Monthly Archives: February 2009

Ang Liwanag ay Ikaw

Paulit-ulit kong binabangit dito sa aking blog na tayong lahat, anuman ang estado ng ating buhay, tayo ay nagtataglay ng kadakilaan at kabutihan sa ating kaloob- looban. Ang kailangan lang ay ito ay ating madiskubre at ating alagaan.

Habang tayo ay naglalakbay dito sa mundong ito, minsan naghahanap tayo ng gabay at patnubay, isang ilaw na magbibigay ng liwanag sa ating daraanan. Ang hindi natin alam, tayong lahat ay may angkin din liwanag sa ating kaloob-looban na kailangan nating pasinagin. Tayo minsan, ay nagsisilbing liwanag sa ating mga kapamilya, mga kaibigan, mga katrabaho, kablog, ibang tao, at ng mundo.

Eto po ay para sa inyong lahat, kayo, na nagsisilbing liwanag dito sa mundo.

Eto ay nakita ko lang dito sa internet at gusto ko lang ishare sa inyo…Nawa’y tayong lahat ay magsilbing liwanag dito sa ating mundo.

tignan dito ang link

Share and Enjoy: These icons link to social bookmarking sites where readers can share and discover new web pages.
  • Print
  • Digg
  • Sphinn
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Mixx
  • Google
  • Blogosphere News
  • LinkedIn
  • Reddit
  • RSS
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • Tumblr
  • Twitter
  • Twitthis
  • Yahoo! Bookmarks
  • YahooBuzz
  • Bloglines
  • Ask
  • blogmarks
  • MyShare
  • MySpace
  • Netscape
  • VoteForIt
  • YahooMyWeb

Isang basong tubig

Naalala ko ang isang kwento ng isang lecturer noong ako ay umatend ng isang conference last month at ang isa sa mga topic ng conference ay stress management. Ginawa nyang halimbawa ang isang basong tubig para sa stress management.

English ang ginamit na wika ng lecturer, isinalin ko lang sa filipino at ayon sa aking pagkaka unawa sa kanyang kwento.

Dito nagsisimula:

Habang nagpapaliwanag ang lecturer tungkol sa stress management, itinaas niya ang isang basong tubig at sabay tanong sa aming nakikinig, “gaano kabigat ang isang basong tubig na ito?”

Marami ang sumagot sa kanyang tanong.

Nagsalita muli ang lecturer, “hindi mahalaga ang eksaktong bigat kungdi kung gaano mo ito katagal susubukang hawakan. Kung ito ay hahawakan ko ng isang minuto, walang problema. Kung ito naman ay hahawakan ko ng isang oras tiyak, sasakit ang aking braso. Kung ito naman ay hahawakan ko ng isang araw, tumawag na kayo ng ambulansiya.”

“Sa bawat example, iisa lang ang bigat ng tubig na nasa baso, ngunit habang tumatagal ang aking paghawak dito, bumibigat ito ng bumibigat.” Kanyang paliwanag. “at kapareho rin ito ng stress management. Kung dadalhin natin lagi ang ating mga pasanin, hindi magtatagal, habang nadadag-dagan ang ating pasanin, hindi natin ito kaya pang dalhin.”

“Tungkol sa isang basong tubig, kailangan muna natin itong ibaba sandali at pagkatapos ng ilang saglit ay pwede na ulit nating itong hawakan. Kapag binigyan natin ng pahinga ang ating sarili, mas madali at mas magaan nating madadala ang ating mga pasanin.” wika nya.

