR RIGHT WAY..  

    (Quote)

  18. salamat naman sa sulat na ito…punong-pno ng mga kuntil-butil at pagmammahal…  

    (Quote)

  19. salamat po kuya sandi! may mga na-realize din ako dahil dahil sa inyong mga nakapaligid saking mga kaibigan at pamilya.. lalo kong nakikita ang purpose ko kaya gagawin ko.. I can kasi :) Sana hindi umulan sa July 1. Hehe.  

    (Quote)

  20. Hi Kcat! para sayo ‘yang sulat ;)

    Natutuwa rin ako at nagpapasalamat sa pagbibigay mo ng inspirasyon sa amin. Ang paglingap mo, sa iyong kapwa maysakit ay napaka gandang proyekto.

    Yes, I do believed your life has a purpose kaya…
    “Live on..Live on forever” – Aya ;)

    haha.. sana nga hindi umulan! Kamusta syong pamilya!  

    (Quote)

  21. welcome back kuya blu!

    natutuwa naman akong basahin ‘yong salitang “kuntil butil”

    nakaka inspire naman kasi ang taong ito eh..kahanga-hanga ang kanyang pinapakitang pagtitiwala sa Kanya ;)   

    (Quote)

  22. tama Dens’ na palagi tayong magtiwala sa Kanya at bahala na Siyang ibigay sa atin ang ating mga pangangailangan ;)

    Ingat kayo lagi dyan!  

    (Quote)

  23. Salamat! God bless you too

    kahanga hanga kasi si Kcat ,na siyang pinagbigayn ko ng sulat na’to ;)   

    (Quote)

  24. haha.. salamat pareng jason!

    pasalamatan din natin si Kcat na siyang naging inspirasyon ko na gawin ang sulat na ‘to..  

    (Quote)

  25. walang anuman joy!

    kapit ka lang lagi sa Kanya at kung makakatulong para hindi ka mawala sayong landas, ay balik balikan mo lang ang mga post dito sa aking bahay.. palaging bukas ang pinto ng aking bahay para sa inyo ;)

    God bless you always!  

    (Quote)

  26. Hi Fula! salamat ;)

    kamusta ba?  

    (Quote)

  27. uy, salamat winkie! tumaas naman balahibo ko sa papuri mo ;) dahil kasi sa Kanya ‘yan.. ang aking/ating Tanging Yaman.. wala na akong hahanapin pa!

    In behalf of Kcat.. salamat!  

    (Quote)

  28. Hi Blue! nakakatuwa naman na malaman na nakakapagbigay ng inspirasyon ang aking mga post..

    salamat..salamat sa inyong lahat na nagbibigay din sa akin ng inspirasyon ;)

    God bless you!  

    (Quote)

  29. Hi Ax! salamat din, dahil nagbibigay din kayo sa akin ng inspirasyon at dahil na rin sa Kanya ‘yan.. ang ating Tanging Yaman. Basta ayon sa Kanyang kalooban, hindi Niya pinagdadamot na ibigay ang aking mga pangangailanagan ;)   

    (Quote)

  30. ok.. salamat Kcat kung nasan ka man ngayon!!

    heheeh  

    (Quote)

  31. andito lang po ako pakalat-kalat sa blogsphere.. hehe. you’re welcome po! tc & God bless!  

    (Quote)

  32. walang anuman joyce at salamat din sa pagdaan daan mo rito ;)

    Gbu!  

    (Quote)

  33. haha! hindi naman.. trip ko lang.. masaya lang talaga akong pag nagte-therapy, kung ano-ano naiisip na pakulo.. mga PT interns ko yun, nagpapalit monthly.. pero ok lang, monthly din may new friends ako.. :) vote kayo ah.. please support my kalokohan.. bwahaha!
    http://iamkcat.blogspot.com/2009/06/ultimate-special-pt-challenge.html

    thanks! tc & God bless!  

    (Quote)

  34. haha.. salamat tito eli este eli pala..hehe ;)   

    (Quote)

  35. walang anuman kapatid ;)
    salamat din sa inyo na walang sawang pabalik balik dito sa aking blog..labis ko itong ikinalulugod ;)

    God bless..  

    (Quote)

  36. Same here kapatid… May pasalubong ka pala sa bahay ko galing Ilocos… :P   

    (Quote)

  37. uy salamat! nag-abala pa :)
    puntahan ko sa bahay mo..hehe  

    (Quote)

  38. salamat rin sayo Pm!
    Ingat ka lagi.. GBU ;)   

    (Quote)

  39. Tungkol sa #6 kung ano ang ibig kong sabihin.. hmmm ;) pagkatapos ko kasing makilala si Kcat, (may comment siya sa ibaba at sa mga nauna pang post) ito ang mga narealized ko at isa na nga rito ang sa #6. Hindi ko kasi alam kung ano magiging ugali ko kapag nalaman kong mayroon pala akong sakit na walang lunas. Hindi ko alam kung papaano ko tatangapin. Ako ba ay magiging katulad ni Kcat na naging positibo at buo ang pagtitiwala? ;)   

    (Quote)

  40. Hi Living Stain,

    haha.. paborito kong panoorin yang sina peter pan at tinkerbell!
    Hindi ako kalahi nila.. sana nga ganun para katulad ng sinulat ko ay iwasiwas sa kanila ang aking patpat na may mahika para, ang kanilang sakit ay tuluyan ng mawala. ;)   

    (Quote)

  41. Oo nga, san ka ba naglalagi ngayon lovely?
    Uy okey yan ah! Sige hihintayin ko yang sulat mo ha? Tapikin mo lang ako kapag meron na ;)

    salamat din sayo lovely…sa inyong lahat!

    GBU  

    (Quote)

  42. haha.. Oo naman..sige isama kita!
    medyo busy lang kaya hindi masyadong nakakagala sa blogosperyo at nakakapag update ng links..add kita!

    salamat! ;)   

    (Quote)

Leave a Comment

Your email is never published nor shared.

(required)
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_bye.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_good.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_negative.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_scratch.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_wacko.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_yahoo.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_cool.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_heart.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_rose.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_smile.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_whistle3.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_yes.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_cry.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_mail.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_sad.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_unsure.gif 
http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_wink.gif