ang Tanging Yaman

pagpapahalaga sa buhay na binigay ng Diyos
language
profile

Piyansa (updated)

May 17- Pagkatapos kong basahin at timbangin ang inyong mga payo, nagpasya akong puntahan na lang siya sa kanyang tahanan para humingi ng paumanhin, kamustahin at….. ibigay ang dapat ay pangpiyansa nya.. para may panggastos sila sa kanilang araw araw na pangangailangan.

Naisip ko na kung tutulong lang ako ay bakit hindi ko pa lubusin, huwag ng maghintay pa na sila ay lumapit muli, bagkus ako na lang ang dapat lumapit at magbigay.

marami akong natutunan sa inyong mga payo.. isa na rito ang pagpapakumbaba..maraming salamat pong muli! :)
*******

Isang umaga, tinawag ako ng aking tatay habang naghahanda ako para pumasok sa opisina, Isang bata daw ang naghahanap sa akin, anak ng isa kong kakilala.

Pinapasok sa bahay ang bata para makausap ko. Pagka-pasok, may inabot siya sa aking sulat.. sulat ng kanyang tatay na ganito ang sinsabi:

Sandi,
Pahiramin mo muna ako ng pera, 20 thousand pesos. Nakulong kasi ako, kailangan ko ng pang piyansa. Parang awa mo na..

salamat,
xxx

Nagulat ako sa aking nabasa at hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko dahil sa nangyari at dahil wala rin akong maibibigay kahit isang daang piso sa bata…eksakto lang ang pera ko para sa gastusin sa bahay. Sinabi ko na lang sa bata na bumalik na lang pagkatapos ng dalawang araw..ngunit, isang linggo ang lumipas hindi pa rin bumabalik ang bata at nalaman ko na lang na may nagbigay na ng pangpiyansa.

Ako ay nahihiya na hindi ako nakatulong noong mga oras na ‘yon. Tinanong ko Siya bakit ang iba ay nagagawa kong tulungan ngunit ang isa kong kakilala na nangangailangan ng aking tulong noong mga oras na ‘yon ay hindi ko nagawang tulungan?

Hanggang ngayon ay nahihiya pa arin ako at nakokonsensiya!

okey lang po bang iwan ko sa inyo ang tanong, para malinawan ang aking magulong isip at mabigyan ng kasagutan ang aking tanong.. ang inyong opinyon ay mahalaga at aking ikalulugod. salamat po!

content
Share and Enjoy: These icons link to social bookmarking sites where readers can share and discover new web pages.
  • Print
  • Digg
  • Sphinn
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Mixx
  • Google
  • Blogosphere News
  • LinkedIn
  • Reddit
  • RSS
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • Tumblr
  • Twitter
  • Twitthis
  • Yahoo! Bookmarks
  • YahooBuzz
  • Bloglines
  • Ask
  • blogmarks
  • MyShare
  • MySpace
  • Netscape
  • VoteForIt
  • YahooMyWeb

Tags: , , ,

at 3:58 pmresearch and is filed under Kamay ng Isang Kaibigan. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

19 Responses to “Piyansa (updated)”

  • joyo says:

    :( may naalala ako bigla…

    Naramdaman ko din yan nung mga nakaraang arw lang… naitanong ko rin yan sa sarili ko
    “bakit ang iba ay nagagawa kong tulungan ngunit ang isa kong kakilala na nangangailangan ng aking tulong noong mga oras na ‘yon ay hindi ko nagawang tulungan?”

    ………..hindi ko pa rin alam kung bakit.  

    (Quote)

  • hitokirihoshi says:

    in my opinion po, nabibigatan ka dahil hindi ikaw ang nakatulong pero ang nagkamaling hindi mo siya natulungan ay hindi naman po.

    totoo na wala kang pera that day di ba? so okay na sabihin na kaagad na wala kang pera kaysa paghintayin siya at makagawa sila ng paraan.

    pinabalik mo after two days – ibig sabihin, gusto mo mag-try na makagawa ng paraan. yun nga lang hindi rin bumalik yung bata.

    nahihiya ka sa kaibigan mo pero wala kang dapat ika-guilt. malamang ay hindi rin ikaw ang inadyang makatulong sa kanila. sinadya lang na mabigyan ka ng info sa nangyayari sa iyong kaibigan for some other reason. give him advices and moral support instead.

    mabuhay!  

    (Quote)

  • dencios says:

    sa totoo boss sandi naisip ko baka answered prayers na iyan. gumawa na SIYA ng way nya para at least maibsan ang pagaalala mo. siguro right now ang magagwa mo na lang ay ipagpatuloy ang prayers for both. di mo kasalanan yun bossing or wag ka makonsensya, ok po?  

    (Quote)

  • Hello Sandi…

    I know what you are going through… Normal lamang na hindi natin matugunan sa lahat ng pagkakataon ang nanghihingi sa atin ng tulong.

    Sabi nga ni Norman Maclean:

    “… it is… seldom [that we can] help anybody. Either we don’t know what part to give or maybe we don’t like to give any part of ourselves. Then, more often than not, the part that is needed is not wanted. And even more often, we do not have the part that is needed.

