karugtong ng “ang pagtatagpo”..
Sa ilang oras na aking pagtigil sa kanilang bahay, tanging si Aling Madge lamang ang nagsasalita, nakatingin lamang siya sa amin habang kami ay nag-uusap lalo na sa pagbuka ng bibig ng kanyang mahal na ina. Ang aming pag-uusap ay hindi nya naririnig, kahit sa paglakad ay hirap siya, hirap din siyang lumunok, tumawa at lumuha dahil sa sakit na Neurofibromatosis type 2 o NF2, na sanhi ng mga tumor sa kanyang utak at spinal cord. Sa kabila ng kanyang kalagayan hindi ito ang naging dahilan para sumuko siya at maghintay na lang na kaawaan siya ng iba.
Bagkus ang kanyang wika ay “I Can hear! Ang aking tinutukoy ay si Ms. Kathrina Yarza a.k.a. Kcat.
Hindi naglaon, dahil sa kanyang sariling pagsisikap, inilunsad nya ang buy a tshirt campaign para sa kanyang proyektong “hEAR” (help me hear), kung saan ang desinyo ay siya mismo ang gumawa. Sa tulong ng kanyang pamilya, mga kaibigan, kamag-anak at ang mga site na unang nagkalat ng balita sa cyberspace.. pinoy ambisyoso ang napaka- imposibleng halaga ay kanilang naipon at sa tulong na rin ng mga donasyon galing sa ibat-ibang tao na kahit hindi nila kakilala ay nag-aabot para tumulong.
Ang proyekto ay kumalat at umabot sa mga kilalang media programs na nito ko lang nalaman dahil sa kwento ng kanyang Ina. Ang Studio 23 News Central at ang Probe Team ay tumugon sa kanyang panawagan, at kamakailan lamang ang programang Chances Are ng qtv 11 ay nakuha nya ang atensyon dahil naman sa kanyang pinakikitang matibay na pagtitiwala na siya ay gagaling sa tulong ng Panginoong Diyos, ang dakilang mangagamot.
Ang kanyang katapangan, determinasyon at pag-asa na balang araw ay gagaling din siya ang nagdala sa kanya ng isang kadakidakilang buhay ngayon, ang maging inspirasyon sa kanyang kapwa may maysakit, sa kanyang pamilya, sa ibang tao. click
Ito ang katangian ikinahanaga ko kay Kcat, na sa kabila ng lahat ay buo ang kanyang pananalig na siya ay muling makakarinig at magagawa ang nais nya katulad ng sa isang normal na tao.
Kcat, Yes, you can! Maraming Salamat sa inspirasyong iyong binabahagi.
Ang video sa ibaba ay nilikha mismo ni Kcat, ang awit ay kinompos ni Mr. Armin Cruz ng Kamalayang Kalayaan at inawit ni Joel Tangunan.
[youtube=http://www.youtube.com/watch?v=GXBuxAZAzXQ]
Dyan po nagtatapos ang aking EB ‘wento..’sensya na nga pala, hindi na ako nakakuha ng pechurs
p.s.
Bili po kayo ng kanyang Tshirt para matulungan siya sa kanyang mabilis na paggaling. Kung may mga kulang o koreksyon sa aking paskil, pakisabi nyo na lang po sa akin dahil alam kong hindi lahat ay aking naisulat.
salamat





















ahaha my pinoy version pla si aya
bilib talaga ako sa mga taong to
teka’t mabisa nga ang site nya
(Quote)
Sandi, thank you for sharing Kcat’s story…
I am in awe of her faith and hope… Wala na akong masasabi pa…
(Quote)
yan po sa ibaba ang tugon at imbitasyon ni Kcat sa inyong lahat
(Quote)
kakatuwa naman.. ok na ok if u want to meet me.. i want to meet all of u din.. u could visit me in our house din anytime, basta asa bahay ako syempre.. hehe. or every first wednesday of the month uma-attend ako ng healing mass ni fr. joey sa megamall, basta di umuulan.. or basta text nyo lang ako..
di man ako masyadong umiimik kasi di ko din maiintindihan, i’m warning you: super madadal ang spokesperson ko.. ang mami ko.. hehe. ;P
(Quote)
very touching story…. haizzz… i want to meet her too…
2 thumbs up ako sa kanay pati sa paa apat na…
ang galing niya…
hahaha…ayos! salamat dhoy
(Quote)
KCAT LAKASAN MO ANG LOOB MO… habang may buhay may pag asa…
kala ko damit ni Otep ung binebenta…. whahaha… hi kuya musta
(Quote)
before i left philippines i suppose to buy a shirt from her, i’ll try to acquire one when i get home by this july
(Quote)
wow! .. amazing! .. nakaka – inspire kuya sandi .. hehe.