“Kaya po, bago kayo umuwi ngayong gabi, iwan nyo rito ang lahat ng inyong mga mabibigat na pasanin. Huwag nyo ng dalhin ito sa inyong mga bahay.
Pwede nyong balikan at kunin dito bukas ng umaga. Kung anuman ang inyong mabibigat na pasanin, paki- iwanan nyo na lang dito.” paulit- ulit na sabi ng lecturer

“Relaks muna kayo, balikan nyo na lang bukas pagkatapos nyong makapag-pahinga. Masarap mabuhay. Enjoy it!” ang huling niyang sinabi sa amin

END :)

Share and Enjoy: These icons link to social bookmarking sites where readers can share and discover new web pages.
  • Print
  • Digg
  • Sphinn
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Mixx
  • Google
  • Blogosphere News
  • LinkedIn
  • Reddit
  • RSS
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • Tumblr
  • Twitter
  • Twitthis
  • Yahoo! Bookmarks
  • YahooBuzz
  • Bloglines
  • Ask
  • blogmarks
  • MyShare
  • MySpace
  • Netscape
  • VoteForIt
  • YahooMyWeb

Ang Kayamanang ating hinahanap

Hayaan nyong ishare ko sa inyo ang isang maikling kwentong nabasa ko noong ako ay nasa elementarya pa lamang. Kahit papaano ay sana ma-inspire kayo sa kwentong ito. Nakalimutan ko na ang title at author, sobrang tagal na kasi nito :)

dito nagsisimula ang kwento:

Minsan, Sa isang liblib na lugar ng isang nayon, isang matanda ang natutulog sa may ilalim ng puno. Habang ang araw ay unti-unting sumisikat sa kagubatan, isang taga- nayon ang humahangos na pumunta sa matanda at yinugyog nya ito para magising.

“Ang hiyas, ang hiyas, asan ang hiyas? Ako ay nanaginip na ang sabi ng diyos sa akin ay hanapin ko ang isang matanda sa kagubatan na mayroong dala- dalang hiyas na ikayayaman ko habambuhay.”

Inabot ng matanda ang kanyang bayong. Kinuha ang dyamanteng kasing laki ng buko. “Eto ba ang iyong hinahanap?” tanong ng matanda. “Nakita ko ito sa aking dinaanan”.

Malugod na inabot ng matanda ang dyamante sa taga-nayon at kinuha naman kaagad ng taga-nayon at tuwang- tuwang-tumakbo pabalik sa kanyang tahanan. Simula noon, ang taga-nayon ay ilang araw at ilang gabing hindi mapakali at hindi makatulog. Hanggang sa isang umaga, ang taga-nayon ay nagpasyang bumalik sa kinaroroonan ng matanda.

“Pakiusap” wika ng taga-nayon ,habang binabalik ang dyamante, “maari po bang ibahagi nyo sa akin ang kayamanang nagbigay sa inyo ng pahintulot na ibigay sa akin ng ganoon kadali ang dyamante?”

Ang Panginoon ang ating tunay na kayamanan. Siya ang ating Tanging Yaman :)

Share and Enjoy: These icons link to social bookmarking sites where readers can share and discover new web pages.
  • Print
  • Digg
  • Sphinn
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Mixx
  • Google
  • Blogosphere News
  • LinkedIn
  • Reddit
  • RSS
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • Tumblr
  • Twitter
  • Twitthis
  • Yahoo! Bookmarks
  • YahooBuzz
  • Bloglines
  • Ask
  • blogmarks
  • MyShare
  • MySpace
  • Netscape
  • VoteForIt
  • YahooMyWeb

Ang sampung tutut sa akin

honestscrap

Nitong nakaraan Feb. 16, na tag ako ni Foobarp, bilang pangako at tugon sasagutin ko ang sampung totoo sa akin :)

The tag rules read: “When accepting this auspicious award, you must write a post bragging about it, including the name of the misguided soul who thinks you deserve such acclaim, and link back to said person so everyone knows he or she is real.”

“Choose a minimum of 7 blogs that you find brilliant in content or design. Or improvise by including bloggers who have no idea who you are because you don’t have 7 friends. Show the 7 random victims’ names and links and leave a harassing comment informing them that they were prized with “Honest Weblog.” Well, there’s no prize, but they can keep the nifty icon. List at least ten honest thing about yourself.

Ang sampung tutut sa akin:

1. Una, Ako ay si Sandi J. Martin ng Pasig City, Philippines.

2. Ako ay may alagang tatlong pure breed na doberman, sampung pusang gala, isang ibon at hindi ko mabilang na batang kalsada. Kung loloobin ng Diyos, Nagbabalak na din akong mag- alaga ng mga batang may sakit at mga inabandonang matatanda, mga hayop na inabandona at minaltrato.