    At that time, you do not have the part that is needed. But still you committed to help by telling the boy to come back after two days…

    In the grand scheme of things perhaps, your role was not to give financial support. Most of the time, situations require us to give our best… Perhaps your best is to be THAT tangible friend, which I believe you are, because of your commiseration now…

    You have a good heart Sandi… May God bless you more and more… :)   

    (Quote)

  • enjoy says:

    ito po ang aking opinyon:

    wala ka naman dapat ika-guilty. sa totoo lang ay ninais mo rin naman tumulong kaya nga sinabi mo sa bata na bumalik siya makalipas ang 2 araw. isipin mo na lang na may sumagot na ng kanilang pangangailangan at answered prayer na rin yun para sa iyo. kung wala kang maidudukot, hindi mo na responsibilidad o obligasyon ang magbigay ng tulong. ang mahalaga ay ipinadama mo na may puso ka sa pagtulong.

    paano ka tutulong kung ikaw mismo ay gipit? mangungutang ka ba para lamang may maipautang ka?

    free yourself from guilt sandi. God is with you :)   

    (Quote)

  • otep says:

    alam mo parekoy sino bang ayaw tumulong?

    ang pagkakamali mo lang siguro, dapat pinuntahan mo yung taong iyon (nakakulong)

    at ipaliwanag kung ano man ‘yong paliwanag mo.

    para sa’kin ang taong gustong tumulong may magagawa kahit maliit.. (pero hindi ko naman sinabi na ayaw mo talagang tumulong)

    sa palagay ko kung nandun ka sa mga oras na yun. tulong mo na ang pagdamay.

    kung ako yung taong nakakulong papaulanin pa kita ng pasasalamat kung nan doon ka.

    pero dahil nangg yari na ang nang yari hindi maiiwasang mahiya ka. pero kung ngayon pa lang ay haharap ka na sa kanya alam kong maiintindihan ka nun.

    at gaya nga ng tanong, may mga pagkakaon talagang nahaharap tayo sa mga bagay na dapat nating pumili.

    maaayos din ang lahat :D   

    (Quote)

  • IKAY says:

    hi sandi bagong dalaw d2 sa iyong ebahay…anyways about dun sa tanong mo…
    minsan kc may mga situation na khit gustong gusto mong tumulong pero minsan hindi mo nagagawa dahil sa minsan hindi sa lahat ng panahon eh meron tyong kapasidad na gawin yun…although kung talagang pipilitin baka…pero cguro may dahilan ang diyos kung bakit hindi ikaw ang nkapagbigay ng tulong sa knya…kya dont feel guilty..cguro mghingi ka nlng ng pasensya sa knya kc hindi mo sya kaagad natulungan.  

    (Quote)

  • anakngpating says:

    kuya pwede mo naman ipaliwanag sa knya na wala ka ring pera nung mga oras na yun..at humingi ka ng pasensya na hindi mo sya natulungan,saka kuya sa laking halaga nun talagang malabong matulungan mo sya agad kung alam mo naman na wala ka ring mapag huhugutan ng ganun halaga..:)
    at ang tanong ko naman kuya bakit sya nakulong may ginawa syang mali,o kung ano man..hingan mo kaya muna sya ng sagot kung bakit ba sya nakulong..
    may dahilan yan ..  

    (Quote)

  • hmmmm….alam mo ang sagot sa tanong na ito…..alam ko na alam mo…

    sa totoo lang kuya blu, hindi ko rin alam ang kasagutan :)   

    (Quote)

  • sandijmartin says:

    Thank you..thank you! :)   

    (Quote)

  • sandijmartin says:

    salamat parekoy! totoo, may pagkakamali ako..  

    (Quote)

  • sandijmartin says:

    may dahilan siguro ang lahat kaya nangyari ito.. salamat  

    (Quote)

  • sandijmartin says:

    may pagkukulang din ako lovely…  

    (Quote)

  • sandijmartin says:

    nakakagulat nga ang naging balita sa akin..tama ka, baka nga ito ay isang pahiwatig na binibigyan ako ng inpormasyon tungkol sa kanya..

    pinuntahan ko na lang silang mag-anak :)

    Salamat Hoshi!  

    (Quote)

  • sabi ko na alam mo ang sagot sa tanong …. at hindi ako nagkamali….kasi galing sa puso mo…..
    in troubled times….search for the answer in your heart, you will not fail!  

    (Quote)

  • sandijmartin says:

    haha.. marami nangyari sa aking ngayong linggo kuya blu, bukod sa natanggap kong payo mula sa mga kaibigang di nakikita :) ay nakatulong din ang gospel ngayong linggo para ako ay malinawan click,at isa pang pangyayari na sumubok sa aking katatagan. kwento ko na lang sa aking blog..

    salamat kaibigang di nakikita :)   

    (Quote)

  • Leave a Reply

    support
    http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_bye.gif 
    http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_good.gif 
    http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_negative.gif 
    http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_scratch.gif 
    http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_wacko.gif 
    http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_yahoo.gif 
    http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_cool.gif 
    http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_heart.gif 
    http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_rose.gif 
    http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_smile.gif 
    http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_whistle3.gif 
    http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_yes.gif 
    http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_cry.gif 
    http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_mail.gif 
    http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_sad.gif 
    http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_unsure.gif 
    http://angtangingyaman.com/wp-content/plugins/wp-monalisa/icons/wpml_wink.gif 
     
    advertise
    This site is protected by WP-CopyRightPro