Naalala ko ang isang eksena sa aking buhay kung saan ko naramdaman ang magmahal ng lubos sa isang hindi nating ka-uri, sa isang nilalang na apat ang paa. Ito ay ang pangalawang panganganak ng aking asong si pixie.
Nobyembre 2004..sa isang klinika ng mga hayop sa Marikina.
Doktor: “nagkaroon ng ectopic pregnancy ang inyong alagang aso, apektado po ang kanyang bituka at daming nawalan dugo sa kanya…ooperahan po namin siya pero 50/50 na po ang tsansa nyang mabuhay..kayo po ano po ang desisyon nyo?”
Hindi ako makapag salita sa sinabi ng doktor sa akin, para bang ang aking boses ay biglang nawala..nakadama na kaagad ako ng kabog sa aking dibdib at awa kay pixie. Ang aking mga mata ay napupuno na ng mga luhang pinipigilan kong pumatak ngunit hindi naglaon ay umagos din sa aking pisngi.
Sandi: Sige po operahan nyo na po siya!
Pinapirma ako ng waiver at pinalabas muna sandali ng klinika, nagsimula na ang opersyon. Pumunta ako sa isang madilim na sulok at nagwika sa Kanya..
Sandi: “Bigyan mo po siya ng pagkakataon na mabuhay, bigyan mo pa kami ng pagkakataon na magkasama. Huwag Mo muna po siyang kunin..hayaan mo muna kami magkasama. Mahal ko po kasi si pixie at ayoko pa siyang mawala sa aking piling, marami pa akong plano sa kanya..pls. po! pls. po!” Sinabi ko sa Kanya ito habang ang aking luha ay tuloy tuloy na pumapatak.
Lumipas ang ilang oras, natapos din ang operasyon. Pinapasok ako sa klinika, pinaupo.
Doktor: “magiging maayos na po si pixie, pero isang tuta lang po ang nabuhay. Hayaan nyo po muna rito sila sa klinika habang nagpapagaling, dalaw-dalawin nyo na lang po.”
Nakahinga ako ng maluwag sa binalita ng doktor, napawi ang aking lungkot at napalitan ng saya at bagong pa-asa. Naisip ko kaagad sa mga oras na ‘yon ang Panginoon…isang malaking pasasalamat ang winika ko sa Kanya sa pagdinig at pagbibigay ng panibagong buhay sa aking mahal na alaga. Marami kaming masasayang araw na pinagsamahan mag-amo pagkatapos no’n.
Kulang kulang limang taon ang lumipas, nitong nakaraan sabado ng gabi, pagkatapos ko siyang pakainin.. lumapit siya sa akin, kiniskis ang kanyang ulo sa aking hita… naglalambing na parang pusa, Pagkatapos ay pumunta sa kanyang paboritong lugar at nahiga. Hinimas ko ang kanyang ulo at iniwanan ko na siya sa kanyang lugar para ako naman ay makapagpahinga.
Linggo, Kaninang umaga, pinuntahan ko siya sa kanyang lugar, nakitang kong nakahiga pa rin, kaya nilapitan ko. Umupo ako at hinawakan ang kanyang ulo at katawan..dumapa siya at nilapit ang kanyang katawan sa akin, pinatong ang kanyang ulo sa aking hita. Hinimas ko ang kanyang ulo bilang ganti at pagkatapos ay binababa ko ang kanyang ulo at inayos ang kanyang pagkakahiga. Nalungkot ako sa aking nakita dahil nararamdaman kong kakaiba ang kanyang eksena na hindi ko nakasanayan. Nilapitan ko ulit siya at hinimas muli ang kanyang ulo. Huminga ng malalim si pixie at tuluyang ng nagpaalam sa akin patungo sa bahagharing tulay. Hinintay nya lang pala akong magising bago siya lumisan.

Si Pixie po yung nakadapa at anak nya sa unang panganganak ang nakatayo.
Nagpapasalamat ako sa Panginoon sa pagdinig Nya sa aking panalangin at pagbibigay Nya ng ilang taon para kami ay magkasama..sapat na minsan, ako ay Kanyang pinakinggan at pinabigyan sa aking hiling.
Pixie or The Pixie of Relic Hunter
Aug. 2000 – May 2009
Pixie,
Paalam kaibigan! Mamimis ka namin ni Argo at ni Gracie (ang kanyang anak), Mag kaibigan tayo Habangbuhay(Friends for life).
Paalam..Paalam..hanggang sa muling pagkikita!
Kuya Sandi




















awts…
how sad…
She will be miss.
waaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhh…
(Quote)
kalungkot naman. buti nahintay ka pa niya.
(Quote)
Kapatid, kakalungkot naman… Pero ang ganda ng inyong pagkakaibigan… Ngayon ko lubos naunawaan ang pagmamahal mo sa iyong mga alaga, mula noong ipost mo yung tungkol sa nagtutulungang unggoy…
(Quote)
nakakatouch ang kwento kapatid. napakalalim nang inyong pagkakaibigan.
(Quote)
hmmmm..gandang uri ng pagkakaibigan….salamat sa post na ito at naalala ko tuloy ang aso kung si Luc na naiwan sa Pinas…hu hu huh huhuh hu..
ikaw kasi Sandi ha!
(Quote)
eto tissue kuya blu..
(Quote)
Hi Sisa! dahil na rin siguro sa maraming oras na ginugugol ko sa kanila para alagaan kaya ganyang kalapit ako sa kanila
(Quote)
salamat
Sa tagal kasi ng aming pinagsamahan nakuha ko na rin ang kani-kanilang ugali, kahit di sila nagsasalita alam kong sa kanilang kilos kapag sila ay maysakit, nagugutom, natatakot (yes, natatakot din sila) at iba pang lenggwahe ng kanilang kilos, ang bawat tono ng kanilang kahol ay may ibig sabihin, bawat galaw ng kanilang buntot ay may ibig sabihin din.. sa pusa ganun din..
hehehe..nagmamarunong kuno
(Quote)
mga kinse minutos din siguro simula ng lumapit ako..
(Quote)
ilang araw ko na nga siyang namimis..lalo na’t kapag nakikita ko ang dalawa ko pang asong pinupuntahan ang kanyang tulugan..hinahanap din nila
(Quote)