3. Ako ay lalake, pang babae lang ang aking pangalan, bilang respeto sa aking magulang na nagbigay sa akin ng pangalan, hindi ko binabago at hindi ako nagrereklamo.

4. Nasa edad kwarenta na ako (40), binata! Pinili ko ang ganitong buhay at kailanman ay hindi ako nagsisisi dahil may dahilan naman kung bakit pinili ko ito, dahil sa ating Diyos at sa aking kapwa. Oo, mahirap mabuhay ng nag- iisa, andyan palagi ka na lang binibiro at tinutukso. Kaya tinitiis ko na lang kung ano man ang kanilang sinasabi.

5. Wala akong mai pagmamalaking kotse, bank account,diploma, bahay, at iba pang materyal na yaman. Na promote ako sa aking pinapasukang trabaho hindi dahil sa diploma, kungdi dahil sa aking pagsisikap at pagtityaga at ang lahat sa aking buhay ay inaasa ko lamang sa ating Diyos, ang ating tunay na Tanging Yaman.

6. Kundi mo ako kakausapin hindi ako magsasalita, ako ay isang silent worker, ginagawa ko na lang ang kailangan gawin kaysa mangako ako, mag- salita at ipasa ko pa sa iba ang trabaho.

7. Hindi ko lubos maisip na ngayon ay blogger na ako, hinahanap ko lang sa google si ginoong Roberto Anonuevo isang Palanca Hall of Famer for Literature, isang batchmate nung highschool, isang kaibigan. Dito ko dinala ng google at natagpuan ang aking hinahanap.
Ilang buwan ang lumipas pagkatapos kong matagpuan si Ginoong Bobby, nagsimula na kong magsulat dito sa aking blog. Walang akong alam na kaya ko palang mag sulat ng katulad ng inyong nababasa sa aking blog. Salamat kina Ms. Kengkay at Ginoong Bobby ang mga nag- tulak sa akin para mag-sulat at syempre salamat kina Bro. Utoy at Rev. Siopao sa pagpromote ng aking blog, at sa inyong lahat :)

8. Napaka sentimental kong tao, gaano man kaliit na kabutihan, regalo ang binigay sa akin, ito ay aking inaalagaan at tatanawing utang na loob habang buhay.

9. Naniniwala ako na ang lahat ng nilikha ng Diyos ay may karapatang mabuhay.

10. Panghuli, Ang aking natatanging pangarap ay makita ang mukha ng Diyos pag natapos na ang aking paglalakbay dito sa mundo.

Hindi na ako mag-tag, bahala na kayo kung gusto nyong isulat din ang mga tutut sa inyo :)

Maraming Salamat at God Bless you all!

Share and Enjoy: These icons link to social bookmarking sites where readers can share and discover new web pages.
  • Print
  • Digg
  • Sphinn
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Mixx
  • Google
  • Blogosphere News
  • LinkedIn
  • Reddit
  • RSS
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • Tumblr
  • Twitter
  • Twitthis
  • Yahoo! Bookmarks
  • YahooBuzz
  • Bloglines
  • Ask
  • blogmarks
  • MyShare
  • MySpace
  • Netscape
  • VoteForIt
  • YahooMyWeb

Mother Teresa

Maraming naniniwala na kapag nakita mo raw si Mother Teresa ng Calcutta ay ma iinspire ka at parang dinadala ka papalapit sa Diyos. Paano pa kaya kung ang lahat ng tao sa mundo ay palaging pagmamasdan ang kanyang mukha kaysa sa mga litrato ng gyera, krimen, taong nagugutom, pagkasira ng kalikasan na palaging laman ng balita.

Maging maganda sana ang inyong araw sa aking ibabahaging picture ng isang banal na babae, na tinuring na living saint noong siya ay nabubuhay pa. Basahin ang kanyang salitang kapupulutan ng aral. :)

dito tignan ang picture at basahin ang kanyang salita.

