Umabot na sa kaalaman ni Sarah ang kumakalat na tsismis sa buong school campus. Alam nyang si Rey ang nagkakalat ng maling kwento, ang baligtarin ang pangyayari para mapunta kay Sarah ang sisi ay ang tanging paraan ni Rey para ‘wag pumangit ang kanyang imahe sa buong campus. Noong una, Sinubukang kausapin ni Sarah si Rey para ituwid at linawin ang lahat ng pangyayari, ngunit pasigaw at galit na nagbitaw ng mga salitang hindi pag amin sa kamalian si Rey.
Gustong ipagtanggol ni Sarah ang kanyang sarili. Ngunit pagkatapos nyang tumahimik at kausapin sandali ang Panginoon, may parang bumulong sa kanya, “hintay Sarah”. Nanlalaban pa rin ang kalooban ni Sarah, gustong ipagtanggol ang sarili at itama ang mga kumakalat na maling kwento tungkol sa kanya. Pinigilan na lamang nya ang kanyang sarili at sa tuwing maririnig ang pangalan ni Rey ay kinakagat na lamang nya ng bahagya ang kanyang labi, dahil nagtitiwala sya sa kagustuhan ng Panginoon.
Dumaan ang ilang buwan. Hindi pa rin binabago ni Rey ang kanyang kwento, ngunit may nagbago sa kalooban ni Sarah. Kapag papasok sa isip nya si Rey o makakasalubong ito sa daan, ang lahat ay pinauubaya na lamang nya sa Panginoon. Ang lahat ng pangyayari ay isinuko na lamang ni Sarah sa Kanya, dahil alam niyang ang Diyos lamang ang nakaka alam ng buong katotohanan at buo nyang pagkatao. Pinili ni Sarah ang magpatawad at ituloy ang nasimulang paglalakbay.
May dala-dala ba kayo sa inyong kaloobang, problema sa taong may kaugnayan sa inyong buhay na kailangan nyong isuko sa Kamay ng Panginoon?




















hmmm… meron kuya pero isinuko ko na rin sa Kanya. bahala na lang talaga!
may panahon para sa lahat.
pero yung kwento ni sarah parang… may alam din akong ganyang kwento buti na lang sa akin minor lang. nung high school may nagkakalat na Siopao daw ako. hehehe
(Quote)
waaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh….
how i wish kaya ko yan…
(Quote)
meron ako.
pero minsan kasi, napatawad mo na yung tao, pero sila mismo hindi marunong magpatawad sa sarili nila kaya nagiging mahirap pa rin. pero ayun nga, kung magtitiwala kay God, magiging okay pa rin ang lahat.
(Quote)
nagtetesting lang po ng theme, gravatar, blog titol ang inyong lingkod… salamat po
(Quote)
madali lang sa akin ang magpatawad ang mahirap ee yung makalimot..
(Quote)
kuya blu, bro eli, otep, dencios, fampings and miss n.,
Di ko na dinagdagan pa ang inyong binihagi.. ang gaganda kasi at ang dami kong napulot.. huh! pang ibang level na talaga kayo
salamat..salamat
(Quote)
may mga pangyayari talaga sa buhay na hindi natin kayang pigilan…we dont have resist the plan of god. meron cgurong isang bagay na talagang dapat mangyari na siyang mas lalong magpapabuti sa ating pagkatao.
oh…siyanga pala, nice ng topic na napili mo.
(Quote)
“Lift up your hands to God, and He’ll make you feel alright” ika nga ng kanta ni Basil Valdez.
(Quote)
meron ung asawa ng kapatid ko,
ipinapasadiyos ko nalang sila ng mga kapatid nya at sya sa mga nagawa nilang mali samin lalo na sa mga magulan ko,hindi ko man nagawang lumaban o ipagtanggol ang pamilya ko bahala na ang diyos saknila..
(Quote)
very timely sakin ang post na ito.
minsan nakakapagod na yung laging kalaban ang ating sarili..
tama ka nga boss sandi, isuko dapat lahat ito sa KANYA
at gawin naman natin ang nararapat ayon sa plano nya para sa atin
(Quote)
im back…hehe
nice post po…
^.~)/”) pakawai lan..
(Quote)
kahit naman kailan hindi nagdduulot ng maganda ang pagsisinungaling o di pagsasabi ng katotohanan.
pero gaya ng sabi ng karamihan sino ba tayo para hindi magpatawad sa mga taong nagsadlak sa’tin para makagawa ng kasalanan -ang galit.
Lahat naman tayo biniyayaan ng kalooban, binigyan tayo ng pagkakataong makadama ng poot para matuto tayong mag analisa ng mabuti sa di mabuti. sa ganoon, madama na’tin ang masaktan hindi para gumanti kundi para hindi na ‘tin parisan.
yeah.
(Quote)
ang galing naman ng post mo na ito.
may mga pangyayari na kung iisipin natin ay hindi talaga natin kaya. pero salamat sa Grasya ng Panginoon na siyang sumasatin upang magawa ang mga bagay na parang imposible sa atin.
time heals..lalo na kpag ibibigay ito sa Panginoon para Siya ang mag heal.
(Quote)
Ako meron po. Though wala naman syang personal na kasalanan saken, pero everytime I talk to her, naiinis talaga ko sa kanya, wala lang akong choice kase kadugo ko sya.
I am trying to lay this burden to Jesus asking Him to heal my heart. Emphasis on try. Please pray for me.
Thank you po for this post & God bless you!
(Quote)
tama ka dyan sandi….
pero madalas ang naririnig natin ay ang hirap ng pagpapatawad….
ngipin sa ngipin…
laban ng patas…
ang makaganti….
kailangan nga natin ng himala galing sa Kanya…
para matutunan ang kanyang mga turo..
hirap…ah…hirap…talaga! yan madalas ang pagtitimping sagot.
siguro nga kung maisusuko natin sa Panginoon ang lahat…
magiging magaan ang dalahin…
subukan ko….subukan mo kaibigan….
(Quote)
kalungkot naman nito lovely.. pero tama na ipaubaya mo na lang sa Kanya ang lahat,
darating ang araw may blessings na man Siya para syo at syong pamilya..
God bless..
salamat sa pagshare..
(Quote)
Yes, I will pray for you joycee.. umasa ka! pray mo din ako..
salamat sa iyong pagshare..
(Quote)
Hi Fula! kaway kaway..
salamat
(Quote)
pareho tayo azul.. ganun siguro talaga, mahirap makalimot.. kaya, ingat na lang tayo sa ating mga gagawin.. parang “storya ng pako sa kahoy”
(Quote)
Hi Sisa! Have a good weekend!
(Quote)
haha.. nagawa mo naman di ba na ipaubaya na lang? parang ganito yung latest post mo..
(Quote)
uhmm kaso may KIROT pa din eh,… wehehehe…
(Quote)
ganun siguro talaga, matagal maghilom ang sugat na iniwan lalo na’t malalim
(Quote)
yes Hoshi! Sa Kanyang panahon..
salamat
(Quote)