(Quote)
naks naman. oo i will also pray na sana kayanin niya lahat at maging maayos na siya…
salamat prinsipe ng pangarap!
salamat sa pagdaan sa aking bahay!
(Quote)
‘you are my reason, so i live’
wow..this is a very sweet song.
thanks for sharing. :p
walang anuman FD!
(Quote)
this is very inspiring sandi. for someone like her, life is beautiful to give it up and take it away from her. nakakalungkot na minsan kung sino pa yung malakas at may sapat na kakayahan para labanan ang mga pagsubok sa buhay, sila pa yun unang sumusuko.
Hi Enjoy! ‘yun siguro ang purpose ng buhay ni Kcat, ang magbigay ng inspirasyon at maging isang magandang halimbawa sa mga taong tulad natin na madaling sumuko kapag may dumarating na mabigat na pagsubok sa ating buhay.
(Quote)
inspiring.. napuntahan ko na rin site nya.
Thanks
(Quote)
salamat sandi…..
wala pong anuman!
(Quote)
yes she can…a very determined spirit…pinahanga nya ako…salamat sandi at ibinahagi mo ito sa amin….
walang anuman kuya blu!
(Quote)
hmmm..cia pala ang kameet mo kuya..napakastrong ng spirit nia..i admire her for that..
yes azul, siya nga!
totoo, na siya punong puno ng spirit at determinado na balang araw ay makakarinig din siya
(Quote)
parang gusto ko rin sya makita. pero sa ngayon, makiki cheer na lang muna ako, yes you can!
haha.. sige lang ms. kengks’ matutuwa ‘yon
(Quote)
ayun nakita ko sa side bar mo hehe check ko na lang po ..
okey.. salamat lovely!
(Quote)
grabe sa itsura nya ang dami nya ng dinanas na operasyon pero hindi sya sumuko dahil nakagawa pa sya ng video ..at lumalaban, saludo ako grabe..we wish na gumaling sya..
kuya paano maka bili ng tshirt nya at nasa magkanong halaga ba ito..\:)
tshirt? tsek mo na lang ang kanyang multiply site..
(Quote)
grabe sandi! napaka-determined nyang tao…sobrang saludo ako sa kanya….bow ako to the highest level
apir tayo dyan ms. Kikay!
(Quote)
Amazing indeed! What a nice story.
Hi Ms. Snow! sa kabila ng kanyang pinagdadaanan..kahanga hanga po talaga siya.
salamat po!
(Quote)
hello po kuya sandi! maraming maraming salamat po talagang talaga.. ay oo nga di tayo nakapag-picture-picture.. dibale next time.. thanks po talaga! tc & God bless!
Hi Kcat! walang anuman at Salamat sa blessing!
salamat din sayo Kcat sa pagpapa alala kung papaano mabuhay..
God bless you too! Kamusta na lang sayong Mama Madge!
Hanggang sa muling pagkikita
kuya sandi
(Quote)
tama ka kapatid! lalo na kapag mameet mo siya sa personal.. hahanga ka talaga
Kung pamilyar kayo sa teledrama na One litre Tears.. halos parehas lang sila, nag kaiba lang sa pangalan ng sakit..
(Quote)
base pala ako!
haha
(Quote)
huwaw! amazing! i hope na gumaling na siya! mabisita nga yung site niya!
and nice for you kuya Sandi na makilala mo siya! ang gandang adventure nito Kuya!
kahanga-hanga talaga! lalo na’t makikita mo siya sa personal..
(Quote)
hindi ko pa napapanood yung vid kase andito ako sa opis! hindi supported ng PC yung vids.
okey lang yun ax! may transcript dyan ng news central at probe!
(Quote)
Kcat, welcome nga pala sa aking munting bahay dito sa internet! Palaging bukas ang pinto ng aking munting tahanan para sa’yo.
(Quote)
salamat uli kuya sandi.. ^__^
tama hanggang sa muli.. magkkita uli tayo..
basta wag umulan.. hehe
haha.. okey lang yun! Magandang gabi sa inyo
(Quote)
ako rin pinahanga niya!
(Quote)
ayos lang ako Livingstain..salamat
(Quote)
sige po.. tiyak matutuwa po si Kcat nyan, malaking bagay sa kanila ang pagbili nyo ng tshirt nya.. salamat po
(Quote)
Oo nga.. Lau! nakakainspire talaga siya
(Quote)
Hi Jex! kahanga-hanga talaga sila! Halos parehas lang sila ng pinagdadaanan ni Aya ng one litre tears..
salamat!
(Quote)