Awit ko ang kakantahin ko

Sa isang kasayahan, ang saya-saya kapag may hinandang videoke para sa mga bisita. Ang lahat ay masaya habang may kumakanta, tuwang-tuwa naman ang kumakanta habang umaawit lalo na’t inaawit nya ang kanyang paboritong awitin. Kapag nahanap na ng isang aawit ang kanyang gustong awit at simulan na niya itong awitin, ang kanyang kaba, ang kanyang pagdududa sa kanyang sarili ay unti-unting nawawala. Pinapakita ng bawat umaawit ang kanyang pagiging malikhain, ang kanyang kaibahan sa lahat.

Dahil sa kanyang kaibahan at sariling paraan kung paano mabibigyan ng kanyang sariling bersyon ang isang awit,  ang buong paligid ay sumasaya kahit na wala sa tono o sintunado ang kumakanta. Lalo pang sumasaya kapag ang awit ay alam at katangap-tangap ng mga nakikinig.

Bagamat may dala-dala tayong takot na maging iba, sa ka-ilaliman ng ating pagkatao, ang bawat isa sa atin ay may kapangyarihang naisin para maging iba at katangi-tangi.

Bakit ba sa una ay nakakaba at nakakahiyang kumanta? Pero kapag nasimulan mo na, ay hindi naman tayo mapigilan tumigil sa pag-awit.

Aminin man natin o hindi, lahat tayo ay nasaktan nang ang ating pinangarap nun tayo ay bata pa ay balewalain, pero tinanggap natin ito kahit na masakit sa ating kalooban,  “para sa ating kabutihan”.

Noong ako ay bata pa, madalas kong hingin na ako ay respetuhin dahil sa aking pagiging iba sa ibang bata, pero dahil sa, nakakapit pa ako noon sa saya ng aking nanay at sunod-sunuran sa kanilang pasya, sinasakripisyo ko na lang aking nararamdaman para huwag magalit ang aking magulang at makamit ko ang kanilang pagmamahal.

Para sa ating lahat, tayo ay tinuruan ng ating mga magulang sa kanilang sariling paraan kung paano tayo “maging mabuti”, at tayong lahat naman ay sumang-ayon sa kanilang kagustuhan, kahit na may poot sa ating kalooban at kahit na isakripisyo pa natin ang ating mga gusto noong tayo ay bata pa. Tayong lahat ay tinuruang noon ng ating mga magulang na maging mabuti bago pa naisin natin ngayon na  maging mabuti. Eto siguro ay maaring maiging pagkakatangi, pero habang tumatagal at sa paglipas ng panahon nalalaman natin ang kaibahan ng sunod-sunuran at pagiging malaya.

Isang puwang ang nabuo sa pagitan ng totoong damdamin at pekeng damdamin, sa pagitan ng “kung ano ang dapat kong maramdaman” at kung ano ang aking nararamdaman”. Habang ito ay tumatagal, nakakalimutan nanating ang pagiging musmos, para hayaan ang saya at kalungkutan ay pumasok kung kailan nila gusto, para ibigay o ingatan ang anumang sandali.

Minsan tinatago natin kung ano o sino tayo dahil natatakot tayo sa magiging reaksyon at impresyon ng ibang tao sa atin.  Palagi nating tatandaan na tayong lahat ay may nakakabit na kabutihan at palagi nating ginagawa ang lahat ng ating makakaya para maging isang mabuting tao. :)

Share and Enjoy: These icons link to social bookmarking sites where readers can share and discover new web pages.
  • Print
  • Digg
  • Sphinn
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Mixx
  • Google
  • Blogosphere News
  • LinkedIn
  • Reddit
  • RSS
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • Tumblr
  • Twitter
  • Twitthis
  • Yahoo! Bookmarks
  • YahooBuzz
  • Bloglines
  • Ask
  • blogmarks
  • MyShare
  • MySpace
  • Netscape
  • VoteForIt
  • YahooMyWeb